At sem break na nga! Hooray! Halos nasa tatlong araw na rin na nagsimula ang sem break at sa tatlong araw na iyon ay nakakatulog na ako ng maayos at nakakain ng maayos. Hindi sa hindi ako nakakakain sa school pero iba pa rin kapag nasa bahay lang ako. Hindi ko na kailangang magsuot ng mask o magtago kapag andito ako. At sa tatlong araw na iyon ay palaging bumibisita si Alladin dito sa amin. Ang dami naming ginagawa na lubos ko namang ikinakasaya. Enjoy lang kapag siya ang kasama ko eh.
Pababa na ako ngayon para pumunta sa kusina. 10:00 am na ata ako nagising kanina. Napasarap na naman ang tulog ko dahil sa lamig ng panahon. Pero nasa hagdan pa lang ako ay amoy ko na ang masarap na niluluto sa kusina. Dali-dali naman akong bumaba para tingnan kung ano ang niluluto ni Mommy pero nagulat na lang ako ng makita ang kasama niya. "Alladin? Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi mo'ko ginising na dumating ka na pala." Dumeritso na ako sa kinaruruunan nilang dalawa.
"Nag-bake kami ni Tita. Tinuruan niya ako. Pft. Ang lalim-lalim ng tulog mo eh. Kaya nahiya naman akong gisingin ka kaya pumunta na lang ako dito." Sagot nito at ginulo ang buhok ko kaya napanguso naman ako at inayos ang buhok ko.
"Ano ba 'yang binake niyo? Baka mamaya mala-demonyo ang lasa niyan ah." Saad ko at kumuha ng isang cupcake na nasa plato. Agad namang pinitik ng mahina ni Alladin ang kamay ko kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. "Gusto ko lang kumain eh."
"Hindi ka pa nag-uumagahan at nagtatanghalian, Von. Huwag iyong matamis ang unahin mo." Pangangaral niya pa sa akin.
Narinig ko namang natawa si Mommy kaya napunta naman ang tingin ko sa kaniya. "Ang cute niyong tingnan na dalawa. Oh siya, maiwan ko na kayong dalawa diyan. Kumain na kayo." Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na nga siya.
"Tara at kumain na tayo. Siguradong gutom na 'yang mga bulate mo." Aya ni Alladin at hinigit ako papunta sa hapagkainan. Hinayaan ko lang naman siya dahil nagugutom na nga naman ako. Nang tuluyang makarating sa hapagkainan ay siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya napatitig naman ako sa kaniya.
"Bagay sa'yong maging house husband." Saad ko kaya natawa naman ito.
"Hindi rin."
"Oo nga naman. Mas bagay sa'yong maging husband ko, no?" Tanong ko pa ulit. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng ilang sandali bago sabay na natawa.
"Ang pangit mong magbiro. Kumain ka na nga lang. Gutom lang 'yan." Napapailing pa ito at naupo na rin sa tabi ko. Tango lang ang ibinigay ko na sagot at hinawakan na ang kutsara at tinidor ko at nagsimula ng kumain. Kahit tanghali na ay nilagyan niya pa rin ako ng hotdog at itlog sa pinggan. Habang sa bowl na nasa gilid ko naman ay nilagang karne.
"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ko sa kaniya matapos lunukin ang pagkaing nasa bibig.
"Hm. Naabotan ko pa nga si Tito kanina eh." Napangiwi na lang ako sa sagot nito na ikinatawa niya naman. Siguro ay eight or nine pa lang ay nandito na siya kanina.
"Baka magalit ang parents mo niyan. Hindi ka na tumatagal sa bahay niyo imbis na dito ka na parating tumatambay." Sabi ko naman at kumagat sa natuhog na hotdog.
"Sila pa nga ang nagsasabing lumabas daw ako at hindi iyong palagi lang akong nasa bahay. Siguro ay napapangitan na sila sa akin kaya tinataboy na nila ako."
"Hm." Iyon lang ang nasabi ko dahil punong-puno ang bunganga ko ng pagkain. Hindi naman kami ulit nakapag-usap ng ilang sandali dahil masyado ng natutok ang atensiyon ko sa pagkain ko. Ang sarap nung friend chicken na ipares sa sabaw ng nilaga. The best. Dalawang beses akong naglagay ng kanin sa plato ko dahil ang sarap ng ulam. Kaya nung matapos kumain ay busog na busog ako. Tinawanan lang naman ako ni Alladin na siyang nagligpit ng pinagkainan namin at nang makabalik ay may dala na itong mga cupcakes at crinkles. "Busog pa ako." Nakangusong saad ko. Pero nagulat naman ako ng dumukwang ito at pinahiran ang bibig ko gamit nag sarili ko ring table napkin.
"Mamaya mo na lang kainin. Ilalagay ko na lang muna sa ref." Nakangiting saad nito at lumayo at dinala ang mga pagkaing dala kanina at inilagay na iyon sa ref.
"Lumakas ang kabog ng puso ko dun ah." Mahinang saad ko pero agad din na napangiwi ng maalala ang tiyan ko na ngayon ay busog na busog. Hindi ako makagalaw dahil sa labis na kabusugan ko. Nanatili pa ako ng halos ilang sandali sa inuupuan ko bago tuluyang tumayo at pumunta sa salas. Tinulungan pa rin ako ni Alladin sa paglalakad kahit na umayos na ang pakiramdam ko. Nang makarating sa salas ay agad naman kaming nanood ng palabas. Iyon ang palagi naming ginagawa dito. Minsan ay nakakatulugan na nga naming dalawa iyon.
Action movie ang pinapanood naming dalawa. May hawak-hawak itong bowl ng popcorn kaya hindi ko naman napigilan ang sarili ko at nagsimula rin na kumuha at kumain. Barbecue flavor ang popcorn kaya mas lalo naman akong ginanahan sa pagkain nun lalo na at mahilig ako sa flavor na iyon pagdating sa popcorn.
Natawa na lang sa akin si Alladin ng maubos ko ang laman ng bowl kahit hindi pa man din natatapos ang movie. "Nagutom ulit ako eh." Nakangusong saad ko.
"Wala naman akong sinasabi ah?" Natatawang sabi niya pa habang nakatingin sa akin.
"Pinapangunahan lang kita." Saad ko at inihiga ang ulo sa balikat niya at nagpatuloy na sa panonood sa palabas. "Gala tayo mamaya." Aya ko sa kaniya.
"Saan mo gusto?"
"Kahit saan basta may pagkain."
"Sige. Punta tayo mall mamaya at bibili tayo ng maraming pagkain."
"Hm." Iyon lang ang naging sagot ko at ipinikit ang mga mata. Hindi ako inaantok. Gusto ko lang talagang ipikit ang mga mata ko. Halos nanatili lang akong gano'n ng ilang minuto. Pero natigilan naman ako sa balak na pagmulat ng marinig ang sinabi nito.
"I like you, Von."
Imbis na magmulat ay nanatili na lang akong nakapikit at hindi gumagalaw. Ina-analyze ang sinabi nito.
Sinabi niya rin iyon dati pero hindi ko rin nasagot.
Dapat ko bang sagutin ang sinabi nito ngayon? Handa na ba ako? Anong isasagot ko?
Siguro ay hindi pa ngayon ang panahon para sagutin ko ang mga salitang iyon...
Pasensiya na Alladin. Kunting tiis pa. Kunting-kunti pa...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Genç KurguYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...