29

45 3 0
                                    

Ilang oras pa ang lumipas at narating na namin ang isla na tinutukoy ni Alladin. Andito kami ngayon sa Palawan at isa sa mga Isla rito ay ang siyang kinaruruunan namin ngayon.

"Dito tayo manananatili?" Masayang tanong ko kay Alladin.

"Oo. Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong nito kaya agad naman akong tumango habang may masayang ngiti sa labi.

"Dumeritso na tayo sa resort." Aya niya kaya tumango naman ako. Dala niya ang isang bag. Habang ang kasama namin kanina na siyang nagmamaneho ng bangkang sinasakyan ay tumulong sa amin sa pagbubuhat ng mga bagahe.

Pagpasok ay agad na may ibinigay kay Alladin ang babae sa front desk. "Kilala mo ba ang mga tao dito?" Tanong ko. Napapansin ko na mababait ang mga tao rito sa amin at mukhang welcome na welcome kami.

"Tito ko ang may-ari ng resort na ito. Nasabi ko na pupunta ako kaya nakapaghanda na sila." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.

"Kaya pala parang welcome na welcome tayo rito." Saad ko habang nililibot ng paningin ang lugar.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa floor kung saan kami mag-si-stay ni Alladin. Magkatabi lang ang kwarto naming dalawa. Ibinigay niya sa akin ang key card kaya pumasok na ako at ako na rin ang magpapasok ng mga bagahe ko na dala ni Mang Kanor. Siya iyong driver ng bangka kanina.

"Maraming salamat po sa pagtulong niyo sa amin, Mang Kanor." Pasasalamat ko.

"Walang ano man, Iha. Minsan lang kung pumunta rito si Alladin kaya natutuwa akong tumulong kapag nandito siya."

"Ang bait niyo naman po." Nagagalak na sabi ko. Binigyan lang naman ako nito ng ngiti bago tuluyang nagpaalam sa akin at bumaba na dahil may gagawin pa raw ito.

Ipinasok ko na ng tuluyan sa loob ng kwarto ang mga dala kung bagahe saka sandaling nahiga sa kama.

"Pagod ka na ba?"

Napaupo naman ako at nakita si Alladin na nakapagpalit na ng damit. Nakasuot ito ng floral shirt at itim na short st khaki na sombrero. May sunglasses din ito na nakasabit sa bulsa na nasa dibdib ng shirt niya. Naka-suot na rin ito ng tsinelas.

"Magbibihis lang ako." Saad ko at agad na tumayo.

"Hihintayin na lang kita sa labas ng kwarto mo." Saad niya kaya tumango naman ako at agad na naghanap ng damit na susuotin.

Pero napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga damit na nasa bagahe ko. Si Mommy talaga...

Iyong manipis na kulay pulang dress na straight  at may maliit na strap ang napili kung suotin. Komportable naman kasi at mahaba though manipis.

Nang masuot ko ay medyo hapit sa katawan ko at lumalabas ang kurba ng katawan ko pero hindi naman siya masikip kaya walang problema.

Matapos na makapagpalit ay mas pinili ko na lang na ilugay ang buhok ko. Saka kinuha ang sunglasses at inilagay muna sa buhok.

Hinubad ko na ang sapatos na suot saka pinalitan ng tsinelas. May limang bago pa na tsinelas sa gilid ng kabinet. Iba-iba ang design pero mas pinili ko iyong itim na may SpongeBob na design. Ang cute lang.

Lumabas na ako at nakagat na lang ang pang-ibabang labi ng makita ang paghanga sa mga mata ni Alladin habang nakatingin sa akin. "Ang... ganda mo talaga, Von."

"Salamat. Tara na, bumaba na tayo." Excited na saad ko at humawak sa braso niya.

"Komportable ka ba sa damit mo?" Tanong niya kaya agad naman akong tumango.

"Bagay ba sa akin?"

"Oo. Sobra." Sagot niya kaya mas lalo namang lumapad ang ngiti ko.

Ang saya ko dahil sa papuri niya hehe.

Ilang sandali ay nakarating naman kami sa baba. Nabuhay ang matinding saya sa pagkatao ko dahil nakakalabas na ako ngayon na walang mask. Ayos lang naman iyon dahil andito naman kami sa malayo. Maraming pumupunta na artista at mga kilalang tao rito kaya malabo na may makapansin o makakilala sa akin. Kung meron man ay iilan lang. Lalo na at busy ang mga tao sa pag-e-enjoy.

Ang puti-puti ng buhangin. I miss to see white sands and oceans.

"Ang ganda rito, Alladin!" Masayang saad ko habang tumatakbo sa buhangin.

"At mas lalo mong dinadagdagan ang ganda ng lugar." Nakangiting saad niya kaya humalakhak na lang ako at lumapit sa kaniya at hinila siya papunta sa dagat.

"Salamat sa pagdala sa akin dito, Alladin. Ang saya-saya ko talaga." Halos wala ng mapaglagyan ng saya ko ngayon. Ang saya-saya ko talaga.

"At salamat din dahil sumama ka sa akin ngayon dito, Von." Nagulat na lang ako nang bigla niya na lang akong hinigit at niyakap. Pero napangiti na lang din ako kinalaunan at yumakap din pabalik sa kaniya.

This is the best.

"Magkasama nating e-enjoy ang Palawan, hm?" Nagtaas naman ako ng tingin sa kaniya saka tumango.

"Hm." Sagot ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan na kaming naghiwalay pero naiwan pa ring magkahawak ang mga kamay naming dalawa habang nakatingin sa karagatan.

"Gusto ko na lang na parating nandito. Malaya at hindi ko kailangang magtago sa mga tao. Hindi ako kailangang matakot na makilala ng iba." Saad ko habang may nakaukit pa rin na ngiti sa labi.

"Puwede naman tayong pumunta dito kapag may bakanteng oras tayo pareho." Suhestiyon niya.

"Hm. Gawin natin 'yon." Pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Gusto kitang kunan ng larawan, Von. Puwede ba?"

"Hala, sige! Kukunan mo'ko tapos kukunan din kita. Tapos magpa-picture tayo sa taong dadaan." Excited na saad ko. Natawa na lang sa akin si Alladin dahil para akong bata na sayang-saya.

Una ako nitong kinunanan ng litrato habang tinuturuan kung anong pose ang gagawin. Ang gaganda ng kuha ni Alladin sa akin kaya todo effort naman ako sa pagkuha ng magagandang litrato sa kaniya.

May dumaang isang tao sa gawi namin kaya nagpakuha naman kami sa kaniya sandali ng litrato. Mabuti na lang at pumayag naman ito kaya may kuha kami na magkasama ni Alladin.

Enenjoy pa namin ang mga oras sa labas. Naglalaro sa buhanginan at nagtatampisaw sa dagat. Ginawa namin iyon ng magkasama.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon