30

40 5 0
                                    

Andito pa rin kami sa labas ngayon at nakaupo sa buhangin habang nakaharap sa bonfire. May grupo kasi ng tao na kumanta kaya ang ilan ay nakinig naman sa kanila habang ine-enjoy ang gabi sa harap ng bonfire. Nakisali na rin kami ni Alladin since wala naman kaming gagawin sa taas at pareho kaming hindi pa inaantok.

Pumasok na kami kanina sa loob para maghapunan taos naisipan namin na bumalik dito para magpalipas ng oras.

Ang ganda ng boses ng babaeng kumakanta. Nakaka-relax lang at mapapangiti ka na lang talaga. Habang ang kasama naman niyang gitarista ay ang galing din dahil mararamdaman mo talaga yung bawat emosiyon na ibinibigay niya sa bawat pagtipa ng kaniyang gitara. Ang iba naman nilang kasama ay may kaniya-kaniya rin na ginagawa na nakadagdag naman sa vibes ng kanta.

"Hindi ka ba nilalamig? Ang nipis ng suot mo." Tanong ni Alladin kaya napatingin naman ako sa gawi niya saka ngumiti.

"Hindi naman. Sapat na yung bonfire para bigyan ako ng init." Sagot ko at ibinalik ulit sa harapan ang paningin saka nagtanong sa kaniya. "Ganito ba palagi rito?"

"Oo. Palagi talagang may grupo na gumagawa niyan dito para magbigay aliw sa iba. Tuweng pupunta ako rito ay may mga kagaya talaga nila lagi."

"Palagi ka rin bang nakaupo rito sa gilid ng bonfire at nakikinig sa kanila?"

"Hm. Kahit mag-isa ako ay nakaka-enjoy lang talaga ang bawat sandali kapag nakaupo ako rito at nakikinig sa mga kanta nila."

"Salamat talaga at dinala mo ako rito, Alladin. Dahil sa'yo ay naranasan ko 'to." Nilingon naman ako nito pero nanatili lang ang paningin ko sa harapan pero may masaya ng ngiti sa labi.

Wala ng namutawing salita sa pagitan naming dalawa pero pareho naman kaming may mga ngiti sa labi. Ang sayang nararamdaman ko ay nadadagdagan pa lalo dahil sa katotohanan na kasama ko ngayon dito si Alladin.

Sana ay palagi kaming ganito...

Lumipas na lang bigla ang mga sandali na hindi na lang namin namamalayan. Natapos ng kumanta ang grupo ng tao at ang iba namang nakikinig ay paunti-unti ng umaalis.

Pero tila pareho naming gusto pang manatili ni Alladin kaya walang nagsalita sa amin tungkol sa pag-alis.

Nagtaas naman ako ng tingin sa kalangitan at napahanga na lang dahil sa milyon-milyong bituin na kumikislap sa kalangitan. Para bang pinapanood kami ng mga ito ngayon. Ang ganda rin ng buwan na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa madilim na gabi. Ang init na nagmumula sa bonfire ay pinapainit ang malamig na gabi.

Ang gandang timing para umamin...

Nilingon ko naman ang katabi ko na ngayon ay nawiwili sa panonood sa dalawang matanda na sumasayaw sa may hindi kalayuan sa harapan namin.

Hindi ko pa nasasagot ang pag-amin niya ng nakaraan.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Alladin.

At maganda sana ang oras na ito at ang lugar na ito para aminin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Kaso hindi ko kaya...

Natatakot ako.

Baka nagbago na ang nararamdaman sa akin ngayon ni Alladin. Baka mabait siya sa akin at ganito ang mga ginagawa niya dahil tinuturing niya na lang talaga akong kaibigan.

Baka ako na lang ang umaasa na may gusto siya sa akin.

Ang tagal na simula ng sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Simula nun ay wala na akong narinig.

Sinabi mo na ex-girlfriend mo na siya pero hindi mo sinabi na hindi mo na siya mahal. You've said that you love her...

Hindi ako nagtanong dahil parating wala sa timing at higit sa lahat ay natatakot ako sa magiging sagot niya.

Kagaya ng sinabi ko ng nakaraan. Walang laban yung gusto mo lang kesa sa mahal mo pa.

Kaya natatakot ako.

Natatakot sa magiging sagot niya kapag umamin ako. Baka magbago na ang sagot niya ngayon. Baka nagbago na ang nararamdaman niya.

Ang daming posibilidad.

I'm too afraid.

Napatitig pa ako sa mukha niya at malungkot na ngumiti at unti-unting naibalik ang paningin sa kalangitan.

Pasensiya na, Alladin. Masyado lang akong takot sa sasabihin mo kapag umamin ako ngayon. Baka sobra akong masaktan... Baka magbago ang kung ano man ang meron sa atin ngayon.

Ayaw kung mangyari 'yon...

Kaya pasensiya na.

Naramdaman ko na lang ang isang mainit na butil ng luha na nagmula sa mata ko at tumulo pababa sa pisngi ko hanggang sa tuluyan itong mahulog sa kamay ko na nakakuyom na ngayon.

Kung tayo naman siguro ang para sa isa't-isa ay tayo talaga, hindi ba?

"Gusto mo na bang pumasok sa loob, Von?" Tanong nito habang nakatingin sa bonfire kaya tumagilid naman ako at dali-daling pinunasan ang mga luha at huminga ng malalim saka humarap sa kaniya.

"S-Sige. Medyo nilalamig na nga ako eh."

Pakiramdam ko ay unti-unti ng nawala ang sayang naramdaman ko kanina. Ang kaninang init ay unti-unti na rin na nawala.

"Ayos ka lang ba, Von?" Tanong ng kasama ko at sinilip pa ang mukha.

Ngumiti naman ako ng matamis para itago ang lungkot na nararamdaman. "Bakit naman hindi ako magiging maayos?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Tara na sa loob. Baka giniginaw ka na." Hinawakan nito ang kamay ko at hawak kamay kaming naglakad papasok sa loob.

Ang init na nagmumula sa kamay ni Alladin ay pinapakalma ang buo kung sistema.

Unti-unting nawala ang mabigat na nakadagan sa puso ko at kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdaman ko. Pero meron sa akin na nalulungkot pa rin...

Nakakalungkot lang isipin na nasasaktan ako sa mga sarili kung iniisip. Ang problema ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip ng kung ano-ano.

Masyado akong kinakain ng mga isipin tungkol kay Alladin kaya nawawala ang tapang ko para sabihin ang nararamdaman.

Napalingon naman ako sa katabi ko at tiningnan siya ng ilang sandali. Bumuka naman ang bibig ko para sana magsalita pero nakakalungkot na walang lumabas sa bibig ko na kahit isang salita.

"May gusto ka bang sabihin, Von?" Tanong nito matapos akong lingunin. Napansin ata niya na tinitingnan ko siya.

Naitikom ko naman ang bibig at umiling saka nagpilit ng isang ngiti bago ibinalik sa harapan ang paningin ko.

Inihatid ako ni Alladin sa kwarto ko pero nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa mga kinukwento nito. Tanging nagsalita lamang ako nang nagpaalam na ito na aalis na para pumunta na rin sa kwarto niya.

Walang lakas akong nahiga sa kama at bumuntong-hininga ng malalim bago ipinikit ang mga mata.

Natapos lang ang magandang gabi pero maski isang kataga tungkol sa nararamdaman ko ay wala akong nasabi.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon