Dumeritso na kami sa part kung nasaan ang mga jet ski. Merong mga nagbabantay na nakilala naman kaagad si Alladin. Binigyan kami ng mga ito ng life jacket bago kami sumampa sa isang jet ski. Isa lang dahil sumama ako kay Alladin. Hindi ako marunong gumamit at kinakabahan din ako.
Nakapagpalit na kami ngayon ng mga damit namin. Pareho kami ngayong nakasuot na ng damit na pangligo. Bumalik kami kanina sa taas para magbihis.
"You're holding so tightly, Von." Natatawang saad ni Alladin.
"Because I'm scared." Saad ko habang nakatingin sa dagat.
Feeling ko malulunod ako kapag bumitaw ako.
"Okay then just stay like that." Saad nito at binuhay ang makina ng jet ski. "Are you ready?"
"No." Sagot ko.
"That's fine." Saad nito at bigla na lang pinaandar ang jet ski dahilan para mas lalo naman akong mapayakap sa kaniya ng mahigpit habang nakapikit ang mga mata ko.
Parang lalabas ang puso ko dahil sa takot!
Mabuti na lang at hindi ako napatili. Siguradong nakakahiya iyon kapag nagkataon.
"Open your eyes, Von. Hindi mo ma-e-enjoy 'to kung hindi mo nakikita. Trust me. Walang may mangyayaring masama sa'yo hangga't kasama mo ako." Saad niya at meron sa akin na kusang naniwala ro'n at unti-unting iminulat ang mga mata ko. "See? It's not scary as you think."
"But you're driving really fast, Alladin."
"That's why it's fun, Von." Sayang-saya na saad niya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo.
Pero kahit gano'n ay hindi na ako natakot ng kagaya kanina. Nakamulat na rin ang mga mata ko at nagsisimula ng ma-enjoy ang sandali. Parang lalabas ang puso ko tuweng bigla na lang liliko o bibilisan ni Alladin ang pagpapatakbo pero ro'n mas nabubuhay ang excitement sa loob-loob ko.
Ngayon alam ko na ang tinutukoy ni Alladin ng sabihin nito na masaya ang jet ski. This is really fun!
Sumigaw naman ako habang nakataas ang mga kamay sa ere at ngiting-ngiti na lang. Ang saya. Tuluyan ng nawala ang takot at pangamba ko. Puro saya at excitement na lang ang nararamdaman ko ngayon.
Tumagal pa ng ilang sandali ang pagsakay namin sa jet ski bago tuluyang huminto. Huminto kami sa gitnang bahagi ng dagat kung saan tanging dalawa lang kami ang tao. Merong iba sa hindi kalayuan na nag-je-jet ski rin pero hindi sila nakakaabot sa gawi namin.
Bumaba kami sa jet ski at naisipan na lumangoy muna sa kinaruruunan namin. "That was a lot of fun. Now I know why you're always riding one every time you are here." Saad ko habang nakatihayang lumalangoy.
"But this time... It's really a lot of fun. Maybe because kasama kita kaya gano'n." Saad nito kaya nilingon ko naman siya at nakita itong nakatingin na sa akin.
"Really? Masaya ka kapag kasama mo ako?" Tanong ko sa kaniya at tumigil na sa
paglangoy.Lumangoy naman ito palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Sobrang saya ko kapag kasama kita, Von. I'm enjoying every minute when I'm with you. Hindi ako nababagot kapag kasama ka. Sana ay gano'n ka rin." Inayos nito ang buhok ko na nakatabing sa pisngi ko at nginitian ako. "Sana masaya ka rin kapag kasama ako, Von."
Nanatili naman akong nakatingin sa mga mata niya na nasa akin na rin ngayon. "Masaya ako kapag kasama ka, Alladin. Sobrang saya ko kapag kasama ka."
Pero ayos lang ba talaga na magkasama tayo rito ngayon?
"Masaya akong marinig iyan." Napalunok naman ako nang makitang bumaba ang paningin nito sa labi ko at unti-unting lumapit ang mukha nito sa akin. "Sana ay huwag kang magalit sa gagawin ko." Saad nito at tuluyan akong hinalikan sa labi.
Kumabog ng matindi ang puso ko na para bang tinatambol ng paulit-ulit. Meron akong lakas para itulak siya. Kayang-kaya kung gawin iyon kung gugustuhin ko.
Pero hindi ko magawa.
Hindi pumapayag ang buo kung sistema na itulak siya. Sa kabaliktaran, mas gusto ko pang tumugon sa halik niyang iyon.
At iyon nga ang ginawa ko. Tinugon ko ang halik nito.
Mali na kung mali. Hindi ko na mapipigilan pa ang nararamdaman ko.
I'm really in love with you, Alladin.
Hinawakan naman nito ang pareho kung pisngi at sinimulang galawin ang labi at kusa naman ding gumagalaw ang labi ko para tugunin ang mga iyon.
Hindi na ako makapag-isip pa ng tama. Ang tanging naiisip ko na lang ngayon ay ang ipagpatuloy ang halik na sinimulan ni Alladin.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung kinakabahan ba ako o kung ano. Basta sobrang bilis at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tuluyan kaming naghiwalay na dalawa nang parehong mangailangan ng hangin. Nagkatinginan naman kaming dalawa at unti-unti ko namang na-realize ang nangyari.
"A-Ano... Bumalik na tayo." Aya ko sa kaniya at naunang lumangoy papunta sa jet ski.
"Sandali lang." Pinigilan nito ang kamay ko kaya napalingon naman ako sa kaniya. "Sana huwag mong sabihin sa akin na kalimutan na lang ang nangyari, Von."
Natigilan naman ako at napatitig sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wala akong balak na kalimutan ang nangyari." Saad nito kaya mas lalo naman akong napatitig sa kaniya.
"Parang makakalimotan ko naman yung nangyari." Saad ko at bumuntong-hininga.
"Do you like that kiss, Von?"
Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata dahil sa tanong nito. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at tiyak na pulang-pula na ang mukha at tenga ko ngayon. "S-Sasakalin talaga kita kapag nagtanong ka pa ulit ng kagaya niyan." Pagbabanta ko sa kaniya.
"Okay. Okay. Hindi na." Nakangiting saad nito at lumapit at binilog-bilog ang pisngi ko. "But when you ask me the same question... I will answer you that I really like that kiss to the point that I want to kiss you again."
"Alladin!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako nito at niyakap habang hinahagod pa ang likod ko.
Pero kinalaunan ay kumalma na rin ako pero nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.
Ayos lang kaya na ginagawa namin ang mga bagay na 'to...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...