"Here's your---"
Sabay kaming napatingin kay Mommy na biglang pumasok sa pintuan. "Oh... I forgot something pala. Pagpatuloy niyo lang 'yan." Saad nito at bigla na lang sinarado ang pintuan dahilan para maiwan naman kaming dalawa ni Alladin. Napalunok naman ako at napunta sa kaniya ang paningin at tyempong humarap din ito sa akin dahilan para magtama ang paningin namin sa isa't-isa.
"We should continue, right?" Tanong nito habang nakatingin ng deritso sa mga mata ko. Halos maging kabayo na sa bilis ang kabog ng dibdib ko. Para akong hinahapo bigla.
Anong gagawin ko? Anong isasagot ko? Dapat ba na sumagot ako? Malamang Von! Waaaaah!
"S-Sige..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko sa mahaba-haba kung pag-iisip. Ngumiti naman ito at biglang sinabayan ng sayaw ang kanta. Kusang gumalaw naman ang katawan ko at sinabayan rin siya.
Halos maging alon ang katawan naming dalawa habang sumasayaw. Sobrang malaya at damang-dama ang bawat galaw.
It felts like I'm dancing with my prince.
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil hindi talaga niya iniiwan ng tingin ang mga mata ko habang sumasayaw dahilan para gayahin ko rin siya at hindi rin alisin ang tingin sa kaniya.
"Ang ganda mo talaga."
"H-Ha?" Gulat na tanong ko sa kaniya at biglang nahinto sa pagsasayaw. Kinakabahan ako...
"I said that you are pretty, Von." Sagot nito.
Hindi nga ako nagkakamali ng narinig...
"A-Ano..." Parang gusto kung kutusan ang sarili dahil iyon lang ang nasabi ko kahit na ang dami kung gustong sabihin.
"Una ko pa lang na makita ang mukha mo ay nagandahan na agad ako sayo." Saad pa nito at inilagay ang nalaglag na buhok ko sa likod ng tenga ko at tinitigan ang isa-isa ang iba't-ibang parte ng mukha ko. Napalunok ako ng hard ng biglang malaglag ang tingin nito sa labi ko na bahagyang nakaawang.
Anong gagawin ko?! Waaaah! Lord help meeeeeee!
"S-Salamat..." Iyon lang ang nasabi ko. Salamat! Waaaaah! Lupa kainin mo'ko ngayon na!
Natawa naman ito sa akin kaya natigilan naman ako at nakagat ang labi ko dahil sa sobrang hiya. Ramdan ko ang pag-iinit ng pisngi at tenga ko.
Gusto ko na lang maging kamote.
"We should continue, Von." Nakangiting saad nito at inilahad ulit ang kamay niya sa harapan ko. Unti-unti ko namang itinaas ang kamay ko at inilagay sa mga kamay niya na agad niyang ipinagsiklop dahilan para magulat naman ako. "Your reaction are quite cute." Saad nito dahilan para maibaba ko naman ang mukha ko pero itinaas niya lang iyon gamit ang isang kamay niya.
"A-Ano... salamat."
"Pft. Ang cute mo. Sige na, sayaw na tayo ulit. Bumalik na sa simula ang kanta." Nakangiting saad nito kaya tumango naman ako saka huminga ng malalim at maingat ito pinakawalan. "Emotions, Von." Pagpapaalala pa niya.
"O-Oo." Naisagot ko at nailagay na sa balikat niya ang isang kamay. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko dahilan para maramdaman ko ang init na nanggaling sa palad nito. Nakatingin lang kaming dalawa sa mata ng isa't-isa habang sumasayaw. Sauladong-saulo na namin iyon na para bang katawan na lang namin mismo ang gumagalaw at sumasabay sa magandang tugtog.
Para ako ngayong nasa ulap sa hindi ko malamang kadahilanan o alam ko lang pero... Hindi ko lang maamin da sarili ko.
Nagtuloy-tuloy na ang pagsasayaw naming dalawa at patagal ng patagal ay pa-intense ng pa-intense ang mga titig niya sa akin at ang iinit ng mga bawat dampi ng katawan nito sa katawan ko dahilan para mas lalong lumalakas ang kabog dibdib ko.
Natatakot ako na baka marinig niya iyon...
Napalunok na lang ako ng halos magdikit na ang mukha namin sa isang pose na kasama sa sayaw. Pinigilan kung makagawa ng ikakapahiya ko sa harapan niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito pero parang may kusang isip ko at sumasayaw na lang mag-isa. Ang isip ko nasa malayong kung saan at marami ang iniisip.
Napapikit naman ako at pagmulat ay nakatingin pa rin si Alladin sa akin. Hindi niya na talaga inaaalis iyon mula kanina pati na rin ang malalapad na ngiti sa mga labi niya na sobrang sarap titigan pero natatakot ako na baka mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang kanta at siya namang pagpasok ulit ni Mommy na may dalang pagkain.
Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag sa ilang mga sandali. Mabuti at hindi ako tinukso ni Mommy. Siguro ay mamaya pa. Marami itong itinatanong kay Alladin. Binusy ko lang naman ang sarili ko sa pagkain para makalimotan ang mga nasaisip ko at ang kaba ko.
Pero agad ring bumalik lahat ng iyon ng umalis na si Mommy at nakapagpahinga na kami ng matagal. Ibigsabihin ay balik ba sa sayaw ulit. Napalunok na lang ako ng magdikit ang mga palad naming dalawa. Parang may milyong-milyong kuryente na dumadaloy doon.
Iyong mga titig niya ay masyado akong pinapakaba. Para bang kakainin niya ako ng buhay. Iyong mga ngiti niya naman ay pinapakaba talaga ako ng bonggang-bongga.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Waaaaaah!
"Kanina ka pa mukhang hindi komportable. May problema ba?" Tanong niya. Agad naman akong umiling saka umikot.
"W-Wala. Wala. May iniisip lang ako hehe. Ayos lang ako. Wala akong problema. Promise hehe." Mabilis na sagot ko at yumakap sa kaniya at sumabay sa galaw niya.
"Good then. Akala ko may problema ka. I'm glad that wala naman pala." Sagot niya at ngumiti na naman ng sobrang tamis. Para akong aatakihin sa puso.
"Hehe." Iyon lang ang lumabas sa mga labi ko at nanatili lang naman siya g nakangiti at inikot ako ulit.
Nanatili naman kaming tahimik pagkatapos nun. Bumalik na naman kami sa titigang dalawa habang sumasayaw.
Halos wala na kaming mali at tama lahat ang timing ng galaw namin. Ang bilis niyang matuto. Mas magaling pa nga ata siya kesa sa akin ngayon.
"I think I like you, Von..."
Nanindig ang balahibo ko at sumikdo ang puso ko ng marinig iyon. Parang tumigil bigla ang oras at tanging siya lang ang nakikita ko...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...