05

121 7 2
                                    

"What?! May nakakilala sayo?" Gulat na tanong ni Coach agad ko naman siyang senenyasan na manahimik na lang.

"Paulit-ulit kayo eh." Bulong ko.

"Sino? Ilan? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Don't worry. Nakausap ko na siya ng masinsinan." Saad ko saka bumuntong-hininga at napatingin ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Alladin. Agad namang naging alerto ang mga kasama ko. Bawal pumasok kasi dito ang hindi kasi kasama sa mga nagpapractice. Iwas na rin para hindi ako makita.

"You're not aloud to enter here. Leave before we break your bones." Saad ni Rill. Magkaklase sila dahil HUMMS din si Rill pero nasa section siya kung nasaan si Alladin. Sinabi niya kanina ang section niya sa akin kaya nalaman ko.

"It's fine. Kasama ko siya." Sagot ko saka senenyasan si Alladin na isarado ang pinto.

"Siya? Siya 'yung nakilala sayo?" Tanong ni Coach at tumango naman ako. "Paano nangyari 'yun? Paano niya nakuha ang mask mo?"

"Ginulat ako eh. Hindi agad ako nakapalag." Nakangusong saad ko saka napakamot ng ulo. "Napaliwanag ko naman po sa inyo ang iba eh. Practice na muna kami. Uuwi na ako mamay eh." Paalam ko kay Coach saka pumunta na sa mga kasama ko kung nasaan si Alladin.

"Sa dami ng babae si master pa talaga ang napili mong punteryahin ngayon, ah?" Binatokan ni Rill si Alladin kaya lumapit naman ako doon.

"I-I'm just curious about her..."

"Ngayong alam mo na. Gulat ka, no? Ngayon mo lang narealize na mali 'yung kinanti mo. Alam mo bang kaya niyang baliin lahat ng buto mo isa-isa." Pananakot pa ni Rill. Nakita ko naman ang paglunok ni Alladin kaya humagikhik naman ako dahilan para tumingin naman sila sa akin.

"Tinatakot mo naman siya, Rill." Saad ko pa.

"Sinasabi ko lang ang totoo. Huwag kang lalapit masyado sa lalaking 'yan, Master." Saad pa ni Rill kaya napakunot naman ang noo ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Playboy 'yan eh." Saad pa ni Rill kaya napatingin naman ako kay Alladin na halatang nahiya bigla.

"Ano 'yun?" Tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang playboy eh. Ano ba 'yun?

"Yung pinaglalaruan lang ang mga feelings ng babae. Madami rin 'yang mga babae, master. Baka biktimahin ka rin niyan tapos saktan ka din niya. Durugin niya 'yang puso mo." Saad pa ni Rill at napatango-tango pa ang iba naming kasama.

"Yun pala..." Saad ko habang nakatingin kay Alladin ng ilang sandali at tiningnan siya mula ulo hanggang paa saka nagkibit-balikat at ngumiti. "It's okay. Mabait naman siya eh. Tsaka kapag dinurog niya 'yung puso ko? Dudurugin ko rin lahat ng buto niya at ihuhuli ko 'yung puso niya. Tiyak mas masakit 'yun, diba?" Nakangiting tanong ko pa sa kanila. Nakita kung lumunok naman ulit 'yung Alladin.

"Narinig mo 'yun? Huh?  Huh? Kapag sinabi 'yun ni Master ay tinototoo niya kaya mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Pero... Hindi naman mahuhulog sayo si Master. Tss. Artista to, pre. Ibang level 'to kesa sa mga babaeng pinapatos mo." Saad pa ni Rill.

"Bakit ako mahuhulog?" Tanong ko naman, curious ako.

"Baka mafall ka sa kaniya master. Magkagusto ba?" Saad pa ni Rill kaya napatango-tango naman ako saka umiling.

"Hindi. Hindi. Study first ako hehe." Sagot ko.

"Anong nangyayari dito? Bakit may nakapasok na ibang tao dito?" Tanong ni Axel na kakarating lang at ang paningin ay na kay Alladin.

"Kasama ko siya. Hala, start na pala tayo. Uuwi na ako mamaya. Alladin, doon ka lang sa may gilid para hindi ka namin masagi mamaya. Hintayin mo na lang ako. Mabilis lang 'to." Saad ko. Tumango lang naman ito at sinunod ang sinabi ko.

Tyempong nakabalik na si Axel kaya nagsimula na kami. Ako pa rin ang nagpractice kasi sumakit ang balakang ni Coach kaya pahinga na lang muna siya.

Kagaya kahapon ay nilabanan ulit nila ako pero ngayon ay tig-dalawa na. Para mabilis matapos hehe. Si Carm at Saj ang unang lumaban sa akin. Sabay silang sumugod at nagpakawala ng sipa at agad naman akong umuklo para iwasan iyon at sinilag ang suntok nilang dalawa saka mabilis na hinawakan sila sa parehong leeg at itinumba sa foam kung nasaan kami ngayon. "Your offense is fine though it's still slow. But your defenses are so weak. Learn how to dodge and guard your body." Saad ko at tumango naman silang dalawa saka lumabas na saka sunod naman ang si Rill at Axel. Inikotan nila akong dalawa at nanatili lang naman akong nakatayo at pinakiramdaman silang dalawa at ng sumugod na sila ay saka ako gumalaw.  Una kung sinangga ang sipa ni Axel na punterya ang mukha ko at agad na sinunod na sinalo ang suntok ni Rill na punterya naman ang tagiliran ko. Pero mabilis silang nagpalit ng atake. Siniko ako ni Axel at balak naman akong sipain sa tuhod ni Rill pero binitawan ko lang silang dalawa saka mabilis na lumundag pagilid saka binigyan ng sipa sa hita si Rill at saka sinuntok sa tagiliran si Axel dahilan para mapaluhod silang dalawa.

"You two are doing fine but just like the two earlier your defenses are so weak. Masyado kayong nagfocus sa offense. But you two are great. Kung si Coach 'yun ay baka natamaan niya na." Nakangiting saad ko. Narinig ko naman na sumigaw si Coach pero hinayaan ko na lang. "Next." Saad ko at may tumayo namang dalawa. Nagpatuloy lang ang practice na iyon hanggang sa maubos ko pa rin silang maitumba.

Pinatalon ko rin sila kagaya ng kahapon at kahit papaano at may improvementa naman. Noong magbell ay nagpaalam na ako sa kanila dahil hanggang mamaya pa sila roon.

"Tara." Aya ko kay Alladin na hinintay talaga ako. Nakasuot na ako ng mask ko bago lumabas doon.

"Ang galing mo." Saad niya.

"Thankyou." Saad ko saka tumingin na ulit sa daan.

"Bakit... hindi mo pinansin ng nakaraan, V-Von?" Tanong niya.

"Alin dun? Noong binunggo mo'ko o nung sa classroom?" Tanong ko.

"Lahat. Bakit parang hindi mo'ko nakikita. And when you wear your mask, you're back to cold again. Parang wala ka ng pakialam sa mundo ulit."

"Ganoon lang talaga kasi ako. Hindi ko na pinapansin ang ibang tao dahil nahihilo lang ako lalo na kapag masyadong maraming tao. Eh ikaw, palaging maraming umaaligid sayo kaya mas pinipili ko na lang na huwag tumingin. Tsaka anong cold? Hindi kaya. Sadyang ayaw ko lang magsalita ng marami kapag nakamask ako dahil sumasagi ang labi ko sa mask. Nasasaktan ako." Saad ko habang hinahawakan ang harapan ng mask ko para hindi sumagi sa labi ko.

"I see.... You notice me?"

"Oo naman." Tumango ako at inayos na ang mask ko.

Ramdam ko ang maraming mga titig kahit saan pero hinayaan ko lang. Wala naman akong napapala kapag pinansin ko sila.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon