Tumaas naman ang dalawang kamay nito na para bang sinasabi na huwag kung itutuloy kaya naibaba ko naman ang kamay ko at agad na kinuha sa kaniya ang mask ko saka sinuot iyon dahil baka may ibang tao pang nakakita sa akin. "Why did you do that?!" Galit na tanong ko sa kaniya.
"I-I w-was curious..."
"Curiosity will kill you, idiot!" Singhal ko sa kaniya.
"Trinity Zero..."
"Dammit! Shut your mouth, stupid!" Singhal ko sa kaniya kaya natabonan naman nito ang sariling labi.
Damn this!
Kahapon lang ako sinabihan tapos ito at dumating agad! May nakakilala agad sa'kin. Tsk!
"Who are you?" Kalmadong tanong ko. Wala magagawa ang galit at inis ko. Baka mamaya ay mabasag ko pa ang spinal cord ng lalaking 'to.
"A-Alladin..."
"Ikaw rin ang nag-utos sa mga babae kanina, tama ba?" Tanong ko at tumango naman ito.
Napabuntong-hininga naman ako saka tumingin ng deritso sa kaniya. "Pagkatapos ng klase mo ay puntahan mo'ko sa bio lab. Subukan mong ipagsabi ang nakita mo----"
"Hindi. Hindi ko ipagsasabi..." Agad na pigil nito sa akin.
"Good. Now, just act like you didn't see anything. We'll talk later." Saad ko saka nauna ng umalis at napahilot na lang sa leeg ko saka bumuntong-hininga pa.
Dumeritso na ako sa bio lab at nakita ko namang nakataas na ang kilay ni Mrs. Deilo sa akin ng makapasok ako. "Where have you been?"
"Diyan lang." Sagot ko.
"Bawal ang late sa klase ko, Ms. Trinity." Striktang saad nito.
"Nagsimula ka na ba?" Tanong ko.
"Hindi pa. Magsisimula---"
"Hindi pa naman pala eh. Bakit kayo tanong ng tanong?" Tanong ko. Natigilan naman ito at balak pa sanang sumagot pero mas pinili na lang na magsimula.
Nakinig naman ako ng maayos kahit na nakakunot pa rin ang noo ko. Alam kung tatanongin ako ng teacher ng sunod-sunod lalo na at napahiya ito kanina. At hindi nga ako nagkamali dahil sunod-sunod itong nagtanong habang pinapagawa sa akin ang performance. Sinagot ko naman lahat iyon dahilan para hindi ako nito mapamantisan.
Nagpatuloy ito sa pagtuturo at nagpatuloy rin ako sa pakikinig. Masyadong mainit talaga ang dugo niya sa'kin mula pa noon at maraming sinasabi na kung ano-ano. Nakakasawa. Pero kahit ganoon ay hindi naman nito sinasabi kung sino talaga ako kaya nagpapasalamat rin ako kahit papaano.
Nang matapos ang klase namin sa kaniya ay agad na akong tumayo pero agad ring narinig ang mga maiingay na babae at ng tingnan ay si Alladin 'yung tinitilian nila na nasa gilid na ng pinto at nahihiyang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako saka umalis na doon at tuluyan ng lumabas at agad naman itong sumunod sa sa'kin.
"We're going to the cafeteria first." Saad ko saka tumigil sa paglalakad at napatingin sa kaniya na nasa likod ko lang.
"A-Ah oo..." Iyon lang ang nasabi niya.
"What are doing there? You're not my tail so don't go behind me. Dito ka." Turo ko sa tabi ko kaya nanlaki naman ang mata nita pero agad ring sumunod.
Nakita ko naman ang mga babaeng sumusunod sa amin. Paniguradong si Alladin ang sinusundan. Napabuntong-
hininga na lang ako at hinayaan na lang saka nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating na sa cafeteria. Tatlong waffles at pack ng juice ang binili ko. Bumili rin ng makakain 'yung kasama ko kaya hinintay ko naman. Saka dumeritso na kami sa rooftop kung saan ako tumatambay.Naupo ako sa silya at ibinigay naman sa kaniya ang isa pa. Nang makitang wala namang tao ay saka ko na hinubad ang mask ko at nakangiting binuksan ang isang waffles ko at kumagat doon at nakatingin sa kasama ko na ngayon ay bahagyang nakabuka ang bibig habang nakatingin sa akin.
"So behind that mask..."
"Artista? Gold medalist? Tsk! You don't have to say that. Nakakaumay pakinggan." Nakangusong saad ko saka nginuya ang waffles na nasa bibig at lalong napangiti dahil sa lasa niyon. Inosenteng napatingin naman ako sa kaniya at nakatitig ito sa akin. "By the way..." Saad ko saka nilunok ang kinakain. "What you did was too rude, Alladin. I can sue you." Dagdag ko pa.
"I'm sorry... I'm just curious about you. You are the first girl who never look at me. Never even know my presence. You just walked by like I'm a air." Napapalunok na saad nito. "Now, I know why..."
"Sanasabi ko sayo, ipapahamak ka talaga ng curiosity na 'yan." Naiiling na saad ko.
"P-Pero hindi naman ako napahamak..."
"Tsk. Dahil mabait naman ako ay hindi kita kakasuhan dahil sa ginawa mo. Pero may mga ibibigay ako na batas dahil sa ginawa mo." Saad ko saka bumuntong-hininga. "Unang-una, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino kung sino talaga ako. Kahit kanino, ah? Kahit sa mismong pamilya mo pa. Pangalawa, Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo dahil sa susunod ay babaliin ko na talaga ang buto mo. Pangatlo, stay by my side." Pagbibigay ko ng mga batas saka nagpatuloy sa pagkain.
"S-Stay by your side?" Tanong niya.
"Yeah. Para masigurado ko na hindi ka gagawa ng kung ano mang hindi maganda. Kapag nagkataon ay mababali ko agad ang leeg mo at hindi ka na makakapagsalita pa." Nakangiting saad ko.
"B-Babaliin mo ang leeg ko?" Nagugulat na tanong niya.
"Hehe joke lang. Syempre dapat lalamunan mo lang muna para hindi ka mamatay." Saad ko kaya nasamid naman ito at napaubo-ubo kaya agad naman akong nag-alala at hinagod-hagod ang likod niya. "Ayos ka lang?" Tanong ko.
"A-Ayos lang ako." Saad nito kaya nakahinga naman ako ng maluwag. "P-Pero hindi talaga ako makapaniwala... Andito sa harapan ko ngayon ang isa sa pinakakilalang tao sa Pilipinas." Napangiwi naman ako dahil parang ang pangit pakinggan.
"Ayaw ko talaga ng mga ganiyang tawag. Tawagin mo na lang akong Von or Yvonne para mas sanay ako." Saad ko.
"P-Pwede kung gawin 'yun?" Gulat na tanong niya.
"Oo naman. Sinabi ko na nga, diba?" Natatawang saad ko saka nagbukas ulit ng waffles at kumagat. Ngumuya ng nguya at agad nalunok iyon ng may maalala. "Bakit ka nga pala palaging napapalibotan ng mga babae, Alladin?" Ako naman ang na-curious.
"Ewan ko rin. Basta palagi na lang silang nakasunod sa akin." Saad niya naman kaya napatango-tango naman ako.
"I will background check you." Saad ko kaya napaubo na naman ito ulit kaya napangiwi na lang ako.
"You what?" Tanong niya.
"I will background check you, I said."
"Bakit?" Tanong niya pa ulit.
"Para makilala kita." Nagkibit-balikat ako saka kumain na ulit.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Novela JuvenilYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...