"Ano ang plano mo sa semester break natin, Von?" Tanong ni Alladin sa akin. Andito kami ngayon sa computer lab at naghihintay sa guro na hindi pa dumadating.
"Ewan. Siguro sa bahay lang." Sagot ko saka nagkibit-
balikat dahil wala naman akong gustong puntahan. "Magbabasa ng libro at matutulog." Dagdag ko pa."Ang hilig mo talagang matulog." Nakangiwing saad niya.
"Ang saya kayang matulog."
"Anong masaya sa pagtulog?"
"Nakakapagpahinga ka, utak mo, katawan mo, lahat-lahat."
"Psh. Balak ko pa sanang bumisita sa inyo sa sem break eh. Pero baka tulugan mo lang pala ako." Natigilan naman ako at napalingon sa kaniya at nakatingin na ito sa computer niya.
"Hindi. I mean, sige lang. Hindi ko naman tinutulugan ang mga bisita ko eh." Saad ko kaya ngumiti naman ito nang lumingon sa akin.
"Talaga?"
"Hm."
"So... pwede akong bumisita sa inyo?" Tanong niya. Nagkibit-balikat lang naman ako saka tumango.
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Malay ko ba kung hindi na pala ako welcome doon." Nakangusong saad niya.
"Tss. Pwede kang pumunta sa bahay. Walang problema 'yon." Saad ko at ipinikit ang mata.
"Eh kung umakyat na kaya ako ng ligaw?" Bulong nito sa tenga ko dahilan para matigilan naman ako at napamulat saka tumingin sa kaniya na nagkakalikot sa computer niya.
"Anong sabi mo?" Tanong ko. Natatawang tumingin naman ito sa akin.
"Ano bang sinabi ko?" Tanong niya rin.
May narinig ako eh...
Namamali lang ba ako ng rinig?
Hay.
Biglang dumating naman ang guro namin kaya natahimik naman kami at hindi na nakapag-usap.
Nabusy kami masyado sa kaniya-kaniyang ginagawa dahil malapit na naman ang exam kaya kailangang magfocus sa studies.
Tutok ang atensiyon namin masyado sa ginagawa. Kung makapag-usap man ay tungkol sa lang sa ginagawa. Naging ganoon na ang buong oras namin sa computer lab. Matapos naman kami doon ay agad na kaming naghiwalay ni Alladin dahil pupunta na kami sa kaniya-kaniya naming room para sa second sub.
May pa long quiz naman sa second sub. One hundred fifty item quiz sa science. Halos doon na naubos ang oras namin dahil sa quiz na iyon. Madali lang naman ang iba pero may mahihirap din na tanong na pinigilan ako na umusad.
Nang tuluyang ko ng natapos ay napahinga na lang ako ng maluwag at nagpasa ng papel. Tyempong nakita ko naman si Alladin sa pintuan kaya agad na akong lumabas.
"Anong pagkain?" Tanong ko sa kaniya ng makalabas.
"Juice at donuts." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.
"Nagutom ako sa quiz na 'yon, ah." Saad ko habang hinihilot ang leeg ko.
"Long quiz na naman?" Natatawang tanong niya at tumango naman ako.
"Oo. Nakakastress." Saad ko saka bumuntong-hininga.
Dumeritso na kami sa tinatambayan namin at agad na kumain dahil nagugutom na talaga ako. "Ikaw? Ayos lang ba ang klase?" Tanong ko saka kumagat sa donut ko.
"Hm. Nagpa-quiz din ang second sub teacher namin pero kaya naman." Saad nito at pinagbuksan ako ng juice at ibinigay sa akin.
"Thanks. Nagugutom na talaga ako. Sandwich lang ang umagahan ko kanina." Saad ko at isinubo ang natitirang piraso ng donut saka kumuha ng panibago sa box.
"Napasarap na naman ang tulog mo?" Tumango naman ako saka ngumuso.
"Ang lamig eh. Sarap matulog." Saad ko at uminom ng juice at napatingin sa kaniya. "Nasaan na pala ang babaeng 'yon, Alladin?" Tanong ko nang maalala bigla ang babae.
"Si Thess? Bumalik na siya sa America dahil doon siya nag-aaral." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain ng donuts.
Makaraan ang ilang sandali ay natapos na kami at tumambay pa sandali habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.
"Anong course ang kukunin mo sa college?" Tanong ko sa kaniya.
"Engineering."
"Talaga?" Natutuwang tanong ko. "Engineering din ang gusto kung kunin sa college." Saad ko kaya lumapad naman ang ngiti niya.
"Magkasundo talaga tayo sa mga bagay-bagay." Tumango naman ako saka natawa. Nag-usap naman kami kung saan kami mag-aaral ng college at sinabi niyang dito pa rin siya sa Andromeda kagaya ko.
Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming klase nang marinig ang bell. Discussion naman ang ginawa ng third sub teacher ko at panghuli ay quiz.
Matapos kung sagutan ang quiz ko ay nahiga muna ako sa braso ko at ipinikit ang mata. Hinintay ko dumami ang nagpasa ng papel bago nagpagpasa ng papel ko. Wala lang, trip lang hehe.
Fourth subject naman ay history na halos makatulugan ko na dahil sa uri ng pagtuturo nito. Discussion lang naman ang ginagawa niya at hindi nagbigay ng quiz kaya ayos na rin.
Napahikab pa ako at napakusot-kusot ng mga mata at bumuntong-hininga dahil para akong walang enerhiya.
Nang magtanghali ay nakatulog nga ako matapos kumain. Sobrang antok ang nararamdaman ko kahit na sapat naman ang tulog ko kagabi.
Nagising na lang ako na nakahiga na sa balikat ni Alladin na nasa tabi ko at natutulog din. Bahagya pa akong nagulat at lumakas ang kabog ng dibdib ko pero agad na lang din na napangiti at nahiga ulit at ipinikit ang mata.
Natulog lang kami sa natitirang mga oras namin na free bago ang first sub sa pang hapon.
Kaya nang humapon ay doon naman ako sumigla at tyempong P.E. namin kaya todo bigay ako sa laro. Volleyball ngayon ang nilalaro namin at syempre hindi nawawala ang mask ko. Ang ibang dumadaan ay nahihiwagaan pero hindi ko na pinansin. Napangiwi na lang ako at pinahiran ang pawis ko gamit ang panyo saka nagpatuloy ulit sa laro. Ang grupong mananalo ang may makukuhang mataas na points. Bunutan ang naging paggawa ng grupo kaya walang naging reklamo.
Naenjoy ko naman ang hapon ko sa paglalaro dahil hindi na ako nakaramdam pa ng antok. Siguro dahil nakatulog ako ng tanghali.
Matapos ang P.E. ay agad na kaming bumalik sa room dahil may quiz pa kami sa sunod na subject. Pero bago iyon ay nagpaguhit pa muna ito ng isang white house. Kontento naman ako sa gawa ko kahit papaano. Hindi perpekto pero hindi rin naman pangit. Tama lang hehe. At nagtuloy-tuloy pa ang klase hanggang sa tuluyan nang matapos ang lahat ng klase.
Uwian na!
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...