"Pwedeng pahinga muna master?" Hinihingal na tanong ni Rill na tumigil dahil tagaktak na ang pawis kahit na may aircon ang loob ng practice room.
"Bawal. Kailangang matapos ang sampung ikot. Sinasabayan ko na nga kayo, eh. Tara na. Para tumibay 'yang muscles niyo sa paa." Saad ko at tumakbo na ulit.
Mabuti na lang kanina noong bago kaming magsimulang lahat ay nakapagwarm up kami. Hindi masyadong mabibigla ang katawan nila.
"Eight! Two more." Sigaw ko at nagsimulang umikot ulit sa preskong takbo lang. Hindi mabilis at hindi rin naman masyadong mabagal. Iyong kaya lang sabayan ng iba. Nagpatuloy lang ang pagtakbo namin hanggang sa tuluyang matapos. Kaniya-kaniya silang higa at upo sa sahig habang naghahabol ng hininga.
Kinuha ko naman ang bottle ko saka uminom ng tubig habang nakatingin sa iba. Kinuha ko naman iyong kawayan na merong pulang bandila sa ibabaw. Mga nasa eight feet ang taas niyon.
"Nakapagpahinga na ba kayo? Pataasan ng sipa naman tayo ngayon." Saad ko kaya ungutan naman sila pero tumayo pa rin at gumawa ng isang linya.
Ako ang may hawak ng kawayan na may bandila sa taas noong una pero ng hindi maabot ni Alu iyon ay siya ang pinahawak ko bilang parusa.
"Kailangan ba talagang umikot, amo? Bumababa ang sipa ko kapag umiikot pa eh." Saad ni Rm.
"Because you're doing it wrong. Pero bahala ka. Try to kick without the ikot then." Kibit-balikat na saad ko.
Bumalik naman ito sa linya at humugot pa ng hininga bago tuluyang tumakbo at tumalon saka sumipa pero hindi man lang nakaabot sa five feet 'yung sipa niya kaya tumawa naman ako.
"See?" Tanong ko sa kaniya kaya napakamot naman ito ng ulo.
Nagsunod-sunod pa silang sumipang lahat at kahit papaano ay mataas naman ang naabot nila. Iyong pinakamataas ay six and half 'yung naabot. Si Axel ang nakakuha nun.
Tumayo naman ako at humagikhik pa saka pumunta sa gawi kung saan sila kanina pumupwesto saka tiningnan sila at tinuruan. "First, strengthen your muscles in your feet. Huwag agad tumakbo dahil hindi naman 'to karera. Next kapag nailagay mo na 'yang lakas mo sa paa mo doon ka na tumakbo at bago ka tumalon isipin mo na masyado kang magaan na pwede kang makaabot sa tuktok, pakawalan mo ang lahat ng lakas kapag tumalon. Saka ka umikot at doon mo sipain ang badela. Like this." Saad ko at itinuon ang lakas sa mga paa saka humarap sa harapan saka tumakbo at tumalon ng malakas saka umikot agad at sinipa ang bandela at naabot ko iyon ng walang kahirap-hirap at nakalapag ng nakatayo at maayos ang posisyon. "Try it guys." Saad ko at itinuro ulit ang bandela saka pumunta sa bottle ko para uminom ng tubig.
Water makes me hydrated.
"They will surpass you if you keep on advancing teaching them, Von." Saad ni Sir Dior slash Coach namin.
Ngumisi naman ako habang nakatingin sa mga kasama ko na sumisipa sa ere na mas mataas na kesa kanina. "Isn't that amazing, Coach? Someone who's doing their best are trying to fly high and surpass me."
"The whole world knows how great you are, Von. Isa na ako sa mga nakakita kung paano ka lumipad na parang ibon sa ere. It's amazing to see how human can fly that high and beat all her enemies until she left alone in that square ground. All people praising her for being the best. Claiming the gold medal in the Olympics, huh?"
"Oh, come one, Coach. Don't bring that again. I'm tired of that." Nakangusong saad ko.
"Halos hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa ginawa mo ng mga oras na 'yun. Pinatunayan mo na may ibubuga rin ang Pilipinas. Andito lang sa Andromeda ang makakakuha ng medalyang inaasam mula dati pa."
"Coach." Mas lalong humaba ang nguso ko.
"Pft. Isang maling galaw mo lang at mawala 'yang maskara na nagtatago sa tunay na ikaw. Mabubunyag ang tunay mong buhay, Von. Kung sino ka talaga. Bakit ba pilit mong tinatago ang sarili mo sa mundo?"
"I want a peaceful life. Tahimik at walang tatawag sa akin kahit saan ako pumunta. Susunod sa akin para lang magpakilala. I'm sick of that kind of stuffs. I just want to focus in school rightnow." Sagot ko.
"Sabagay. Halos kinain na rin ng taekwondo ang ilang taon ng buhay mo. Ilang taon ka na ngayon? Twenty one already? But it's worth it though, right?" Tanong niya.
Tumango naman ako at ngumiti ng malapad. "Very worth it. I'm a millionaire now. I got a lot of privelages here and there. Mom and Dad are proud of me."
"Hindi ko aakalain noon na isang taong masyadong maraming pangarap 'yung mahahawakan ko. Isa ako sa mga taong nagtatago sa totoo niyang pagkatao."
"Hehe it's okay coach. Quiet lang tayong lahat tungkol sa'kin at walang problem na mangyayari." Saad ko saka humagikhik.
"Pero alam mo namang walang sikretong hindi nabubunyag, Von." Saad niya at tumango naman ako.
"Oo naman, Coach. Pero ngayon, chill chill muna habang hindi pa nila alam. Gusto ko ring magpahinga." Nakangusong saad ko pa at inihiga ang ulo ko sa balikat niya.
Para ko ng pangalawang tatay si Sir Dior. Magkasama na kami mula pa ng middle school ako. Siya na 'yung Coach ko sa taekwondo. It's been three years since I won that thing. Andoon sa bahay at nakalagay sa mamahaling frame. Masyadong iniingat-ingatan ni Mom at Dad 'yun.
Nang magring na ang bell ay agad na akong tumayo. "Mauuna na ako. May family dinner pa kami mamaya." Saad ko saka dumeritso na sa banyo para makapagpalit na ng damit. Ibinalik ko na 'yung uniform ko at nilagay naman sa paper bag ang pang taekwondo ko. Saka ko sinuot ang mask ko saka nilugay ang buhok ko.
"Alis na ako." Paalam ko sa kanilang lahat saka tuluyan ng lumabas. At nagsalpak na naman ng earphones sa tenga ko.
Pero hindi ko inaasahan na may bigla na lang may bubunggo sa akin dahilan para mabitawan ko 'yung hawak kung paperbag.
"Ya! Tumingin ka sa daanan!" Sigaw pa nito pero hinayaan ko na lang at hindi na pinansin. Dinampot ko na lang ang paperbag saka na nilampasan ito at dumeritso na palabas.
Makauwi na nga.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...