20

52 6 0
                                    

Mataas ang nakuha kung grado dahil sa performance namin ng nakaraan, iyong sa sayaw. Sa amin napunta ang pinakamataas na score at sumunod naman ang number twelve na pares.

Proud na proud sila Mommy sa akin at masayang-masaya naman ako dahil doon. Gustong-gusto kung napapasaya sila.

Kasalukuyan kaming gumagawa ng three hundred word essay ngayon. Madali lang naman iyon dahil magaling akong gumawa ng mga essay, kaya ko nga napili ang HUMMS. Para hindi ako mahirapan masyado hehe. Though... Mahirap din naman sa HUMMS pero ewan basta enjoy ko naman ang stay ko at isa pa, paghihirapan mo naman talaga ang mga bagay-bagay para makuha ko.

Nang matapos ay agad akong tumayo at napahikab pa sandali bago maglakad papunta sa harapan. "You can go now, Miss Trinity." Saad nito kaya tumango naman ako saka na bumalik sa upuan ko at inayos na ang mga gamit ko at nilagay sa ilalim ng desk kung saan may lalagyan ng mga gamit. Nang matapos ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas at napahikab ulit.

"Puntahan ko kaya siya? Tutal ay ako naman ang naunang matapos ngayon?" Mahinang saad ko habang naglalakad. Hindi ko siya nakasama kanina, hindi niya ako nasundo sa bahay. Siguro nalate ng gising.

Naglakad naman ako papunta sa room nila at halos ilang minuto rin bago ako tuluyang makarating. Sumilip naman ako mula sa bintana at hinanap siya. "Looking for someone, Miss Trinity?" Biglang tanong ng teacher na nasa harapan ko at sumilip din sa akin mula sa loob.

"I'm looking for Alladin, Miss." Sagot ko.

"Oh, he's in the clinic rightnow. May lagnat kaya pinagpahinga ko muna." Saad nito kaya agad naman akong umayos ng tayo at umalis.

"Thank you and goodbye, Miss." Saad ko at agad ng tumakbo papunta sa clinic. Medyo malapit lang naman kaya ilang minuto lang ay nakarating din ako.

Habol-habol ang hininga pumunta sa desk ng nurse na naka-assign. "Where's Alladin?"

"Bed 04." Sagot niya kaya agad naman akong pumunta doon at inusog ang kurtina papunta sa gilid dahilan para tumambad sa paningin ko si Alladin na nakahiga sa kama.

"Oh, bakit ka nandito?" Nagugulat na tanong niya at balak na tumayo pero pinigilan ko naman siya.

"Diyan ka lang. May lagnat ka tapos hindi mo sinabi sa akin. Kutusan kita diyan eh." Pagbabanta ko sa kaniya kaya ngumuso naman ito at niyakap ang tiyan ko.

"Ito galit agad. Pasensiya na, okay? Huwag ka ng magalit sa akin." Saad niya saka ngumiti kaya piningot ko naman ang ilong niya.

"Sana hindi ka na pumasok kung masama ang pakiramdam mo. Baka lumala pa 'yang lagnat mo eh. Ang init-init mo." Saad ko saka naupo sa tabi niya at hinubad muna ang bag.

"Magiging ayos na ako. Andito ka na eh." Tinaasan ko lang siya ng kilay saka piningot ang ilong at pinahiga.

"Nakainom ka na ba ng gamot?" Tanong ko at tumango naman siya saka yinakap ang braso ko.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Pinuntahan kita sa room mo pero sabi ng Miss ay andito ka kaya dumeritso naman ako agad dito."

"Naglakad ka?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Malay ko ba baka nilangoy mo papunta dito." Natawa na lang ako sa sinabi niya at napailing.

"May sakit ka na nga pero ang dami mo pa ring alam."

"Syempre naman."

"Tsh. Pahinga ka na lang diyan. Bibili ako ng pagkain para sa ating dalawa---"

"Sabay tayo. Maayos na ang pakiramdam ko." Biglang saad nito at tumayo.

"Hoy! Baka mapano ka niyan. Bumalik ka na sa pagkakahiga." Sita ko sa kaniya.

"Ayaw. Tara na kasi. Maayos na talaga ako, promise." Aya nito at hinigit ako papalabas.

Ang tigas-tigas ng ulo!

"Kapag ikaw nawalan ng malay hindi talaga kita tutulungan. Sinabi na kasing magpahinga ka eh. Ang hard ng ulo mo."

"Hard din naman ang ulo mo, ah?"

"Pero mas hard 'yung sayo."

"Keep it down." Sita sa amin ng isang teacher na nadaanan kaya natahimik naman kami at agad na dumeritso sa cafeteria.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Ako mag-oorder. Dito ka lang. Sisipain talaga kita kapag tumayo ka diyan." Banta ko sa kaniya kaya nabitin naman ang pagtayo niya.

Dumeritso na ako sa harapan dahil wala pang nakapila at bumili ng pagkain na para sa amin ni Alladin. Veges sandwich, avocado shake, chicken soup at carbonara ang binili ko. Nakalagay sa sliver tray kaya hindi ako nahirapan sa pagdadala.

"Kain ka ng madami. Ubusin mo 'yang soup mo, ah." Saad ko at nilagay sa mesa ang mga pagkain at itinabi ang tray.

"Opo, Nay." Natatawang saad nito saka humigop sa soup na binili ko at napatango-tango.
"Ang sarap nito." Saad niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Natigilan naman ito saka agad na napakamot ng ulo. "S-Sorry, Von. Tara, doon tayo sa tambayan natin." Aya niya at tumigil sa pagkain pero umiling lang ako.

"Nagpatuloy ka na lang diyan sa pagkain. Kaya kung gawan ng paraan sarili ko. Wala pa namang masyadong tao." Saad ko at kumuha ng manipis na libro at itinabon sa mukha ko saka yumuko ng bahagya at hinubad nag mask na suot.

"Ayos ka lang ba? Pwede tayong umalis dito." Suhestiyon pa niya.

"Ayos lang ako dito." Saad ko saka binuksan ang pack ng carbonara at nagsimulang kumain. Mabilis lang ang pagkain ko dahil baka mamaya ay magsidatingan na ang ibang estudyante. Matapos maubos ang carbonara ay sandwich naman ang kinain ko habang iniinom ang shake ko.

Nang mabusog ay agad naman akong uminom ng tubig at saka nagpahid ng bibig at isinuot na ulit ang mask. Napadighay pa ako na ikinatawa na lang ni Alladin na tapos na rin palang kumain.

Nanatili lang kami pareho sa cafeteria at nagsuot din ito ng mask. Baliw rin talaga eh. Iyong ibang estudyante ay halatang nagulat nang makita kami lalo na ako pero hindi ko na masyadong binigyan pa ng pansin. Nag-usap lang kami ni Alladin habang nananatili doon. Tiningnan ko rin ang temperatura niya at bumaha naman na kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon