Lumabas na ako sa backstage para hanapin si Alladin. Nagkahiwalay kami kanina dahil pumunta ako kila Mommy at siya ay pumunta rin sa family niya para kamustahin ang daddy niya.
Saan na ba nagpunta ang lalaking iyon?
Hinanap ko pa siya sandali habang nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka nasa tabi-tabi lang siya.
"Pinapahirapan pa talalaga akong maghanap." Saad ko at nagpatuloy na sa paghahanap sa kaniya. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa suot ko. Ang bigat! Ang laki! Ang taas ng heels na suot ko at hindi ko makita ng maayos ang daan. "Kukutusan ko talaga ang lalaking---"
Napatigil ako sa pagsasalita at paglalakad nang bigla siyang makita kaya agad naman akong ngumiti. Balak ko na sana siyang tatawagin ng bigla na lang may yumakap sa kaniya na babae. Napangiwi naman ako at nagpatuloy lang sa paglapit.
Siguro ay kaibigan niya.
"I miss you, Alladin. I realized that still love you. Please comeback to me again."
Doon na ako tuluyang napatigil sa paglalakad at unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
I still love you...
Agad naman akong napatago sa pader na nasa malapit nang makitang lumingon si Alladin. Mabuti na lang at hindi ako nito nakita.
"H-Hindi mo pwedeng sabihin 'yun." Narinig kung sabi ni Alladin.
"Why? Don't you love me now? I know you still love me, Alladin. I know na may feelings ka pa rin para sa akin."
Natahimik naman ang buong paligid matapos sabihin ng babae iyon. Ewan ko pero nasaktan ako dahil sa katahimikang iyon. Parang alam ko na ang mangyayari...
Bakit ngayon pa...
Anong gagawin mo ngayon, Alladin? Walang laban 'yung gusto mo lang kesa sa mahal mo pa.
"I know na ako ang umalis... Pero ito na ako at bumalik na sayo. Narealize ko na mahal pa rin kita. Alam ko mahal mo pa rin ako, Alladin."
"I still love you too..."
Nang marinig ang sinabing iyon ni Alladin ay napabuntong-hininga na lang ako at saka nagpilit na ngiti at agad na pinunasan ang luha mula sa loob ng suot kung mask.
Dapat na akong umalis dito...
Balak ko na sanang maglakad palayo nang bigla na lang akong matumba matapos hampasin ng malakas na bagay sa ulo. Napahiga ako sa sahig habang dama-dama ang ulo ko.
Ang sakit...
Nandilim na lang bigla ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.
Bastang nagising na lang ako sa isang madilim na kung saan. Sinubukan kung igalaw ang katawan ko pero agad kung naramdaman na nakatali ang kamay ko.
"Gising ka na ba prinsesa?" Sarkastikong tanong ng isang babae. Napatingin naman ako sa kaniya at agad nakita ang babaeng sinipa ko ng nakaraan.
"Hindi ba halata?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya pero agad din na napaubo ng bigla na lang ako nitong sipain sa tiyan.
"Nasa ganiyan ka ng sitwasyon pero mayabang ka pa rin, huh? Don't worry. Hindi naman kita sasaktan masyado. Gusto ko lang namang tingnan kung ano ang nasa likod niyang maskara mo." Saad niya kaya bumuntong-hininga na lang ako at naupo at tiningnan sila. Tatlo pa rin sila kagaya ng dati.
Tss. Required ba talagang may alalay pa dapat?
Ang papangit pa ng mga putrages.
"Ano bang tinatago mo diyan at ayaw mo talaga ipakita ang mukha mo, huh?" Tanong niya pa.
"Dapat ba ipakita ko talaga?" Isang sipa na naman ang nakuha ko sa isang babae kaya napaubo naman ako ulit.
"Sumagot ka ng maayos kapag tinatanong ka ni Haith!" Sigaw nito.
Haith? Pft.
"Ang pangit mo na tapos pangit pa 'yung boses mo at pangit din 'yung ugali mo. Lahat ata sayo pangit." Nakangising saad ko kaya nanggalaiti naman ito at balak sana akong sipain ulit pero umiwas lang ako saka tumayo.
Mga tanga. Magtatali na nga lang itinira pa ang paa ko.
"Bulag ka rin pala." Dagdag ko pa kaya mas lalo naman itong namula at sinugod ako pero bago ito makalapit ay nalaglag na ang tali mula sa kamay ko at agad na dinakma ang leeg niya.
"Paano kang---"
"Surprise, bitches!" Nakangising saad ko at sinampal siya ng malakas at binitawan dahilan para mapaupo ito sa sahig. Tindayakan ko pa ito at saka iniwan doon.
Pero agad akong nagulat sa biglang pag-atake ng leader nila at bigla na hinila ang maskara ko dahilan para maputol ang tali nito.
Agad naman akong sumeryuso at deritsong humarap sa kanila dahilan para lumantad ang mukha ko.
"Y-You..."
"You mess with a wrong person, ladies." Saad ko at naglakad papunta sa kanila dahilan para agad naman silang mapaatras habang napapailing na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Natumba pa ang mga ito nang makarating ako sa harapan nila. Napatingin naman ako sa kutsilyo na nasa mesa at kinuha iyon. "I'm kinda pissed rightnow." Saad ko at itinaas ang kutsilyong hawak kaya napasigaw naman sila at napapikit pa ng mga mata.
Tss. Oa.
Agad kung niratrat ang damit na suot para mabawasan iyon at maging komportable ako sa paggalaw. Nang maayos ko na ay agad kung itinapon sa kutsilyo sa malayo.
"I'm going home." Saad ko saka tumalikod na at nagsimulang maglakad.
"Hindi ka aalis! Kung hindi pa sira 'yang mukha mo puwes sisirain ko na para sayo." Sigaw pa ng babae at bigla na lang akong sinugod. Agad akong napaiwas ng makita ang asidong hawak nito na balak sanang isasaboy sa akin. Dinakma ko agad ang kamay nito at tinuhod siya sa tiyan at lumayo. Pero bigla na lang nalaglag sa hita nito ang asido at kasabay nun ang isang malakas na sigaw.
"Haith!" Sigaw ng mga kasamahan niya at agad siyang nilapitan. Nakita ko kung paano dumaloy sa hita papunta sa binti nito ang asido.
Isang manipis na dress ang suot niya at kita ang balat sa hita papunta sa binti. Kita rin ang tiyan at likuran niya.
"Ang ganda mo sana kaso ang sama ng ugali mo. Sariling kasalanan mo 'yan dahil masyado kang inggitera." Saad ko habang nakatingin sa kaniya. "Huwag na kayong magpapakita pa at huwag niyo na ring subukang banggitin pa ang pangalan ko." Agad ko silang tinalikuran at agad ng lumabas sa lugar na iyon.
Nasa bakanteng room ng DOMRAC pala nila ako dinala. Malayo ito sa mga buildings at wala ng masyadong pumupunta. Kaya kahit sumigaw ka pa ay walang nakakarinig sayo.
Uuwi na ako. Hindi maganda ang pakiramdaman ko.
Agad akong dumeritso sa room ng taekwondo at tyempong andoon si Coach. Nanghingi ako ng mask at pamasahe sa kaniya dahil gusto ko na talagang umuwi pero ayaw kung makilala ako ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Novela JuvenilYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...