23

38 5 0
                                    

Nakasuot lang ako ng maikling short at nakatuck-in doon ang malaking t-shirt na suot. May suot din ako na cap at mask. Kotse ni Alladin ang ginamit namin papunta sa mall.

Sa mall kami pupunta dahil madami doong pagkain hehe.

"Hindi umuusad yung traffic." Napatingin naman ako sa harapan at napangiwi na lang matapos makita ang halos hindi nga umuusad na trapiko.

"Paano kaya kung sa west na lang tayo dumaan?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang ba? Mapapalayo tayo."

"Ayos lang." Sagot ko at inihiga ang ulo sa likuran ng upuan.

"Inaantok ka na naman?"

"Nagugutom lang ako." Sagot ko saka bumuntong-hininga. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya napatingin naman ako sa gawi niya at malayang tinitigan ang mukha niya. Dahil nasa daan ang paningin niya ay hindi niya ako ngayon nakikita.

"Don't stare, Von."

Napapansin niya lang ako.

"Ilan kayang babae mamaya ang mababali ang leeg kakasunod ng tingin sa'yo?"

"Saan naman nanggaling 'yan?" Natatawang tanong nito.

"Naisip ko lang."

"Atleast sa'yo lang ako titingin."

"Pft. Bakit sa akin ka lang titingin, aber?"

"Dahil ikaw lang ang gusto kung tingnan."

"Nambola na naman si Alladin." Natatawang saad ko at napailing-iling.

"Sinong nagsabi sa'yo na nambobola ako?"

"Ako. Sarili ko mismo ang nagsabi na huwag kang paniwalaan kasi tiyak lilingunin mo mamaya lahat ng magagandang babae."

"Bakit ko sila lilingunin kung kasama ko na yung pinakamaganda at pinakamasarap tingnan sa lahat."

"Tama na nga." Pagpapatigil ko sa kaniya habang natatawa pa rin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag hindi pa siya tumigil sa mga sinasabi niya.

"Gusto mo bang kumain ng kwek-kwek, Von?" Tanong niya kaya umayos naman ako ng upo.

"Oo."

"Sumasaya ka kaagad pagdating sa pagkain."

"Syempre."

"Masaya ka ba kapag kasama ako, Von?" Tanong niya at itinigil ang sasakyan.

"Oo naman. Hindi naman ako sasama sa'yo kung napipilitan lang ako."

"Good answer. Dahil diyan may kwek-kwek ka."

"Baliw." Natatawang sabi ko. Natawa na lang din ito at bumaba na para makabili. Naghintay pa ako sa kaniya ng ilang sandali bago siya tuluyang makabalik. "Salamat." Masayang saad ko at kinuha ang mask at cap na suot bago kinuha iyong cup ng kwek-kwek ko at ang samalamig. Tumuhog naman ako ng kwek-kwek ko na napapaliguan na ng sauce. Agad akong napatango-tango ng tuluyang malasahan ito.

"The best." Sabay na saad namin ni Alladin dahilan para magkatinganan naman kaming dalawa at sabay rin na natawa.

Nagpatuloy lang naman kaming dalawa sa pagkain pero mas nauna akong nakaubos ng akin kaya dumukwang naman ako at tumuhog ng natitirang kwek-kwek niya saka ngumiti pa sa kaniya bago isinubo iyon.

"Ang takaw mo." Naiiling na saad nito.

Masayang nginuya ko naman ang nasa bibig at ng malunok ay saka ko naman ininom ang samalamig na hawak. Nang matapos ay ibinigay ko naman sa kaniya iyon at siya ang nagtapon sa labas ng pinagkainan naming dalawa.

"Saan next destination natin?" Tanong niya ng makabalik sa kotse.

"Pizza house tayo. Gusto kumain ng pizza eh." Sagot ko naman kaya tumango naman ito at iminaneho na papunta sa pizza house ang kotse.

Nang makarating ay agad ko ng isinuot ang mask at cap ko at sumabay na sa kaniya sa paglalakad. Nang makapasok kami ay agad na napatingin ang ibang tao sa katabi ko dahilan para mapangiwi na lang ako.

"Anong flavor ang gusto mo?" Napataas naman ang paningin ko sa katabi at nakitang nasa akin lang ang paningin nito.

"Alladin..."

"Ako yung gusto mong flavor?"

"Baliw." Saad ko na ikinatawa niya naman.

"Pangalan ko yung sinabi mo eh."

"Ham and cheese at saka pepperoni." Saad ko at itinulak na siya papunta sa counter. Tumalikod naman ako at naghanap na ng bakanteng mauupuan at nakahanap naman ako kaya naupo na muna ako doon at nagkalikot ng cellphone habang wala pa siya.

"Hi."

Napangiti naman ako nang makita ang picture ni Alladin nung nag-perform kami. Siya na talaga ang pinakagwapong beast na gumanap na nakilala ko.

"Hi."

Nagtaas naman ako ng tingin at nakita ang isang lalaking nakatayo sa harapan at nakangiti sa akin. "Ako ba ang sinasabihan mo ng hi?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah, yeah. Can I know your name, Miss?"

"No." Walang paligoy-ligoy na sagot ko. Halatang napahiya naman ito pero nanatili pa rin sa harapan ko.

"Can I sit here?"

"Yes." Halatang nagulat naman ito dahil sa naging sagot ko. Pero ibinalik ko na ulit ang paningin sa cellphone.

"Actually...gusto ko talagang manghiram ng phone, Miss. My phone got snatched by someone else kanina. And I got lost here at nagkahiwalay pa kami ng kasama ko. I really just want to call someone to pick me up here para makaalis na ako dito." Pag-amin nito sa tunay na pakay napabuntong-
hininga naman ako saka ibinigay sa kaniya ang cellphone.

"Use this."

"T-Thank you. Excuse me." Tumango lang ako at hinayaan siyang gamitin ang cellphone ko. Lumayo naman ito ng kaunti at maya-maya ay may narinig na akong kinakausap niya mula sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa pananamit nito at sunod ay sa mga dala nito. Siguro ay galing pa itong ibang bansa. Hindi man lang alam na madami ang snatcher sa lugar kung nasasaan siya.

Maya-maya ay bumalik naman na ito at ibinigay sa akin ang cellphone ko. "Thank you sa pagpapahiram ng phone. I'm very sorry for the abala."

"Give me five peso." Saad ko na ikinagulat niya naman.

"B-But I don't have money with me rightnow. Nasa kasama ko lahat ng pera at cards ko..."

"Here." Kumuha ako sa pitaka ng isang libo at ibinigay sa kaniya. "Use that to buy food or what. Basta siguraduhin mo na makakauwi ka ng ligtas."

"Why are you doing this to someone who you really don't know?" Tanong nito pero nagkibit-balikat lang naman ako.

"Gusto lang kitang makauwi ng ligtas. Mabuti pa at maghintay ka na sa lugar na sinabi mo sa tinawagan mo. Baka mamaya ay magkasalisi na naman kayo ulit."

"Thankyou." Saad nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti bago tuluyang nagpaalam at umalis.

Nagpatuloy naman ulit ako sa pagtingin-tingin sa litrato namin ni Alladin. Napatigil lang ako nang may makitang naglapag ng pizza. Napataas naman ulit ang paningin ko at nakitang si Alladin na iyon.

"Sino yung lalaking pumunta dito kanina?" Tanong niya at binigyan ako ng isang hiwa ng pizza.

"Nakitawag lang. Na-snatch ang cellphone niya." Sagot ko at nagsimulang kumain.

"Madami na talaga ngayong magnanakaw na nagkalat, no? Tsk." Naiiling na saad pa niya.

"Well... Some of them have their reason though. But yeah, kasalanan pa rin ang pagnanakaw." Saad ko lang naman at nagpatuloy na sa pagkain.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon