"Von!" Tawag ni Alladin sa akin na ngayon ay nasa labas na ng pinto at kumakaway habang nakangiti. Agad naman akong tumango saka inayos ang gamit ko saka na isinuot ang bag ko at lumapit sa kaniya. "Tara na?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Sigurado ka bang sayo na ako sasakay?" Tanong ko sa kaniya. Napag-isipan namin kasi kanina na sumakay na lang sa kaniya dahil may kotse siyang dala.
"Oo nga. At para madali rin tayo at maraming oras ang maigugol namin sa practice. Kahit kasi minsan loko ako pero ayaw ko talagang bumaba ang grades ko." Saad niya.
"Ako din. Sige, sabay na lang ako. Hehe makakalibre na naman ako." Saad ko kaya natawa naman siya.
Ang sasama ng tingin ng mga babaeng nadadaanan namin sa akin. Pero pinagsawalang bahala ko naman iyon at itinutok lang ang paningin sa daan.
Dahil nasa parking lot 'yung kotse niya ay sa gilid kami doon sa mahabang hallway papunta doon. Hindi kami dumaan sa gitna ng Oval dahil dederitso iyon sa gate.
"Magkasama na naman kayong dalawa?" Parang naaasimang tanong ni Alladin habang nakatingin sa dalawang papunta na rin sa sasakyan nila. Base sa unifroms nila ay under TVL sila, SMAW.
"Wala kang pakialam." Saad ng lalaki at dinilaan pa si Alladin.
"Sino 'yang kasama mo?" Tanong nung isang babae na maikli ang buhok.
Peach Demonteverde...
Anak siya ni Dean kaya kilala ko.
"Si Yvonne... Kaibigan ko." Saad ni Alladin.
"Kaibigan, huh?" Nakangising tanong ni Peach habang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat naman ako. Nakilala ko siya dati pero hindi naman kami masyadong nag-uusap.
"O-Oo nga! Ito ang dumi talaga ng utak! Umalis na nga kayong dalawa. Kaibigan daw pero naging magjowa!" Singhal rin ni Alladin dun sa dalawa na ngumisi lang saka nagkibit-balikat at sumakay sa kaniya-kaniya nilang sasakyan.
"Magiging ganun din kayo, tanga!" Sigaw ni Peach saka pinaharurot ang kotse niya at sinundan naman nung lalaki.
"Huwag mo na lang pansinin 'yun, Von. Iniinis lang talaga ako ng tomboy na 'yun. Tara na." Binuksan niya ang pinto kaya sumakay naman ako.
"Salamat." Saad ko saka umayos ng upo. Lumigid naman ito papunta sa driver seat saka naupo na rin doon saka pinaandar na ang kotse.
"Ano kaya kung bumili muna tayo ng pagkain? Nakakahiya namang wala akong dala." Saad niya habang nasa biyahe kami.
"Pft. Madaming pagkain sa bahay. Tsaka ayos lang 'yun. Relax ka lang." Natatawang saad ko saka napapatingin sa labas sa mga kotse. Ang ganda tingnan ng iba't-ibang klase ng kotse. Nakakaaliw.
Itinuturo ko sa kaniya ang daan papunta sa bahay namin dahil nga unang beses pa lang nitong makakapunta doon. Mahigit sa labing limang mimuto ay nakaabot na kami doon. Papasok sa sa village ang bahay namin at itinigil pa kami ng guard sandali pero ng makitang ako ang kasama ni Alladin ay agad rin kaming pinapasok.
"Wow! Ang ganda ng bahay niyo..." Namamanghang saad niya kaya humagikhik lang naman ako.
"Salamat. Pft. Parang 'yung bahay niyo hindi maganda, ah? Siguro maganda rin 'yun." Saad ko.
"Maganda rin naman pero ibang klase itong bahay niyo. Masyadong maganda." Namamanghang saad niya pa rin. Hinayaan ko na lang at pumasok sa gate ng pagbuksan kami ng guard na halatang nagulat dahil may kasama ako.
Hindi ako madalas magdala ng bisita dito at wala naman akong dadalhin eh. Kapag may mga group o hindi kaya ay pair pair sa school lang namin ginagawa 'yun kapag madali lang at minsan naman ay sa ibang lugar.
"Mom! Dad! I'm home." Sigaw ko pagkapasok sa bahay. Senenyasan kung maupo muna si Alladin at kukuha lang ako ng maiinom. Pagpasok sa kusina ay nakita ko naman si Mommy na kakakuha lang ng cookies mula sa oven.
"Andito ka na pala, baby. Tamang-tama at luto na 'tong cookies." Nakangiting saad niya. Humalik naman ako sa pisngi niya saka kumuha ng juice.
"May kasama po ako, Mom. Si Alladin... 'yung kinukwento ko sa inyo na kaibigan ko. May performance kasi kami sa music at siya 'yung pair ko. Napag-isipan ko na dito na lang kami magpractice dahil may kwarto naman tayo kung saan pwedeng sumayaw." Saad ko.
"Talaga? Nasaan na siya? Tara, puntahan natin." Excited na saad ni Mommy.
"Andoon po sa living room." Sagot ko saka kumuha rin ng baso.
"Oh sige, tara doon. Gusto kung makita siya, baby. Yaya pakidala naman ho ng cookies sa living room, please. Thank you." Saad ni Mommy at pumunta na kami sa living room.
Agad namang tumayo si Alladin ng makita si Mommy. Halatang nahihiya siya kaya humagikhik naman ako.
"Magandang hapon po, Tita." Bati niya.
"Hala! Kay gwapong bata pala nitong kaibigan mo, baby. You're Alladin, right? Kaya pala gwapo 'yung pangalan kasi gwapo rin 'yung may-ari." Humahangang saad ni Mommy kaya lalo namang nahiya si Alladin.
"S-Salamat po, Tita..."
"Who is our guest rightnow?" Boses ni Daddy kaya lumapit ako sa kaniya saka humalik din.
"Si Alladin po, Dad. 'Yung kinukwento kung kaibigan ko." Saad ko.
"Oh... Siya ba 'yun?" Pabulong na tanong pa ni Daddy kaya tumango naman ako.
"M-Magandang hapon po, Tito..."
"Magandang hapon rin. Maupo ka." Bati ni Dad saka senenyasan siyang maupo. Naupo na rin si Dad at Mom sa kabilang sofa habang ako naman ay binigyan sila ng juice saka naupo na rin. "May gagawin ba kayo rito kaya ka nandito, Iho?" Tanong ni Daddy at tumango naman siya.
"Opo. Napag-isipan namin ni Von na dito na lang po magpractice para sa performance namin... kung ayos lang ho?" Humagikhik naman ako at sinabihan siya na inomin ang juice.
"Walang problema iyon sa amin. Masaya nga kami at may dinalang kaibigan itong anak namin dito. Alam mo na... Dahil sa sitwasyon niya ay iilang tao lang ang nakakilala at nakakasama niya." Saad ni Daady.
"Sabi sayo eh." Saad ko saka binigyan siya ng cookies kaya tinanggap niya naman iyon. "Gagamitin po namin 'yung room doon sa taas. 'Yung nay malaking salamin po sa harapan. Kung po nagyoyoga si Mommy." Saad ko saka kumagat sa cookies ko.
"Oh sige. Maayos at malinis naman na ang room na iyon kaya pwede niyo ng gamitin." Saad ni Mom.
Nagpatuloy pa muna nag kwentuhan namin habang nagmemeryenda dahil hindi tinantanan ng parents ko kakatanong si Alladin. Ganiyan sila eh. Kapag kaibigan ko ay kaibigan rin nila hehe.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...