09

65 6 0
                                    

"Everyone? May I have your attention for a minute, please?" Asik ng Miss na nasa harapan namin ngayon. Andito kami sa gym dahil Music namin ngayon at kasama namin ang A-2 kaya hindi kami kasiya sa room.

Palaging ganito naman talaga na ipapares sa isang section sa isa pa para isa na lang kung turuan pero dati palaging 'yung mga ibang section rin sa HUMMS ang nakakasama namin. Ngayon atang taon makakasama naman namin 'yung A-2 dahil sila naman ang pareho namin ng sched sa ibang klase.

"Ano na naman kayang ipapagawa sa'tin ngayon?" Tanong ni Alladin na nasa tabi ko.

"Sana huwag 'yung arte arte. Ayaw ko talaga nun." Sagot naman ni Rill na nasa katabi naman ni Alladin sa kabilang gawi.

"Makinig na lang kayo." Saad ko habang nakatingin sa harapan. May kinausap pa 'yung Miss kaya natigil bigla sa pagsasalita pero pabalik na rin.

"Sorry about. Mr. Agrido just ask something. So... Ayon nga, may performance kayong gagawin. And one in A-1 will be pair for one in A-2. You're going to dance with your pair. And ballroom dance will be one that you'll perform. I will give you three days to practice with your pair. Mamaya kapag natapos na ang lahat ng klase, Saturday and Sunday. Kayo na ang bahala kung saan kayo magpapratice. Pwede rin dito pero ang problema ay ginagamit minsan ang Gym para sa practice ng Ballet." Pagpapaliwanag ng Miss na nasa harapan. Nagkatinginan naman kaming tatlo saka napabuntong-
hininga na lang rin. "Kayo na ang bahala sa music na gagamitin niyo. But remember, picking the right one, okay? Kapag maayos ang music ay maayos rin ang sayaw." Dagdag pa nito.

"Sayaw..."

"You know how to dance?" Tanong ni Alladin.

"Yeah. I'm dancing since I'm in middle school." Sagot ko naman.

Nakita kung may ipinapabunot na papel ang Miss sa harapan at maya-maya ay lumapit na ito sa amin. "Pick one. Ang kapareha ng number na makukuha niyo ay siyang nagiging kasama niyo sa sayaw." Saad pa ng Miss kaya tumango naman kami. Kumuha na ako ng isang nakatuping papel at hindi muna iyon binuksan. Sabay daw dapat mamaya ang lahat.

Hinintay muna namin na matapos ang lahat sa pagkuha at makabalik si Miss sa harapan. "Ang tatawagin kung number ay pupunta sa ituturo kung lugar, okay? Ililista ko pa ang bawat pares." Saad pa ulit ng Miss at nagsimula ng magtawag ng numero. Napatingin naman ako sa numero at malayo pa ang akin.

"Where's number eighteen?" Tawag ni  Miss kaya tumayo naman ako pero nagulat ako ng tumayo rin si Alladin.

"Eighteen ka din?" Tanong ko sa kaniya at ipinakita naman nito ang number niya. Natawa na lang kaming dalawa saka pumunta na sa itinurong lugar ni Miss at inilista naman nito ang pangalan naming dalawa.

"N-Nakakahiya naman... Hindi pa naman ako marunong sumayaw." Kamot-ulong saad niya, nahihiya.

"Ayos lang 'yan. Tuturuan kita. Magagawa natin ang performance ng maganda."  Saad ko naman at tinapik ang likod niya.

Maya-maya pa ay tuluyan ng natapos ang klase namin kaya agad naman kaming naghiwalay dahil iba na ang magtuturo sa kanila at sa amin sa susunod na subject.

Nagpatuloy lang ang klase namin at meron quiz, one hundred item quiz. Madali lang 'yung una pero habang patagal ng patagal ay mahirap ng pahirap 'yung tanong. Napabuntong-hininga na lang ako saka napahilot sa ulo ko sa isang tanong. Pero sa huli ay nasagotan ko naman pero hindi ko alam kung tama ba iyon o mali.

Maya-maya ay umingay na naman ang hallway at hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino iyon. Naglakad na ako palapit sa kaniya at nakita kung may hawak na naman itong pagkain na palagi niya ng ginagawa. Siya na ang bumibili ng pagkain naming dalawa kaya hindi na ako kailangang pumunta pa doon at palaging libre pa iyon. Gusto kung bayaran pero ayaw niyang tanggapin.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating na kami sa tambayan namin. "Anong binili mo para sa'kin?" Masayang tanong ko at hinubad na ang mask ko.

"Dalawang corndog saka pineapple juice." Saad niya kaya pumalakpak naman ako.

"Salamat. Tamang-tama 'to, gutom na gutom na talaga ako. Nag-quiz kami eh tapos ang hihirap ng ibang tanong. Nahirapan pa tuloy ako sa pag-iisip sa isasagot ko." Nakangusong pagkukwento ko pa saka nilagyan ng hot sauce ang corndog saka kumagat na.

"Kami rin. Nag-quiz rin kami pero madali lang naman kaya natapos kami agad. By the way, saan pala tayo magpapratice, Von?" Tanong niya jaya napaisip naman ako saka napapitik.

"Sa bahay na lang. May malapad kaming room doon na may salamin sa harapan na malaki. Magiging maayos tayong makakapagpractice kapag doon tayo. Pero ikaw? Baka hindi ka maging komportable o baka may naiisip ka na pwede nating pag-practice-san?"

"Pwede sa bahay pero baka makita ng mga tao doon ang mukha mo kapag nagkataon kaya delikado. Kaya mabuting doon na lang sa inyo para safe ka. Pero nakakahiya... Baka makakaabala ako dun." Kamot-ulong saad niya naman kaya humagikhik naman ako saka umiling.

"Hindi 'yan. Don't worry. Si Mommy ay busy sa pagbebake at si Daddy naman ay nasa office niya lagi. Tsaka palagi kaya kitang kinukwento sa kanila." Tatango-tangong saad ko pa saka kumagat ulit sa corndog ko.

"P-Palagi mo'kong kinukwento sa kanila?" Nagugulat na tanong niya.

"Oo. Ugali ko kasing magkwento ng mga nangyayari sa akin sa school sa kanila. Dahil palagi kitang kasama ay naikukukwento rin kita sa kanila palagi." Nakangiting sagot ko.

"Siguro sobrang close mo sa pamilya mo?" Tanong niya pa ulit.

"Oo naman. Super-duper close kami. Palagi nila akong sinusuportahan at proud na proud sila sa akin."

"Sino ba namang hindi nagiging proud sayo? You give---oh. I mean is, lahat magiging proud sayo kapag nalaman nila kung sino ka talaga." Nakangiting sagot niya.

"Siguro... " Iyon lang ang nasabi ko dahil gutom talaga ako. Nguya ako ng nguya ng masarap na pagkaint hawak ko. Nagutom ako dahil sa quiz kanina.

Nagpatuloy lang naman kami sa pag-uusap ni Alladin habang wala pang time. Mabuti at maganda ang panahon ngayon buwan kaya nakakatambay kamu rito palagi.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon