Normal naman si Alladin sa akin. Para bang wala lang nangyari. Pero ako ito na halos mamatay na sa hita at awkwardness dahil sa ginawa namin sa gitna ng dagat kanina.
A kiss in a middle of the sea...
What the hell. Couples lang ang gumagawa nun. And we are not a couple.
We're...just friends.
Friends don't kiss.
Friends who's kissing... That's our label.
Nahilot ko na lang ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Andito kami ngayon sa cottage at parehong nakatingin sa dagat.
"Masakit ba ang ulo mo, Von?" Tanong niya sa akin kaya napakurap-kurap naman ako at nilingon ito. Nakatingin na ito sa akin ngayon na tila nag-aalala.
"I-Im fine. I'm really fine." Sagot ko at nginitian siya at ibinalik ang paningin sa dagat. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko pa itong nakatingin pa rin sa akin.
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Halos marinig ko na ang bawat pagpintig ng puso ko sa tenga ko.
Ano bang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito. Nagkaganito lang ako nang dahil kay Alladin.
Ano bang mahika ang ginawa niya sa akin? Anong mahika ang ginamit niya at hulog na hulog na ako ngayon sa kaniya.
"Kumain ka na muna. Baka nagugutom ka na." Ibinigay nito sa akin ang isang bowl ng fruit salad.
"Saan nanggaling 'to?" Tanong ko sa kaniya at nakitang meron din ito.
"Pumunta ang isang staff dito para ibigay 'to. Mukhang hindi mo na napansin dahil sa sobrang lalim ng iniisip mo." Sagot nito at tinitigan ako ng ilang sandali bago nagsalitang muli. "Ayos ka lang ba talaga?"
"O-Oo nga. Paulit-ulit ka naman, eh." Sagot ko at nagsimula na lang na kumain ng pagkain na ibinigay nito na agad din namang naagaw ang atensiyon ko. "This is delicious."
"Ako gumawa niyan."
"Ikaw? Paano? Kailan? Magkasama tayo all this time, eh." Magkasunod-sunod na tanong ko.
Tinawanan naman ako nito. Sayang-saya ang mokong. Hinayaan ko lang naman itong matawa at hinintay na lang na tumigil siya sa pagtawa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Biro lang. Pero kung gusto mo ay puwede naman kitang gawan, eh." Saad nito at pinahiran ang gilid ng labi ko dahilan para matigilan naman ako at napatitig na lang sa kaniya.
Ang lapit niya...
Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Parang nag-init bigla ang buong paligid. Parang bumabagal ang mga nakikita ko.
Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang dinilaan nito ang daliri na ginamit para alisin ang gatas na nasa gilid ng labi ko.
"Dahan-dahan lang sa pagkain. You can have mine if you really want it." Nakangiting saad nito. Yung ngiting parang hinihigop ako.
Shit!
Nag-iwas naman ako ng tingin at napapikit na lang para ikalma ang puso ko dahil sobrang bilis na talaga ng tibok niyon. Sa bilis ay mapapantayan na nito ang tumatakbong sasakyan.
Kalma ka lang, heart. Please kumalma ka. Baka mahimatay ako rito kapag hindi ka kumalma.
"Akala ko masarap? Bakit hindi mo na ginagalaw 'yang salad mo?" Tanong ni Alladin.
"A-Ah. Ano kasi... Tinititigan ko pa yung mga prutas. Baka kasi sakaling gumalaw sila." Kusa ko na lang na nasabi iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang walang kuwentang sagot na iyon basta ko na lang iyon na nasabi.
What the hell, Von.
Natawa naman ito kaya napatitig ako sa kaniya at nakagat na lang ang pang-ibabang labi. Ang guwapo niya kapag tumatawa. Pero mas guwapo ata talaga siya ngayon ng sobra-sobra.
"Hindi mo alam na kaya mo rin palang magbiro ng gano'n." Pinisil nito ang pisngi ko at nginitian. "Kainin kita."
"H-Ha?!" Napasigaw ako dahil sa labis na gulat. Nagulat din ito dahil sa malakas na sigaw ko. Maski ang ibang tao ay tumingin sa gawi namin. "A-Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya habang sobrang higpit ng hawak sa bowl at ramdam ko na parang bulkan na yung pisngi ko sa init.
"M-May masama ba sa sinabi ko? Ang sabi ko lang naman at kumain ka pa. M-Masama ba na sabihin iyon? Hindi mo ba nagustuhan yung salad?" Sunod-sunod na tanong niya.
Napayuko na lang ako at napabalik sa pagkakaupo. "A-Ayos lang ako. P-Pasensiya na sa pagsigaw. M-May naalala lang ako." Iyon na lang ang nasabi ko at nagpatuloy sa pagsubo sa salad. Tuloy-tuloy na subo hanggang sa mapuno ang bibig ko. Nakayuko lang ako at nakatingin sa bowl ng salad ko.
Anong pandinig 'yan, Von?! Bakit gano'n yung narinig mo? Kumain ka pa yung sinabi ng tao pero kainin kita ang narinig mo! Sobrang layo! Ang halay ng utak mo, Von! What the hell?! Kainin kita? Saan nanggaling 'yon!
Gusto kung umiyak.
Mabuti na lang talaga at hindi ko nasabi o naisigaw iyon. Mabuti na lang at ako lang ang nakakaalam sa kabaliwan na narinig ko.
Bakit kasi gano'n yung narinig ko?!
Nakakahiya talaga!
"Ayos ka lang ba talaga, Von? Kanina ka pa mukhang wala sa sarili mo." Alalang saad ni Alladin at iniharap ako sa kaniya. "Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko sa'yo kanina, Von? Nabastos ba kita? Kaya ba mukhang awkward ka na makasama ako? Kung gano'n ay ngayon pa lang ay humihingi na ako ng sorry. Hindi ko gusto na bastusin o maging awkward ka. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na halikan ka kanina."
Nginuya ko naman ang laman ng bibig ko habang nananatiling nakatingin sa kaniya.
"Pasensiya na talaga sa ginawa ko kanina. Hindi ko na uulitin iyon basta huwag ka lang magalit sa akin. Huwag mo lang akong iwasan. Huwag ka ng maging awkward kapag kasama ako. Dahil ayaw ko ng gano'n." Niyakap na lang ako nito bigla. Yakap na mahigpit pero hindi ka masasaktan. Yakap na mainit at komportable.
"Gusto mo pa rin ba ako, Alladin?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa harapan.
Iniharap naman ako nito dahilan para mapunta naman sa kaniya ang paningin ko. "Mamayang gabi. Sasagutin ko ang tanong mo mamayang gabi kahit anong mangyari." Saad nito at nginitian ako. "Sana ay huwag mo akong itulak palayo kapag sinabi ko na ang sagot ko, Von." Niyakap ako ulit pero hinayaan ko lang siya. Hindi ako yumakap pabalik. "Simula ngayon hanggang mamaya ay huwag ka ng umiwas o maging awkward kasama ako. Iyon lang ang hinihiling ko sa'yo. Dahil kahit mamatay man ako, wala akong intensyon na bastusin ka."
"Naniniwala ako."
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Fiksi RemajaYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...