Naghahanda na kami ngayon at nasa likod ng stage. Lunes na ngayong araw at oras na para magperform. Iyong naunang pares pa lang ang nasa stage at nagsisimula ng sumayaw at pahangain ang mga taong nanonood.
"Ang ganda mo talaga." Napatingin ako sa tabi ko at nakatingin ito sa akin kaya natawa naman ako at mahinang sinampal ang mukha niya kaya napakurap-kurap naman ito.
"Bawal mag day dreaming, Alladin. Baka saan ka niyan mapunta at nakalimotan ang steps mamaya." Saad ko kaya napanguso naman ito. Hindi niya pa sinusuot ang mask niya kaya nakikita ko pa ang mukha niya. Ako pa lang 'yung nakasuot mula pa kanina hehe.
"Ang ganda mo ngayon. Nagmumukha ka talagang totoong prinsesa." Saad niya kaya natawa naman ako ulit.
"Paano akong magiging maganda eh natatabonan 'yung mukha ko." Sabi ko pa.
"Hindi ko naman kailangang makita 'yung mukha mo para sabihin ko na maganda ka." Ngiting-ngiti naman ako at mahinang sinuntok ang tiyan niya.
"Manahimik ka na nga lang diyan." Sabi ko at pinanood na ang pares na sumasayaw mula sa flat screen na andito sa back stage. Mula dito ay nakikita din namin 'yung sumasayaw sa labas.
"Ang galing nila." Saad ng kasama ko.
"Mas magaling tayo. Tiwala lang." Sabi ko kaya ngumiti naman ito saka tumango.
"Oo naman. Si Belle pa naman ang magiging kapares." Natawa naman ako at binunggo ang braso niya at nagpatuloy sa panonood sa sumasayaw.
Siguro dahil sanay na ako sa madaming tao kaya hindi na ako kinakabahan pa. Basta confident ako sa sarili ko.
Napangiwi naman ako nang natapos na ang naunang pares na sumayaw at tanongin ng MC. Kami na ang sunod sa kanila. Agad naman akong tumayo at ganoon rin si Alladin. Tinulungan ko na rin siyang isuot ang mask niya saka kami nagkatinginang dalawa.
Marami ng naunang pares na sumayaw at ang gagaling nila. Pero alam kung magaling rin kami ni Alladin at kaya namin 'to.
"And now let's welcome the eighteenth pair!" Sigaw ng MC kaya agad na kaming nagtango-an saka naglakad na papalabas papunta sa stage. Agad bumungad sa paningin namin ang madaming tao at mga kilalang tao sa may harapan lang ng stage.
Naramdaman ko namang humigpit ang hawak niya sa akin kaya napangiti na lang ako at hinarap na siya at ibinigay ang isang kamay sa kaniya at isinabit naman sa balikat niya ang isa pa.
Maya-maya ay narinig na namin ang music namin na nagmumula sa naglalakihang speaker at kasabay naman nun ay ang pananahimik ng mga taong nanonood.
At nang magsimula na nga ang tugtog ay siya namang pagsisimula ng katawan naming umindayog. Kahit hindi nakikita ang mukha namin pero sinigurado naming madadama ng manonood ang emotion naming dalawa.
Nagkatitigan lang kaming dalawa habang sinasabayan ng mahusay ang kanta. Kahit na medyo may kabigatan ang suot ko ay hindi ako nagpahdlang doon para hindi makasayaw ng maayos.
Iniikot naman ako nito at maingat na inihiga sa ere kaya napangiti na lang ako. Hinigit ako nito at nagpatuloy ulit kami sa pagsasayaw. Naririnig namin ang palakpakan ng mga nanonood kaya napapangiti na lang ako ng malapad.
Ang saya-saya ko ngayon. Pakiramdam ko ay isinasayaw nga ako ng totoo kung prinsipe.
Sana nga ikaw na Alladin...
Kasi pakiramdam ko ay gusto na kita.
Nagpatuloy lang ang sayaw at hindi man lang kami nagkamali maski isang beses. Kung noong una ay ramdam ko pa ang kaba mula kay Alladin pero ngayon ay halatang enjoy na enjoy rin ito sa pagsasayaw.
Ninamnam namin ang bawat sandali na nasa entablado kaming dalawa. Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao kahit na malakas ang music.
Ang panghuling galaw ay tuluyan naming ginawa kasabay ng pagtatapos ng kanta. Nakahiga ako sa ere habang hawak-hawak ni Alladin ang bewang ko. Malapit ang mukha namin sa isa at parehong nakatitig sa mga mata ng kapareha.
Ang bilis ng tibok ng puso ko...
Nang tuluyan ng natapos ang kanta ay agad na kaming naghawak kamay at humarap sa mga tao saka nagbow. Agad naming narinig ang malakas na palakpakan at ang iba ay tumayo pa sa inuupuan nila. Si Mommy at Daddy naman ay nakita ko at halatang proud na proud sila sa akin kaya ngiting-ngiti naman ako.
Kahit pa ilang ulit na akong mapunta sa sitwasyon 'to at naaani ang paghanga ng mga tao ay hindi ko pa rin maiwasang hindi manibago at sumaya.
Nanatili pa kami sandali doon dahil meron pang pang pa Q and A. Magmumula sa audience ang tanong at sasagotin naman namin iyon. Binigyan kami ng tig-iisang mic ng MC bago ito bumalik sa kinatatayuan niya.
"Pwede na kayong magsimulang magtanong para sa pares na ito." Sigaw pa ng MC kaya nagkarambola naman ang sa baba para mapiling magtanong.
Inunanh pinili ng MC ang isang kilalang bisita. Babae ito. "Are you two inlove?" Nakangiting tanong niya dahilan para magkatinganan naman kami ni Alladin.
Grabi naman 'yung tanong nila sa amin. Hindi naman ganun sa mga nauna, ah?
"Yes." Sagot ni Alladin habang nakatingin ng deritso sa akin kaya nagsihiyawan naman ang mga tao.
Shit! Bakit siya tumingin sa akin?!!!
Grabi 'yung tilian ng mga audience habang ang babaeng nagtanong ay humalakhak lang.
"How about you, Belle?" Nakangiting tanong niya ng makabawi.
Napatingin pa ako sandali kay Alladin at nakatingin naman ito sa akin kaya agad ko namang naiiwas ang paningin ko at ibinalik sa audience. "Y-Yes." Sagot ko kaya nagsihiyawan naman ulit ang mga tao.
"Can we know your names?" Tanong ng isa pang kilalang bisita rin na pumunta. Lalaki naman ito at gwapong nakangiti sa amin.
"I'm Alladin." Unang pagpapakilala ni Alladin dahilan para magtilian naman ang mga babae. Halos mabingi ako dahil sa ingay nila.
Napatingin naman sa akin ang lalaki kaya bumuntong-hininga naman ako muna saka sumagot. "I'm Yvonne." Sagot ko dahilan para mag-ingayan naman ulit ang buong lugar.
Nagpatuloy pa sandali ang pagtatanong sa amin at sinasagot naman namin iyon sa abot ng makakaya naming dalawa.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Fiksi RemajaYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...