Pagtungtong ng 2 o'clock ng hapon ay agad na akong tumayo mula sa kinakauupuan ko dahilan para mapatigingin sa akin iyong Miss na nagtuturo. "Practice time, Miss." Saad ko.
"But it's just first day of school---"
"I want to punch something, Miss." Putol ko sa sasabihin niya. Natahimik naman ang buong klase at pinakiramdaman ang paligid kung dapat ba silang nagsalita o hindi.
"But we are in the middle of discussion, Ms. Trini---"
"As far as I can remember... I have my own time when the clock strikes at two, right? You all agree with that." Simpleng sagot ko at naglagay ng earphones sa tenga at naglakad na papunta sa pinto saka napabuntong-hininga na lang.
Magsasabi ng rules tapos magrereklamo...
Tahimik ang hallway palibhasa ay nasa loob pa lahat ng room ang mga estudyante.
Nakakabagot.
Hindi naman sila nagtuturo. Mas marami pa 'yung kwento. Boring. Mabuti pa doon na lang ako tumambay sa practice room.
"Von!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Mabuti na lang at nakasarado 'yung nga pinto at bintana ng mga rooms kaya hindi kami naririnig ng mga nasa loob.
Agad itong lumapit kaya tumaas naman ang kilay ko sa kaniya. "What are you doing here, Axel?"
"I'm going to practice, why? Is that masama now?" Tanong niya habang nasa dalawang bulsa ang kamay.
Nagkibit-balikat naman ako. "No." Sagot ko at nagpatuloy na rin sa paglalakad. "Kamusta naman 'yung hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya.
"I can't still find him. Nagtutulungan kami ng kapatid ko pero wala talaga. Maski anino niya ay hindi namin makita." Sagot niya at rinig na rinig ko pa ang buntong-hininga niya.
"He's that important to you, huh?" Tanong ko pa habang bumababa kami sa hagdan.
"Yeah."
"Just keep finding. Maybe you'll find soon. Sa ilang taon mo ng paghahanap ay dapat hindi mo na maisip na sumuko." Usal ko pa at tinapik ang likod niya.
"Hindi ko alam na tagapagpayo ka na rin pala ngayon?" Natatawang tanong niya kaya natawa na lang rin ako saka napailing.
Dumeritso kami sa practice room na nasa likuran banda ng Gymnasium. Doon nilalagay kasi walang masyadong rooms doon kaya wala kaming maaabala kapag masyado kaming maingay. Kahit kasi nasarado ang pinto at mga bintana ng practice room ay tumatagos pa rin 'yung ingay mula sa loob dahil hindi iyon soundproof.
"Timing natin." Saad ko ng makitang bukas na ang practice room para sa taekwondo.
"Andiyan ata si Sir." Saad niya naman at tumango naman ako at sabay na kaming pumunta doon at tama nga siya. Nasa loob si Sir at inaayos 'yung ibang mga punching bag na nasa pinakalikod.
Ginagamit namin 'yun kapag walang kasama or iisa pa lang 'yung dumating. Doon muna nagpapractice. Malapad 'yung practice room dahil mahigit bente ang mga sumasali sa teakwando sa SH pa lang.
Nagpalit na ako ng uniform ko para sa pang teakwondo saka lumabas sa banyo kung saan ako nagpalit.
"First day of school at andito kayo imbis nasa classroom niyo." Saad ni Sir.
"The teachers just tell some stories to us. It's just for kids. It's boring." Sagot ko. Hinubad ko na 'yung mask ko tutal ay andito naman na ako sa loob.
"You never changed, Von." Naiiling na saad ni Sir.
Nagkibit-balikat lang ako saka huminga ng malalim saka tumakbo papunta sa gitna at papaikot na tumalon sa ere at sumipa ng mataas at nakatayong lumanding sa sahig.
Bigla naman akong may narinig na sumipol at mga boses ng tingnan ay iyong mga ibang kasama ko sa taekwondo lang pala. "Ang taas pa rin, Master." Saad nito at tuluyang pumasok na at sinarado ang pinto.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko saka naglakad papunta sa tubig ko saka uminom.
"Boring sa room, master. Nakita namin kayo ni Axel kanina na dumaan kaya umalis na rin kami pagkatapos nung klase namin." Sagot ni Rill at kinuha na rin ang sarili nilang mga uniform para taekwondo at nagbihis na rin.
"Dahil sayo kaya sila masyadong nahilig pumunta dito." Saad ni Sir. Ngumiti naman ako labas ang lahat ng ngipin saka lumapit sa kaniya.
"Idol lang ho nila ako, Sir. Hayaan mo na lang. Baka sila ang sumunod sa yapak ko sa mga susunod na mga taon." Asik ko pa kaya napabuntong-hininga naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Kaya tulungan mo'kong sanayin sila---"
"Nice one, Sir. 'Yun ang gusto kung marinig." Nakangising saad ko.
"W-Wala akong sinabi. Wala. Von! Wala akong sinabi!" Sigaw ni Sir pero tumakbo lang ako at nagtatalon dahil sa saya.
"Pangako ho hindi ko sila papapuntahin sa ospital, Sir." Sigaw ko at agad pumunta kung nasaan ang iba at nagwawarm-up. Mabuti na lang nakapagwarm na kami ni Axel kanina.
"Oh, master. Bakit ikaw ang nandito?" Tanong ni Filo at tumingin kay Sir.
Lumapad naman ang ngiti ko. "Ako ang makakalaban niyo ngayon sa practice, everybody." Usal ko dahilan para manlaki naman ang mga mata nila kaya humagikhik naman ako. "Sino ang mauuna? Dali. Dali. Isa-isa lang." Ginaganahang saad ko at pinatunog ang buto sa leeg ko.
"Ako na." Tumayo si Axel kaya mas lalo namang lumapad ang ngiti ko. Kinuha ko naman muna ang tali ko at itinali ang buhok ko para hindi tumabon sa mata ko mamaya kapag gumagalaw ako pero hindi pa man ako natatapos ay bigla ng sumipa si Axel kaya agad naman akong umiwas at sinipa rin siya pero napangisi rin nang maiwasan nito iyom matapos nakayuko.
"Be easy on them, Von! I will kill you if you hurt them." Sigaw ni Sir pero nanatili lang naman ang paningin ko kay Axel na halatang nagulat dahil sa sipang iyon.
Nang makabawi ay agad naman itong sumipa ulit at sumuntok. Papalit-palit lang ang ginagawa niya na siyang itinuro ko ng isang taon sa kanila. "Move this leg too." Saad ko at pinigilan ang suntok niya na pinakawalan saka sinipa ang gilid ng tuhod niya dahilan para mapaluhod ito. "Learn how to dodge and attack faster." Pagpapatuloy ko sa pagturo sa kaniya at ngumiti saka umikot at walang alinlangang sisipain sana ang mukha niya dahilan para mapayuko naman ito at napagapang paalis.
Natawa naman ako saka nailing na lang. "You're out. One hundred punch and kick in the sand bag then run five times in the side of practice room. That will be your punishment. Para matuto 'yang mga paa at kamay mo na maging matigas at lumakas ang mga pinapakawalang atake. Wala kang mapapatumba kapag masyadong mahina ang mga atake mo, okay?" Nakangiting saad ko. Tumango lang naman ito at tumakbo na agad papunta doon sa isang sandbag. Tumingin naman ako sa biglang pumasok at nakita kung ang iba iyon at nagulat na ako ang nagtuturo ngayon kaya napangiwi na lang sila. "Magpalit na kayo." Saad ko saka tumingin sa harapan saka ngumiti. "Who's next?"
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...