EPILOGUE

121 4 0
                                    

Puno ng kaba ang dibdib ko ngayon habang nakatayo rito ngayon sa gitna ng dalampasigan. Alam ko na dadating si Von pero kinakabahan pa rin ako.

Simula kanina na umakyat na siya sa kuwarto niya ay sinimulan ko ng ihanda ang lahat.

Kinausap ko na ang grupo na kumakanta palagi rito. Pinakiusapan ko sila na kumanta ngayong gabi para sa aming dalawa ni Yvonne dahil pareho naming gusto ang grupo nila. Mabuti at pumayag naman sila. Gusto raw nila na makatulong sa akin para mapa-oo si Yvonne.

I want to ask Yvonne to be my girlfriend tonight.

Gusto ko ng sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko na matagal ko ng tinatago. Gusto ko siyang mapasaakin ng tuluyan.

Kinakabahan ako sa magiging sagot. Kinakabahan ako ng sobra. I'm excited and nervous at the same time.

Kaya ko siya dinala rito ay para sa plano kung ito. Sinabi ko na rin ito sa mga magulang ko at sa mga magulang niya. Hiningi ko ang pahintulot nila at sa kabutihang palad ay pumayag sila.

Tinulungan ako ng mga tao rito sa pag-aayos ng dalampasigan. Mula sa labasan ng building ng resort hanggang dito sa kinaruruunan ko ay may red carpet na siyang dadaanan ni Yvonne mamaya. Sa gilid ng carpet ay may mga kandila na siyang nagbibigay liwanag sa daan. Sa taas naman ay may maliliit na bombilya na mag-iilaw mamaya kapag nandito na sa harapan ko si Yvonne. Sa gilid ko ay naroroon ang grupo na siyang kakanta para mamaya.

Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko maayos lahat ng 'to.

Sana ay maging maayos ang lahat...

Huminga ako ng malalim at maingat iyong pinakawalan at napatingin sa bulaklak na hawak ko. Hindi mahilig si Von sa bulaklak pero sana ay magustuhan niya itong bulaklak na ibibigay ko.

Umayos naman ako ng tayo nang makita si Yvonne na nagsisimula ng maglakad mula sa kabilang bahagi at papunta sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at gulat.

Napako lang sa kaniya ang paningin ko. Siya lang ang pinakamagandang babae sa paningin ko simula ng makilala ko siya pero ngayon ay kakaiba. Sa sobrang ganda niya ngayon ay hindi ko na maalis pa sa kaniya ang paningin ko. Ayaw ko ng alisin ang paningin ko.

She's so beautiful.

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa tuwa. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka pero may halo na iyong tuwa.

Napangiti na lang ako ng matamis habang pinagmamasdan siyang maglakad papalapit sa akin.

Para itong prinsesa ngayon dahil sa suot niya. But she looks like a princess to me everyday. Pero iba ang Tama sa akin ngayon. Mas mabilis at mas malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon kesa sa mga normal na araw na kasama ko siya.

Nang tuluyan na itong tumigil sa harapan ko ay bumukas ang mga ilaw at nagliwanag ang paligid. Nagsimulang kumanta ang grupo sa gilid ko at sinabayan iyon ng mga tao na unti-unting lumitaw sa paligid.

"A-Anong mangyayari? Akala ko ba may special event?" Naguguluhang tanong no Yvonne.

"Ito mismo ang special event, Von." Nakangiting saad ko. Hinarap naman ako nito at mas lalong bumukas sa ekspresiyon na naguguluhan na talaga.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Plinano ko lahat ng 'to at tinulungan ako ng mga tao rito sa resort. I want to tell you something tonight. At naisip ko na gawin dito ang event dahil gusto mo rito sa dalampasigan at natutuwa ka sa grupo nila." Pagtukoy ko sa grupo na kumakanta ngayon.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon