07

101 8 1
                                    

Nang makarating ako sa school ay agad ko naman sanang susuotin ang earphones ko ng biglang may humawak sa balikat ko at ng tingnan ay si Alladin pala na agad ring tinanggal ang kamay sa balikat ko.

"A-Ano... Good morning." Bati nito.

"Good morning din." Bati ko pabalik habang ang paningin ay nasa harapan.

"S-Sabay ba ulit tayong kakain mamaya?" Tanong niya.

"Oo naman. Ayaw mo ba?" Tanong ko rin at agad naman itong umiling ng mabilis at ang kamay ay nakawave pa na para bang humihindi din.

"G-Gusto ko." Nahihiyang sagot niya. Humagikhik naman ako ng bahagya na kaming dalawa lang ang makarinig.

"Bakit parang nahihiya ka na naman sa'kin?" Tanong ko sa kaniya.

"S-Syempre. I did some bad things to you tapos... malalaman ko na---"

"Ayos na 'yun. Don't worry about it, okay? Wala na sa'kin 'yun." Usal ko at nilingon siya saka ibinalik sa daan ang tingin.

"P-Pwede ba kitang e-treat mamaya? Ako na bahala sa kakainin natin." Saad niya kaya namilog naman ang mata ko saka tumango.

"Sige ba. Hindi ako tatanggi diyan." Masayang saad ko saka napansin na papunta rin siya sa building two. "May klase ka ba dito ngayon?" Tanong ko habang nakaturo sa building.

"Hindi mo alam? Magsasama ngayon ang HUMMS A-1 at A-2 sa computer room dahil sabay 'yung time natin kay Miss Gel." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.

"Oo pala. Naalala ko na." Saad ko.

Sinabi na iyon kahapon ni Miss sa amin na makakasama namin ang A-2. Nakilimutan ko. Mabuti na lang pinaalala niya.

"Tara na. Nasa third floor pa man rin 'yun. Baka malate tayo." Sabi ko saka pumasok na sa building. Agad kaming pinagtinginan ng mga nadaraanan namin lalo na ang mga babae.

"Bakit kasama mo ang pangit na 'yan, Alladin?!" Napatigil naman kami at napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ang babaeng sinipa ko kahapon.

"Sino ang tinatawag mong---"

Pinigilan ko na agad siya at inilingan kaya tumigil naman ito sa balak at nanatili lang sa tabi ko. "Sa susunod na lumapit ka pa sa'kin. Mukha mo na ang sisipain ko, mas malakas kesa sa ginawa ko sayo kahapon." Saad ko saka tinalikuran siya at umakyat na sa hagdan pero bigla kung narinig ang ingay mula sa likod kaya tumigil naman ako sa pag-akyat at senenyasan si Alladin na magpatuloy.

Agad akong pumunta sa gilid kung saan ang railings ng hagdan dahilan para walang matamaan ang babae sa trash can na ibinato. Sinipa ko naman  ang trash can papunta sa kaniya dahilan para matumba ito mahiga doon sa ilalim dama-dama ang pwet. Tiningnan ko lang naman siya ng ilang segundo saka nagpatuloy sa pag-akyat. "She is really a rude one." Saad ko saka bumuntong-hininga.

"I'm sorry..."

Natawa naman ako sa kaniya dahil sa paghingi nito ng sorry. "Paraan saan?" Tanong ko.

"Kasi kung hindi ko sila sinabihan kahapon na tingnan kung ano ang nasa likod ng mask mo... Hindi naman nila---"

"Pero nasa kanila pa rin 'yun kung susundin nila o hindi. Binalaan ko na sila kahapon bago pa sila lumapit pero matigas talaga ang mukha. Hayaan mo lang sila diyan. Matututo din ng leksiyon 'yun." Saad ko at tinapik ang balikat niya at nagpatuloy na sa pag-akyat.

"Ang cool mo..."

"Pft. Talaga?" Natatawang tanong ko pa ulit sa kaniya. "Anong cool naman sa'kin? Parang wala naman."

"Lahat. Ang cool mo sa lahat ng bagay. Tapos... Ang ganda mo rin." Saad niya kaya humagikhik naman ako.

"Salamat." Iyon lang ang nasabi ko saka inayos na ang mask ko ng makarating na kami sa third floor ng building two.

"Pwede ba akong tumabi sayo mamaya sa computer room?" Tanong niya pa.

"Oo naman. Pwede namang magsama ang A-1 at A-2 doon eh." Sagot ko naman saka senenyasan siya na pumasok na kami sa loob. Wala pa ang Miss pero may mga ilang students na rin.

"Doon tayo." Turo ko sa bakanteng upuan at tumango naman siya. Naupo kami doon at nagpalinga-linga naman ako pera wala pa sila Rill. Baka mamaya pa ang mg 'yun.

"A-Ano 'yung gusto mong kainin mamayang break?" Tanong niya kaya napaisip naman ako habang nakatingin lang sa laptop na nasa harapan at ilang sandali pa ay may naisip na ako.

"Chicken nuggets na may hot chili sauce saka choco milk." Sagot ko saka binunggo ang braso niya. "Salamat sa libre, ah."

"Pft. Mas mayaman ka pa nga ata kesa sa akin eh." Pabulong na saad niya dahil siguro baka may makarinig.

"Oo pero mayaman ka pa din." Sagot ko saka humagikhik.

Nakita ko naman itong napatitig sa akin saka agad na nag-iwas rin. "S-Sorry for staring at you. Ang c-cute mo lang..."

"Ayos lang. Sensiya sa tawa ko. Ganito talaga ako." Pabulong na saad ko pa.

"A-Ayos lang. A-Ang ganda nga pakinggan, eh..."

"Masyado kang honest, Alladin. Nahihiya ako tuloy." Gusto kung ngumuso pero nakamask ako kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"S-Sorry. I-I can't stop myself. Sorry..."

Humagikhik lang ako dahil nahihiya talaga sa akin. Tapos bahagya pa siyang namumula hehe. Ang cute niyang tingnan.

"Ang bait mo naman pala. Bakit ka naging playboy?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang natigilan sandali saka nahiya lalo at nakamot ang sariling ulo.

"Y-Yung totoo kasi... Sila 'yung lumalapit sa'kin tapos kapag naman sinabi kung ayaw ko sa kanila. Ayon tatawagin nila akong playboy. And I have a girlfriend dati... We broke up. Siya 'yung nakipaghiwalay pero dahil nga playboy na ang tawag sa'kin ng iba... Ayon at akala nila ay pinagsawaan ko na rin 'yung girlfriend ko. But really... I promise! I swear! Hindi ko talaga sila nagagalaw or pinaglalaruan. The rumors are just tough, hindi ko maipaglaban ang sarili ko kaya hinayaan ko na lang. Sila talaga 'yung habol ng habol sa'kin." Mahinang kwento nito na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Naniniwala ako." Saad ko. Nagugulat naman ako nitong nilingon pero nagkibit-balikat naman ako. "Nakikita ko naman talaga kasi na ang mga babae ang humahabol sayo. Halos hindi ka na nga nila lubayan eh." Saad ko saka sabay naman kaming natawang dalawa.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon