Kinabukasan ay nagising na lamang ako na mabigat ang katawan. Hindi ko alam pero parang nadala ko pa hanggang ngayon ang lungkot ko kagabi.
Napatitig naman ako sa kisame ng ilang sandali at napabuntong-hininga na lang. "You're a coward, Yvonne." Bulong ko at tuluyan ng bumangon.
Kinuha ko ang tuwalya at dumeritso sa banyo para maligo at mahimasmasan. Napatingin naman ako sa sarili ko mula sa salamin. "Why can't you just confess already that you're in love with Aladdin? Why?" Pagkausap ko sa sarili na parang isang baliw.
"Maybe because I'm afraid to be hurt so much. Argh! Just forget it already, Yvonne. Magpanggap ka na lang kagaya ng dati para hindi mo masira ang bakasyon niyo ni Alladin." Patuloy ko pa sa pagkausap sa sarili.
Para akong baliw na patuloy na kinakausap ang sarili. Nakakabaliw ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako at ang takot na iyon ang pumipigil sa akin para umamin kay Alladin sa tunay na nararamdaman.
Ang dami kasing possibilities, eh. Ang dami-dami at meron do'n na negative.
Tinigilan ko na lang ang pag-iisip tungkol doon at pinagpatuloy ang pagligo. Nang matapos ay lumabas na ako at namili ng susuotin para sa araw na 'to at naisip ko na suotin ang isang pastel green na dress. Kagaya ng dati ay wala na akong nilagay sa mukha ko. Pero inayos ko ang buhok. Ginawa kung wavy ang buhok ko at nilagyan ng clip na may ribbon sa gitna na inipit ang taas banda ng buhok ko. Naglagay rin ako ng mga kung ano-ano sa balat ko para hindi masyadong umitim. Nagsuot pa ako ng tsinelas bago tuluyang lumabas ng kwarto at nagulat pa ng may makabunggo na kalaunan ay nakilala rin.
Si Alladin lang pala.
"Goodmorning." Nakangiting bati nito.
"Goodmorning din. Balak mo ba sana akong puntahan?" Tanong ko sa kaniya. Mas pinili ko na lang na maging normal sa kaniya. Iyon ang dapat gawin.
"Oo sana pero andito ka na naman kaya dumeritso na lang tayo sa baba. Handa na raw ang pagkain natin."
"Marami talagang advantages kapag kakilala mo ang may-ari ng lugar, no?" Natatawang saad ko.
"Ngayon ko lang nilulubos-lubos kasi kasama kita." Natatawang saad din nito at inalalayan ako sa paglalakad.
At sa simpleng kilos at salita na iyon ay kumakalabog ng matindi ang puso ko.
"Anong gusto mong gawin natin ngayong araw?" Tanong nito.
"Ewan. Ano ba ang magandang gawin?" Tanong ko sa kaniya nang makasakay kami ng elevator.
"Do you want to try their jet ski? Meron sila rito, eh."
"Pero hindi ako marunong nun. Marunong ka ba?"
"Yeah. I'm always riding one every time that I'm here. It's fun. Mamaya try natin."
"Hindi nga ako marunong."
"Edi sumakay ka na lang sa akin. Basta siguraduhin mo lang na kumapit ng mahigpit kasi baka mahulog ka." Saad nito kaya nilingon ko naman siya. Nilingon din naman ako nito at nginitian bago ibinalik ang paningin sa harapan.
Nahulog na nga ako sa'yo, eh. Kaya nga namomoblema ako ngayon.
Makaraan ang ilang sandali ay nakarating naman kami sa baba at may isang babae naman na dinala kami sa isang room na palagi naming kinakainan ni Alladin. Tanging kami lang ang kumakain sa room na iyon.
Iba't-ibang seafood ang nakahain. Prutas at kung ano-ano pa. Classic na mga pagkain kapag nasa resort ka malapit sa dagat.
Na-enjoy ko ng husto ang umagahan na nakahanda dahil mahilig ako sa pagkain lalo na sa mga masasarap. At lahat ng nakahain ay masasarap kagaya ng kahapon. Kaya nang matapos ay busog na busog ako.
Nagpahinga muna kami at mas pinili na tingnan na lang muna ang nakakabighaning tanawin.
Pero ang kasama ko ay imbis na sa tanawin tumingin ay napapako sa akin ang mga mata nito. Tumikhim naman ako at nilingon siya. "Why staring so intently, Alladin?" Hindi ko na mapigilan na tanungin ito.
"I'm just admiring how beautiful you are. You look really good in everything." Saad nito habang nakatitig pa rin sa akin pero agad din naman itong napakurap-kurap kinalaunan. "I-I'm sorry. Words just slipped to my mouth unconsciously."
"Why you're saying sorry?" Tanong ko sa kaniya.
"Because I make you uncomfortable."
"Not really. I'm glad that I'm beautiful in your eyes." Nakangiting saad ko at ibinalik ang paningin sa tanawin na nasa harapan. "Let's enjoy to the fullest our stay here."
"Yeah. We will." Saad nito at tumabi sa akin.
Nanatili pa kami roon ng ilang sandali bago tuluyang lumabas. Naglakad-lakad naman kami para matunaw yung mga kinain namin. Mamaya na lang kami sasakay ro'n sa jet ski.
May nakita naman kaming bata na nagbebenta ng bulaklak. Maliit pa siya at nasa sampung taon siguro o siyam na taon gulang pa lamang.
"Bili na po kayo ng bulaklak, Ate at Kuya." Ipinakita nito ang bulaklak na dala sa amin matapos na lumapit.
"Anong pangalan mo?" Tanong sa kaniya ni Alladin.
Hindi ako masyadong magaling sa mga bata. Wala naman kasing bata sa bahay.
"Ako si Baba."
"Iyon ang totoo mong pangalan?"
"Brea po ang totoo kung pangalan, Kuya. Baba lang po ang nakasanayan na itawag sa akin ng mga tao rito."
"Gano'n ba? Pasensiya ka na pero hindi kami makakakuha ng bulaklak mo, eh."
"Bakit naman po?"
"Hindi naman kasi namin nagagamit 'yan, Baba. Pero bibigyan na lang kita ng pera tapos ibenta mo na lang iyang mga bulaklak mo sa iba. Ito, oh." Kumuha si Alladin mula sa pitaka ng isang libro at binigay sa bata.
"Akin po 'to?" Tanong ng bata ng matanggap ang pera.
"Oo, sa'yo na iyan. Basta huwag mong gagamitin sa masama ang perang 'yan, ah?"
"Hindi po. Ibibigay ko po 'to kay Nanay para ibili niya ng bigas." Sagot ng bata.
"Kung gano'n ay ibenta mo na iyang natitirang bulaklak mo para marami kang pera na ibibigay sa Nanay mo." Tumayo na si Alladin at tumabi sa akin.
Ang bait ng lalaking 'to.
"Sige po. Maraming salamat po!" Pasasalamat ng bata at lumapit sa akin. "Sa'yo na lang po 'to, Ate. Nakita ko po 'yan kanina sa dalampasigan. Paalam po." Paalam ng bata at tuluyang umalis.
Napunta naman ang paningin ko sa ibinigay nito at isa iyong bato na hugis puso na kulay pink.
"Ang ganda. Puwede mo 'yang ipagawang necklace sa shop na alam ko."
Nilingon ko naman kaagad si Alladin ng sabihin niya iyon. "Totoo?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo. Mamaya sasamahan kita." Nakangiting saad niya kaya naibaba ko naman ang paningin ko sa bato at napangiti.
Ang ganda nga...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...