"Dito ka lang muna, ah. Magbibihis lang ako tapos kukunin ko na rin 'yung laptop at speaker ko sa kwarto." Saad ko ng makarating na kami sa taas.
"Sige, sige. Take your time." Nakangiting saad niya.
Tuluyan naman na akong umalis doon at dumeritso na sa kwarto ko para magbihis. Uniform pa rin kasi ang suot ko hanggang ngayon kaya kailangan ko munang magbihis.
Pagpasok sa loob ng kwarto ay agad ko namang inilapag ang bag ko sa kama saka hinubad ang uniform ko hanggang sa sando at cycling ko na lang ang matira. Naghanap naman ako ng pwedeng maisuot iying komportable kapag sumayaw na mamaya.
Kinuha ko na lang ang malaking t-shirt na kulay puti saka iyong itim na leggings dahil umiinat. Komportable naman kaya iyon na lang ang napili ko.
Kinuha ko naman ang laptop ko saka tiningnan ang senend ni Miss at andoon na nga. Kinuha ko na rin ang speaker ko na dalawang maliit na pahaba pero malakas na ang nagagawang tunog nun saka dinala ko rin ang cellphone ko at pumunta na sa room kung nasaan si Alladin.
"Andito na ako." Saad ko saka pumasok. Agad naman itong lumapit at tinulungan ako sa mga dala ko. "Salamat."
"Nasend na sayo ni Miss ang example na sinasabi niya kanina?" Tanong niya at tumango naman ako. Nagsend saamin si Miss ng example dahil baka raw hindi pa alam ng iba kung anong klase ng sayaw ang gagawin.
"Tingnan natin tapos maghanap na lang tayo sa internet ng pwedeng sayawin tapos hanap na rin tayo music." Saad ko at tumango naman siya. Pinanood naman namin ang senend ni Miss. Tatlo iyon at iba-iba. Naaliw naman ako sa panonood at alam na kung paano sasayawin ang mga iyon. Dati ay may ganito rin kasi kami.
Naghanap na rin kami ng music na gagamitin. Iyong maganda sa pandinig at maganda rin kapag sinayawan. Pagkatapos ay naghanap pa kami sa internet kung anong pwedeng sayawin. Mga steps, ganun.
Halos tumagal ng isang oras ang paghahanap namin bago kami tuluyang natapos. May magandang music na kami na nahanap.
"Practice na tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Sige. Turuan mo'ko, ah?"
"Oo. Madali lang 'yan. Kailangan lang talaga nung emotions, ganun. Sa sayaw naman ay madali pang talaga. Nakita mo naman kanina, diba? Sway sway tapos lakad lakad then may paikot. Ganun lang. Kaya 'yan." Saad ko. Tumango naman siya kaya plinay ko naman ang music saka lumapit sa kaniya saka pinuwesto ang kamay niya sa bewang ko saka ipinatong ang kamay ko sa balikat niya saka ipinagsiklop ang kamay namin. "Ready?" Tanong ko sa kaniya.
Huminga naman siya ng malalim saka tumango. "Ready." Sagot niya naman kaya humagikhik naman ako.
Nagsimula na ang music at nagsimula naman kaming gumalaw. Kagaya ng inaasahan ay nagkamali agad ang paggalaw ng paa niya pero ayos lang iyon dahil simula pa lang naman. Ilang ulit kaming nagpaulit-ulit dahil sa mga pagkakamali niya pero imbis na mainis ay natatawa ako. Dahil ganun na ganun rin ako dati nung ako ang nagsisimula. Ilang beses rin akong tinuruan bago natuto.
Nagpatuloy lang kaming dalawa sa pagsayaw habang parehong nakatingin sa isa't-isa. Tama na ang mga step niya at mga galaw niya ngayon kaya nakausad na kami at maayos na naming natapos iyon. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya habang ang katawan ay gumagalaw at ganoon rin naman siya.
Sa unang pagkakataon ay natapos kaming dalawa na wala ng mali though nomal pa lang iyon. Wala pang emotions at hindi pa mabilis. Ang iba ay hindi pa tumatama sa music pero ayos lang.
"Kain muna kayong dalawa. Dinala ko na rito ang haponan niyo dahil hindi kayo bumaba." Saad ni Mommy ng makapasok. Napatingin naman ako sa relo ko at napangiwi ng makitang 7:00 P.M. na pala.
"Hala, pasensiya na Alladin. Baka gutom ka na? Hindi ka kasi nagsasabi sana kumain muna tayo." Nakangusong saad ko. Natawa naman siya.
"Ayos lang. Hindi ko na rin namalayan ang oras eh." Saad niya saka kinuha kay Tita ang tray na may lamang pagkain naming dalawa. "Salamat po dito, Tita." Pasasalamat niya pa kay Mommy.
"Ayos lang. Ayos lang. Kumain na kayong dalawa at ako'y bababa na muna dahil may niluto akong cupcakes doon. Dadalhin ko na lang kayo dito ulit mamaya." Nakangiting saad ni Mommy saka tuluyan ng umalis.
"Tara kain tayo." Saad ko saka naupo sa sahig at sumunod naman siya. Kinuha ko 'yung plato ko saka isang baso ng juice at kinuha rin ang kaniyang plato saka inilapag din 'yun sa harap niya kasama nag juice. Menudo 'yung ulam saka fried chicken at rice.
"Si Tita 'yung nagluto nito?" Tanong niya habang nakaturo sa plato.
"Oo." Tatango-tangong saad ko saka sumubo ng rice na may menudo habang hawak-hawak ang fried chicken. Hindi ako mahilig magtinidor kapag fried chicken ang ulam.
"Ang sarap." Saad niya at nagtuloy-tuloy sa pagsubo. Mabuti na lang at nagdala ng extra rice si Mommy. Pareho kaming gutom ni Alladin.
"Chef kasi si Mommy sa barko noon. Pero pinatigil ko na siya kasi masyado siyang matagal umuwi kapag nanatili siya sa trabaho." Saad ko saka sumubo ulit.
"Kaya pala ang sarap nito. At ngayon alam ko na rin bakit ang hilig mong kumain." Saad niya at natawa naman kami pareho saka nagpatuloy na ulit sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain nagpahinga muna kami sandali at naisipan ko na pauwiin na siya muna dahil gabi na rin. Nagpaalam pa muna siya kina Mom at Dad dahil gising pa naman ang mga ito.
"Bumalik ka na lang bukas. Hm... 9:00 A.M. siguro? Para marami tayong oras at hindi ka na gabihin." Saad ko habang nakatayo sa labas ng gate.
"Sige, sige. Thanks for the food. I really enjoyed it. So... Kitakits bukas?" Nakangiting tanong niya pa. Tumango naman ako saka ngumiti.
"Hm... Bukas na lang ulit." Saad ko rin.
"Goodnight." Saad niya pa tumango naman ako.
"Goodnight din. Ingat ka pag-uwi." Sabi ko pa.
Wala na akong masabi...
"S-Sige, alis na ako." Saad niya pero hindi pa rin umaalis sa harapan ko. Pero nagulat na lang ako sa biglang paggalaw niya.
Hinalikan niya ako...sa pisngi.
"A-Ano...bye!" Saad nito at tuluyan ng pumunta sa kotse niya.
"Bye..." Iyon na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa papalayo niyang sasakyan.
Unti-unti ko namang nahawakan ang pisngi ko at doon lang napakurap- kurap habang nakatingin pa rin sa kung saan nakatayo kanina si...
"Alladin..." Iyon lang ang nasabi ko at unti-unting gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...