35

70 5 0
                                    

Nagising na lang ako dahil sa pagtawag sa akin ng tao na nasa labas. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at binagbuksan kaagad ito. Mukhang nagulat naman ito nang makita ako. "A-Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong nito. Staff siya sa resort na ito.

Shit! Yung mukha ko!

"A-Ayos lang ako." Nakangiting saad ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. "M-May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ko rito.

"May nagpapabigay po." Ibinigay nito sa akin ang isang box. Tinanggap ko naman iyon na kunot ang noo.

"Sino ang nagpapabigay nito?" Tanong ko rito at binuksan iyon at nakita ang isang damit ang laman niyon.

"Hindi po nagsabi ng pangalan, eh. Pero ang sabi niya po ay suotin niyo raw po iyan." Nakangiting saad nito at mula sa gilid niya ay may tatlong tao akong nakita. "Sila po yung mag-aayos sa inyo, Ma'am."

"Mag-aayos? Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko dahil naguguluhan na ako sa nangyayari.

"Malalaman niyo rin po mamaya, Ma'am. Sa ngayon ay magbihis na lang po muna kayo. Tutulungan po kayo nitong tatlong ito. Kapag natapos na po kayo ay pumunta kayo sa dalampasigan, Ma'am."

"Bakit? Anong meron sa dalampasigan? Take, naguguluhan ako. Ano bang mayroon?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Ano kasi ma'am... lahat ng guest namin ngayon ay kailangang gawin ito. Kaya gawin niyo na po ang sinabi ko at pumunta kayo sa dalampasigan kapag natapos na kayo sa pag-aayos." Nakangiting saad nito at tuluyang nagpaalam at umalis.

Napakurap-kurap na lang ako habang nakatingin sa harapan kung nasaan nakatayo ang babae.

Kailangang gawin ito? Kailangan kung magsuot ng magandang damit at kailangan pa akong ayusan? Grabi naman mag-effort ang resort na 'to. Ano bang meron? May celebration siguro ang resort?

Ah, ewan. Gagawin ko na lang ang sinabi ng babae.

"Tulungan na po namin kayong magbihis, Ma'am." Saad ng isang babae pero umiling naman ako kaagad.

"Maliligo muna ako. Puwede niyo ba akong hintayin? Mabilis lang ako." Pakiusap ko sa kanila.

"Wala pong problema, Ma'am." Sagot naman ng isang magandang bakla.

Nagsabi ang mga ito na sa labas muna sila at tawagin na lang kapag tapos na ako.

Agad naman akong pumasok na sa banyo para maligo. Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko dahil may naghihintay pa sa akin.

Mabuti na lang talaga at hindi ako kilala ng mga tao rito. Hindi ko na kailangang magsuot ng kung ano-ano para maitago ang mukha ko.

Nang matapos na maligo ay lumabas na ako at nagsuot ng mga undergarments at isinuot na rin ang gown na ibinigay ng staff kanina. Tinawag ko naman ang mga tatlo para tuluyang maisuot iyon ng maayos.

"Bakit mukhang umiyak ka kanina, Ma'am?" Tanong ng magandang bakla.

"May nakakalungkot na bagay lang akong naalala." Sagot ko at nanlaki ang mata. "Halata ba sa mukha ko na umiyak?" Tanong ko sa kanila.

"Medyo. Pero kami ang bahala sa'yo. At isa pa, maganda ka pa rin kahit na umiyak ka." Nakangiting saad ng babae na naupo sa harapan ko.

"Kaunting nilalang na lang ngayon ang may natural na ganda na kagaya ng sa iyo, Iha. Iyong tipo ng ganda na mapapaibig lahat ng mga lalaki." Saad naman ng babae na nasa 40's na siguro.

"Pero kailangan ka naming lagyan ng make up, okay? Para mas lalo kang gumanda. Special pa naman ang gabing ito." Saad naman ng magandang bakla.

"Make up?" Tanong ko at napatingin sa mga gamit nila.

"Hindi ka ba gumagamit nito? Hindi mo pa naranasan? Hindi mo ba gusto ng make up, baby girl" Tanong nito.

"A-Ayos lang po. Nasanay lang akong walang may inilalagay sa mukha ko nitong mga nakaraan." Ngayon lang naman kaya okay lang naman sa akin. At sanay na rin ako sa make up dahil noong artista pa ako ay palaging may make up ang mukha ko.

"Ano ba naman kasi 'yang ganda mo, baby girl. Hindi na kailangan ng make up. Pak na pak na sa ganda." Nakakatuwa ang sigla ng boses ng magandang bakla na ito.

"Ang ganda niyo rin po." Saad ko. Nah-flip hair naman ito saka kinindatan ako.

"Gaganda ka basta may make up, baby girl." Bulong nito kaya natawa naman ako.

"Ano po palang meron ngayon at kailangan pa talagang ayusan ang mga guest?" Tanong ko sa kanila.

"Ayusan ang mga guest? Ah. Kailangan kasi, eh. May special event kasi ngayon dito sa resort. Kaya kailangan na maganda ka ng bonggang-bongga ngayon."

"Gano'n po ba? Paano po si Alladin? Yung kasama ko po. Naayusan na kaya siya?" Tanong ko nang maalala si Alladin.

"Naku, kanina pa namin naayos si Sir Alladin." Natatawang sagot nito.

"Kanina pa?" Gulat na tanong ko.

"Ah! Oo, nauna kasi siya naming ayusan. Siya talaga yung pinakauna naming naayusan kaya kanina pa." Sagot ng isang babae.

Napatango-tango naman ako at ngumiti. "Guwapo po ba siya sa suot niya?" Tanong ko.

"Sobra. Mukhang bagay na bagay nga kayong dalawa, eh. Guwapo si Sir Alladin ang sobrang ganda niyo naman."

"Nahihiya na po ako sa mga papuri niyo." Natatawang saad ko at hindi maiwasang hindi mag-init ang pisngi ko.

"Huwag kang mahiya, Iha. Nagsasabi lang kami ng totoo." Nakangiting saad ng babaeng pinakamatanda sa kanilang tatlo.

"Pupuntahan kaya ako ni Alladin dito?" Tanong ko habang nakatingin sa pinto.

"Nauna na siya sa dalampasigan, Ma'am Yvonne. Siguro ay doon niya na kayo hihintayin. Puntahan niyo na lang siya ro'n kapag natapos tayo rito."

"Baka mahirapan akong hanapin siya ro'n. Madami pa namang guest." Nakangusong saad ko.

"Hindi ka mahihirapan na hanapin siya, Ma'am. Baka nga siya pa ang una mong makita, eh." Nakangiting saad ng babae.

"Talaga po?" Masayang tanong ko.

"Oo naman. Hindi kami nang-e-echos dito, baby girl." Saad naman ng magandang bakla.

"Kinakabahan naman po ako. Baka maraming tao na sa dalampasigan ngayon." Saad ko habang nakahawak sa dibdib ko. Kinakabahan talaga ako ngayon pa lang.

"Huwag kang kabahan. Ang ganda-ganda mon ngayon para kabahan ka." Saad nila at senenyasan ako na tingnan ang sarili sa salamin na nasa gilid. Tumingin naman ako ro'n at napangiti nang makita ang sarili ko. "Don't forget the tiara." Maingat at maayos na inilagay ng nakababatang babae ang tiara sa buhok ko. "You're the most beautiful princess of this night."

Lumapad naman ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa sarili ko. "Sana ay magustuhan ni Alladin ang ayos ko."

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon