Umaga pa akong nagising dahil sa nangyari kagabi. Agad akong dumeritso papunta sa banyo para makapagmumog at nanlaki ang mata ng makita ang mukha ko.
Mukha akong aswang...
Napatingin ako sa oras at agad napangiwi. Six pa lang ng umaga. Bawal pa akong maligo. Baka haggard naman ako mamaya kapag naligo ako agad.
Maghihilamos na lang muna ako at magsusuklay...
Napahawak pa muna ako sa pisngi ko at parang may kung anong kumikiliti naman sa akin.
Hala...
Agad ko na lang naisarado ang pinto ng kwarto ko saka bumaba na at nakita ko namang gising na si Yaya. "Good morning sa maganda kung Yaya." Bati ko sa kaniya saka naupo sa high chair papaharap kay Yaya.
"Good morning rin sa maganda kung alaga. Ano at maaga kang nagising ngayon? Himala at hindi ka inaantok na bumaba." Saad ni Yaya habang pinatitimpla ako ng gatas.
"Ewan ko po. Basta po nagmulat na lang ang mata ko at boom! Gising na ako." Nakangusong saad ko kaya natawa naman ito at ibinigay sa akin ang gatas at saka kumuha ng tinapay at nilagyan iyon ng tsokolateng palaman at binigay naman sa akin. Kinain ko naman iyon at napatango-tango.
"Kaibigan mo lang ba talaga si Alladin, Von?" Tanong ni Yaya kaya nanlaki naman ang mata ko saka agad na yumuko at isinawsaw ang tinapay sa gatas ko at kinain iyon.
"O-Oo naman po." Mahinang sagot ko.
"We? Eh bakit namula ka bigla diyan?" Tanong ni Yaya kaya napanguso naman ako.
"Hindi kaya."
"Oo kaya. Tingnan mo 'yang mukha mo, oh." Saad niya pa habang nakaturo sa mukha ko. "Sabihin mo sa akin ang totoo o sasabihin ko sa Mommy mo---"
"Oo na po." Pigil ko sa kaniya saka lalong humaba ang nguso ko.
"Pero secret lang po natin, ah? Mangako ka sa akin." Saad ko pa.
"Oo, pangako. Oh, ano? Gusto mo siya, no?" Nanunuksong tanong ni Yaya at sinundot ang gilid ko.
"P-Pero hindi niyan naman po ata ako gusto eh. Kaibigan lang po 'yung turing niya sa akin..." Nakangusong saad ko habang kinikiskis ang mga palad sa isa't-isa.
"Paano mo naman nasabi 'yun? Base sa kinukwento mo tungkol sa kaniya... Palagi ka niyang sinasamahang kumain, diba? Tapos siya na bumibili ng mga pagkain niyo para hindi ka na mapagod? Tapos sinusundo ka pa lagi sa room mo?" Sunod-sunod na tanong ni Yaya.
"Opo..."
"Edi may gusto 'yun sayo." Saad niya pa kaya nagtaas naman ako ng tingin sa kaniya.
"Ganoon po ba 'yun?" Tanong ko. Tumango naman ito at nagthumbs up pa sa akin. Bigla ko naman siyang nahawakan sa magkabilang pisngi habang nanlalaki ang mata. "Kaya po siguro hinalikan niya ako sa cheeks kagabi Yaya." Nagugulat na saad ko.
Siya naman ang nanlaki ang mata at binaklas ang mga kamay ko. "Hinalikan ka niya?" Tanong niya.
"O-Opo. Dito po." Turo ko sa pisngi ko ba hinalikan niya. "Bawal pa po ba akong halikan, Yaya?" Tanong ko.
"Jusmiyo! Twenty one ka na Von. Pwede na 'yun. Iyong iba nga eh katorse pa lang at sa lips na hinahalikan eh." Nanlalaki naman ulit ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"T-Talaga po?"
"Oo." Tatango-tangong saad niya. "Pero anong sabi niya sayo pagkatapos ka niyang halikan?" Tanong ni Yaya, curious.
"A-Ano... Umalis na siya eh." Saad ko.
"Baka nahihiya. Yieeee! May lablayp na ang alaga ko." Panunukso niya pa kaya agad ko namang pinigilan siya dahil baka may makarinig sa kaniya.
"Shut up ka lang Yaya baka marinig tayo." Nakangusong saad ko.
"Ayos lang 'yan. Nasa tamang edad ka naman eh. Basta ang mahalaga eh unahin pa rin ang studies dahil importante iyon." Paalala niya kaya tumango naman ako.
"Oo naman po. Pero... Sa tingin niyo gusto niya kaya ako?" Tanong ko pa ulit.
"Oo nga sabi. Hindi ka hahalikan nun kung hindi ka niya gusto." Saad niya pa.
"Sabi niyo po 'yan, ah. Kapag wala siyang gusto sa'kin, kayo po talaga ang sisisihin ko, Yaya." Saad ko kaya natawa naman siya.
Paglatapos ng usapan namin ni Yaya ay agad na akong bumalik sa taas at nakasalubong ko pa si Mommy kaya nagbatian naman muna kami sandali bago ako dumeritso sa kwarto para maligo.
Ginamit ko 'yung pinakamabango kung body wash at kinuskos ng maigi ang balat ko. Baka kasi marami na akong libag na hindi ko lang napapansin. Nakakahiya kapag nagkataon.
Nagtagal ako doon dahil napaglaruan ko pa ang mga bola at ang tubig. May pakanta-kanta pa ako habang naliligo at paminsan ay sumasayaw pa saka mapapahagikhik na lang dahil sa kabaliwan.
Nang matapos na ay naglagay na ako ng robe sa katawan saka tinuyo ang buhok ko ng tuwalya saka isinampay na iyon at dumeritso na sa closet para maghanap ng damit na susuotin.
"Anong susuotin ko?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa mga damit ko. "Ito kayang dress?" Kuha ko sa isang kulay pulang dress.
Pero hindi ba masyadong bongga 'to? Baka magtaka si Alladin at sila Mom at Dad kapag ganito ang isusuot ko eh magpapratice lang naman at dito lang sa bahay.
Ibinalik ko na lang iyon saka namili ulit ng pwedeng suotin ko ngayon. Napangiwi naman ako ng makita ang skirt at tube ang napuntahan ng mga mata ko.
Parang baliw naman ako nun. Skirt at tube sa practice? Paano ako makakagalaw ng maayos nun?
Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik iyon saka naghanap ulit.
"Pantulog na lang kaya? Pajama para kunwari bagong gising ako." Saad ko habang nakatingin sa terno na pantulog na napuntahan ng tingin ko pero agad ring napanguso. Baka sabihin naman ni Alladin na magpapratice pero nakapantulog pa rin ako.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil ngayon lang ako nahirapan sa isusuot ko. Napaupo na lang ako sa upuan saka nagpatuloy sa pamimili ng pwedeng isuot para mamaya.
'Yung komportable dapat pero maganda...
'Yung babagay sa akin pero hindi rin naman akong magmumukhang pupunta sa pageant. Halos maubos na ang oras ko dahil sa pamimili ng susuotin ko. Ang dami ng damit sa kamay ko pero hindi ko alam kung alam sa mga iyon ang susuotin.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...