08

97 4 0
                                    

Matapos nang klase namin sa computer room ay dumeritso na kami sa room namin dahil doon na ang sunod namin na klase. Habang sila Alladin ay pupunta sa susunod rin nilang klase.

Panay ang mga tingin ng mga kaklase kung babae sa'kin. Nagtataka siguro bakit kasama ko ang lalaking hinahabol-habol nila. Pft. Bahala silang mag-isip diyan.

Napabuntong-hininga na lang ako saka nakinig na lang kay Sir na nasa harapan ngayon at nagtuturo tungkol ng Ethics. Dahil kung susumahin ay college na rin kasi ang senior high kaya may kasama ring pang college 'yung mga itinuturo sa amin.

Maayos ang tulog ko kagabi kaya hindi ako inaantok ngayon at maayos kung naiintindihan ang nga sinasabi ng guro na nasa harapan.

At nang tumungtong ang break ay agad kung narinig 'yung ingay mula sa hallway. Gusto kung matawa sa kanila para silang mga baliw na tili ng tili tuweng dadaan si Alladin pero hindi ko rin naman sila masisisi. Ganun talaga kapag gusto mo talaga ang isang tao.

Tumayo naman ako at dumeritso na na papunta doon sa kaniya at nakitang may hawak na itong pagkain. "Kanina pa natapos 'yung klase mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah. Natapos ko kaagad 'yung quiz namin kaya mas maaga akong nakalabas. Binili ko na para hindi na tayo magpapunta't parito. Mapapagod ka lang." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.

"Oo nga, no. Salamat, ah. Hindi mauubos masyado ang lakas ko ngayon sa pabalik-balik." Sabi ko saka napatingin sa hawak niya. "Ako na magdadala ng iba. Mukhang nahihirapan ka eh..."

"Hindi na. Hindi na. Ako na bahala dito." Nakangiting saad niya kaya wala naman akong nagawa kung hindi ang maglakad na lang.

Dumeritso na kami ulit sa rooftop na tambayan na namin tuweng break. Naupo ako sa isang silya saka kinuha ang mask ko at tuluyang nakahinga ng maluwag. "Salamat, ah?  May kasama na ako ngayong kumain hehe." Saad ko saka binuksan na 'yung chili sauce ng nuggets ko.

"Okay lang 'yun. Ako nga dapat magpasalamat kasi hinahayaan mo'ko na sumama sayo. Like... 'Yung nakikita ko lang sa Tv na Trinity ay siyang kasama ko ngayon dito at nag-uusap pa kami upclose. Nakikita ko pa ang mukha mo... Parang blessing.."

"Pft. Blessing talaga? Kumain ka na nga lang." Natatawang saad ko saka kumuha ng isang nuggets saka saka isinawsaw iyon sa chili sauce saka napatango-tango.

"Oo. Kasi alam mo 'yun... Parang hindi ko talaga ene-expect na mangyayari 'to. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba na tinanggal ko 'yung mask mo o ipagpapasalamat ko pa kasi nakilala kita." Saad niya pa. Napatitig naman ako sa kaniya sandali saka ngumiti.

"Hindi ka na nahihiya sa'kin ngayon. That's good. Gusto ko maging natural ka lang kapag kasama ako. Mas gusto ko 'yun." Usal ko saka kumuha ng isa pang nuggets at isinawsaa iyon sa sauce at kinain.

"Nahihiya pa talaga ako HAHAHAH. Kinakapalan ko na lang talaga ang mukha ko para makausap kita."

"Hala, huwag kang mahiya sa'kin! Ayos lang talaga sa'kin na kausapin mo. Tsaka masaya nga ako kasi ngayon may kasama na ako." Sabi ko pa kaya napatitig naman ito sa akin saka ngumiti.

"Sige, sabi mo 'yan, ah? Ituturing na kitang kaibigan ko simula ngayon." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Akala ko magkaibigan na tayo simula ng nakaraan?" Nakangusong tanong ko sa kaniya. Siya naman ang nagulat ngayon at nanlaki pa ang mga mata.

"You really see me as a friend since back then?" Tanong niya.

"Oo." Tumango-tango pa ako bilang sagot.

Nagkatinginan na lang kami ng ilang sandali saka sabay ring natawa at nagpatuloy na sa pagkain habang nagkukwentuhan pa rin.

Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kasamang kumain kapag nandito sa  school. Nang isang taon naranasan ko rin nung samahan ako ng pinsan ko. Siya 'yung lagi kung kasama tuweng tanghali na para kumain.

Mabuti ngayon at may kasama na ulit ako at may bagong kaibigan pa ako. Nang nakaraan natakot pa ako na baka ipagkalat niya ang tungkol sa akin pero alam kung mabait siya at tama nga ako.

Nanatili lang kami doon pagkatapos kumain at tiningnan ang kalangitan. Napag-alaman ko na mahilig rin pala itong panoorin ang kalangitan. Nagtawanan pa kami ng sabay naming itinuro ang hugis kabayo na ulap. Pinapanood namin ang mga ulap sa paggalaw niyon. Kung paano mawawala at mapapalitan ng bago. Nakakaaliw.

Bumaba na kami nang marinig ang bell na ibigsabihin ay tapos na ang break namin. Hindi ko na siya hinayaan na ihatid ako. Pinaderitso ko na lang siya sa room niya dahil baka malate. Ako naman ay pumunta rin sa room ko at tyempong wala oang teachers.

Ramdam ko ang matatalim na tingin ng iba pero hinayaan ko na lang. Wala naman silang magagawa sa mga tingin eh. Pero ibang usapan na kapag hinawakan at sinasaktan na ako. Babawi talaga ako panigurado.

Maya-maya ay dumating na ang Sir na magtuturo sa amin. Nakinig naman na akong mabuti para hindi mahuli at hindi nganga mamaya kapag tinanong o magquiz.

Naging maayos naman ang lahat hanggang sa sumunod pang mga klase namin. Nagparecite at may paquiz rin pagkatapos ng discussion. Pero nairaos naman lahat at matataas ang nakuha kung mga score.

Nang magtanghali na ay sabay rin kaming kumain ni Alladin na sinamahan pa rin ako. Kaya ayon at masaya na ang naging tanghalian ko. Noon masaya rin naman akong mag-isa at kasama ang musika at kalangitan pero iba pa rin talaga kapag may kasama ka. May pagkikwentuhan ka at may kasama ka sa mga bagay-bagay. Hindi nakakalungkot masyado. Kagaya kanina ay doon pa rin namin pinalipas ang mga oras pero mas matagal na kaya mahaba ang kwentuhan namin.

Ang payapa lang kasi dalawa lang kami at nagkakasundo kami ng maayos. Ang galing kasi ang dami naming pagkakapareho at hilig. Mahilig rin siya sa music at palagi ring inaantok.

Ang dami ko pang nalaman tungkol sa kaniya at nagsunod-sunod pa iyon dahil sa palagi naming pagsasama at pagkukwentuhan. Palagi na akong may kasamang kumain at tumingin sa nagandang kalangitan...

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon