"Alis na ako, Mom." Paalam ko at agad na lumabas ng bahay at nagsalpak ng earphones sa isang tenga at lumabas na sa gate pero natigilan din ako nang bigla na lang may yumakap sa akin. Agad na nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pabango.
"Are you okay? Maayos ka lang ba? Narinig ko ang nangyari sayo. I'm sorry hindi kita natulungan. I'm worried about you." Hinarap ako nito at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
"A-Ayos lang ako." Sagot ko. Niyakap naman ako nito ulit ng sobrang higpit ng ilang pangs sandali.
"That girl is really insane." Naiiling na saad niya. Kinapa naman nito bigla ang pisngi ko mula sa labas ng mask. "Are you sure that you're okay?" Tanong niya pa kaya tumango naman ako habang hawak-hawak niya pa rin ang mukha ko.
"I'm fine." Sagot ko.
"Bakit ba kasi hindi ka agad pumunta sa akin?" Tanong niya.
"May kausap ka eh." Sagot ko.
Nakita ko naman siyang natigilan pero agad ring bumuntong-hininga. "Kahit pa. Mas importante ka kesa sa pinag-uusapan namin." Saad niya kaya ako naman ang natigilan.
Nagkatitigan naman muna kami sandali. Parehong nakatayo at hindi gumagalaw. Pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Napakurap-kurap naman ako ng bumalik ang mga pakiramdan ko sa katawan dahil sa malakas na tunog mula sa earphones ko. "But you're talking to your girlfriend. I think it's rude to interfere while you two is talking." Saad ko.
"I just want to correct you, Von. She is my ex girlfriend now." Saad niya kaya napatango na lang ako, lutang pa rin.
But you said that you still love her?
Gusto kung itanong iyon pero walang lumabas sa bibig ko. Parang hindi ako makapagsalita.
"Let's go? Baka malate tayo." Nakangiting saad niya at iginaya ako papasok sa kotse niya.
Ang nasa isip ko ay iiwasan niya na ako dahil bumalik na 'yung babaeng gusto niya.
Pero bakit naging ganito? He's acting normal and smiling happily every time he look at me.
"Nasa ospital at nagpapagaling si Haith habang ang dalawa niyang alalay naman ay suspended sa school. Nahuli sila sa cctv sa isang hallway na dala-dala ka papunta sa room ng DOMRAC kaya wala silang lusot." Saad niya kaya napabuntong-hininga naman ako at kinuha ang earphones sa tenga ko.
"I actually doesn't care. They just get what they deserve for being a bad one."
"Are sure that you are okay now?" Paninigurado niya kaya ngumiwi naman ako. Hinubad ko muna ang mask ko dahil nasa loob naman kami ng kotse at wala namang makakakita sa akin.
"Oo nga. Ito ang kulit-kulit." Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil alalang-alala talaga siya sa akin.
"Baka kasi hindi ka okay tapos nagpapanggap ka lang eh. Nag-aalala lang talaga ako sayo."
"Tss. Okay lang talaga ako, promise. Pero dahil hindi mo'ko naligtas sa kanila... dapat na ilibre mo ako ng masarap na pagkain." Sabi ko pa.
"Sige, deal. Ililibre kita ng madaming pagkain. Bubusogin kita hanggang sa mapuno 'yang tiyan mo."
"Pft. Sinabi mo 'yan, ah? Aasahan ko talaga 'yan. Susuntokin kita kapag hindi mo tinupad ang sinabi mo." Pagbabanta ko na ikinatawa na lang naming dalawa.
Maya-maya pa ay dumating na kami sa school kaya sinuot ko na ulit ang mask ko bago tuluyang bumaba. Pero nagulat ako ng bumaba si Alladin at nagsuot din ng mask at inakbayan ako. "Pares na tayo ngayon." Natawa na lang ako at mahinang sinuntok ang tiyan niya.
"Ang dami mo talagang nalalaman."
Tinawanan lang naman ako nito. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room ko. Nagpaalam na rin ito na aalis at pupunta sa room niya.
Dumeritso naman na ako sa upuan pero ang paningin ng mga kaklase ko ay nasa akin pa din. Siguro dahil kahapon...
Hinayaan ko na lang silang tingnan ako at hindi na binigyan pa ng madaming pansin. Nagsalpak agad ako ng earphones sa tenga ko at tumingin sa labas ng bintana na sa gilid lang. Wala pa naman ang teacher namin for first sub.
Kahit papaano ay masaya naman ako dahil hindi ako iniwasan ni Alladin na inaakala ko. Ayaw ko kasing iwasan niya ako. Ayaw kung hindi niya na ako kausapin. Ang lungkot nun eh.
Maya-maya ay dumating naman agad ang teacher namin kaya nakinig naman ako at itinago na ang headset ko at siyang inilabas naman ang notebook ko.
Sa ganoong paraan ko pinalipas ang oras para hindi ako makaramdam ng pagkabagot. May pa oral recitation pa kami pagkatapos ng discussion. Nakasagot naman ako ng maraming beses at mataas rin ang score na nakakuha sa quiz pagkatapos ng recitation.
Second sub naman ay ganoon din. Discussion at quiz din ang ibinigay ng teacher namin. May naisagot ako dahil nakikinig ako ng mabuti. Mataas din ang nakuha kung score kaya masaya ako.
Nang matapos ang klase ay tyempong narinig ko ang boses ni Alladin mula sa pintuan kaya agad naman akong napangiti at kinuha ang bag ko at agad na lumabas.
"Palagi ka talagang maaga na nakakarating dito." Saad ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Syempre naman. Bawal malate kapag si boss ang sinusundo." Natawa na lang ako sa sinabi niya lalo na sa itinawag niya sa akin.
"Boss talaga?"
"Oo naman. Boss Von... Angas pakinggan."
Tinawanan ko na lang siya dahil ang dami niya talagang nalalaman. Pero agad na lang rin akong napalunok nang makita kung gaano karami ang dala niyang pagkain. Apat na paper bag iyon at dalawang plastic na inomin naman ang laman na nasa can.
Nang tuluyan kaming nakarating sa tinatambayan naming dalawa ay agad niyang ipinuwesto ang mga pagkain sa desk ng dalawang upuan. Halos hindi magkasiya kaya 'yung burgers na lang 'yung una naming nilagay sa desk na limang piraso. Iyong ibang plastic na may lamang mga soda ay nilagay na lang namin sa lapag.
"Ang dami nga." Saad ko kaya natawa naman ito.
"Kahit araw-araw pa kitang ilibre ng ganito, okay lang sa akin. Basta mabusog ka at mapangiti kita." Sabi niya. Ngumiti lang naman ako at tinaasan siya ng kilay.
"Tataba ako niyan."
"Ano naman? Maganda ka pa rin naman." Saad niya at nagkibit-balikat. Nailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng burger.
Paano ko uubusin 'to? Ang dami...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Novela JuvenilYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...