Mabuti na lang at kaagad akong nakabalik sa loob ng banyo. Halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba.
Muntek na ako roon!
"Von? Nandiyan ka ba sa loob?" Boses ni Alladin iyon at kumakatok ito sa pinto.
Kalma, Von. Kalma. Walang may nakaalam sa kahihiyang ginawa mo maliban sa sarili mo. Walang may nakakita sa'yo na naglalakad ng walang saplot kaya walang dapat na ipag-alala.
Binuksan ko naman ng kaunti ang pintuan at nakita siya. "A-Ano...pwede mo ba akong bigyan ng tuwalya, Alladin?" Kakapalan ko na ang mukha ko. Kailangan ko na talaga ng tulong.
"S-Sige. Sandali lang." Halata naman ang pagkabigla niya pero agad din na ngumiti at tumango. Umalis naman ito at pumunta sa cabinet at kumuha doon ng tuwalya at maya-maya lang ay bumalik na siya at ibinigay sa akin iyon. Mabilis ko namang kinuha iyon.
"Salamat." Saad ko at tuluyan ng sinarado ang pinto at nagtampi na ng tuwalya.
"Mauuna na ako sa taas." Paalam niya at narinig ko pa ang papalayong yabag niya.
Nang matahimik na ang buong lugar ay saka lang ako lumabas. Kinaltokan ko pa ang sarili dahil sa kahihiyang ginawa.
Nahihiya na ako sa sarili ko.
Napatingin naman ako sa isang maleta na nasa gilid ng kama at nakitang maleta ko iyon. "Bakit andito ang maleta... Tss. Ano pa ba ang aasahan ko kay Mommy." Nakangiwing saad ko at binuksan iyon at nakita ang mga damit ko.
Grabeng magplano si Mom. Wala akong kaalam-alam.
Naghanap naman ako ng pwedeng suotin at napili ko yung pulang dress na may tali sa gitna ng dibdib. Inayos ko rin muna ang buhok ko. Hindi rin ako naglagay ng kahit anong make-up dahil hindi naman ako sanay at hindi naman ata required na kailangan talagang mag-make-up.
Nang maayos na ay saka na ako pumunta sa deck at nakitang nakaupo na si Alladin at nakatingin sa karagatan pero maya-maya ay napunta rin sa akin ang paningin niya kaya nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko dahil ramdam kung nag-iinit na naman ang pisngi ko. Tumayo naman ay siya at ipinaghigit ako ng upuan at bumalik sa upuan niya.
Binalot naman kami ng katahimikan dahil walang may nagsasalita sa aming dalawa. Nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa pero pareho rin na nag-iwas ng tingin.
Shoot! Nakakahiya talaga!
"A-Ano... tungkol sa nangyari kanina." Panimula ko at naglakas loob ng tumingin sa kaniya ulit pero sa ilalim ng mesa ay nakakuyom na Ang pareho kung palad.
"A-Ah. N-Normal lang naman 'yon. Minsan talaga ay nalilimutan natin ang mga bagay-bagay." Saad niya na tila pinapagaan ang awkwardness na bumabalot sa aming dalawa.
"P-Pero nakakahiya talaga." Namumulang saad ko habang nakayuko. Halos masugat na ang mga palad ko dahil sa pagkakakuyom niyon.
Maski ako ay nahihiya sa sarili ko dahil sa ginawa ko.
Katangahan kasi! Ang tanga mo kasi, Yvonne!
Siguradong marami na ang iniisip ni Alladin tungkol sa akin. Baka iniisip niya na tanga talaga ako dahil maski yung tuwalya ay hindi ko pa nadala. Nalimotan ko pa.
Tapos mukhang galit pa siya sa akin. Naging insensitive ako sa kaniya kanina. Pero kahit gano'n ay tinulungan niya pa rin ako.
Unti-unti namang nag-init ang gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko gusto ko na lang umiyak bigla.
"Are you okay, Von?" Nagtaas naman ako ng tingin nang kunin ni Alladin ang kamay ko. "You're not, huh? Why you're crying, hm? Did I do something bad? Did you hurt somewhere? Say it, Von. I'm worried." Ipinahid nito ang mga luha na tuluyang tumulo sa mga pisngi ko matapos na lumuhod sa harapan ko. Nayakap ko naman siya ng mahigpit at nagpatuloy sa pag-iyak.
Ngayon, parang gusto ko na lang na umiyak na umiyak. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kung mailabas ang lahat ng luha ko.
Naramdaman ko naman na hinahagod niya ang likod ko habang patuloy lang sa pagyakap sa akin. His presence comforts me.
Nang tuluyan kumalma ay ipinahid ko naman ang mga luha ko pero nanatili pa rin na nakayakap sa kaniya. "I'm really sorry for earlier. I'm being insensitive. Ikaw na nga 'tong nag-effort tapos ako 'tong reklamo ng reklamo. Pasensiya na talaga. I didn't meant it. Ang totoo ay masaya nga ako dahil may ibang lugar akong mapupuntahan tapos kasama pa kita." Nanatili lang naman siyang tahimik matapos kung sabihin 'yon kaya humarap naman ako sa kaniya. "Please don't be mad at me, Alladin."
"How can I be mad at you if you're these adorable, hm?" Nakangiting saad niya at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. "And about the towel? It's nothing to me, really. It's natural to forget your things sometimes. So smile now, okay? It's suits you more if your smiling happily." Pinisil niya pa ang pisngi ko kaya napayakap naman ako ulit sa kaniya ng mahigpit. "I will put you back to your seat. Hold tightly, okay?"
"Okay." Sagot ko lang at napangiti na lang matapos na tumayo siya. Ang taas ng nakikita ko dahil sa pagbuhat niya sa akin. "Whoah! Ang taas."
"Pft. You're acting like a kid, Von."
"Ganito pala ang view mo palagi. Ang cool." Humahangang saad ko. Mataas ako pero mas mataas talaga si Alladin sa akin. Lalo na ngayon. Ewan pero sa ilang sandaling panahon eh ang laki na ng itinaas ng height niya simula noong una ko siyang nakilala.
Humarap naman ako sa kaniya at agad ko namang nakita ang matamis niyang ngiti at nahawa na lang din ako. "Why is it you're so beautiful, hm?"
"Because I'm born this way?" Inosenteng sagot ko naman. Humalakhak naman siya kaya napatitig naman ako sa kaniya at napahanga dahil ang gwapo niya.
Bakit ang gwapo niya lalo ngayon. Gwapo din naman siya palagi pero extra gwapo siya ngayon. Parang kagaya nung sa sayaw. Para kumikinang siya.
"You're really adorable, Von." Saad niya at niyakap naman ako ulit. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa leeg niya at napangiti dahil ang bango-bango niya.
"Amoy Lacoste." Bulong ko saka mahinang humagikhik. Ito yung klase na hindi masakit sa ilong.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Ficção AdolescenteYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...