25

45 3 0
                                    

"Saan mo balak pumunta bukas?" Tanong ni Alladin dahilan para mapatingin naman ako sa kaniya.

Papauwi na kami ngayon sa bahay. Hapon na rin kasi at malapit na ring gumabi kaya napagdesiyonan na naming umuwi. Tutal ay busog na rin naman kaming dalawa at madami na rin ang nabili naming pagkain na balak naming iuwi.

"Hindi ko pa alam eh." Sagot ko at napatingin lang sa labas ng bintana at napangiti. "Maraming salamat para sa ngayong araw."

"Wala 'yon. Nag-enjoy rin naman ako sa lakad natin. Pero ramdam ko na rin ang pagod ngayon. Siguro dahil sa dami ng ginawa natin mula kanina." Natawa pa ito sa huling sinabi.

Natawa rin ako dahil sa sinabi nito at nilingon siya. Nagtama pa ang mga mata naming dalawa at nagngitian pa sa isa't-isa. Ibinalik ko na ulit ang paningin ko sa labas ng binata habang siya naman ay ibinalik na sa daan ang paningin.  Nanatili lang naman akong tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Masyado akong nagandahan sa paglubog ng araw dahilan para doon na lang napako ang paningin ko.

Ang ganda...

Natigil lang ako sa pagtingin doon ng tuluyan ng nagtago ang araw at napalitan ng dilim ang maliwanag na kalangitan. Paunti-unting dumidilim na Ang paligid pero nakikita ko pa rin naman ang paligid ko kahit papaano.

"Hey, Von. Gusto mo bang sumama sa akin bukas?" Biglang tanong ni Alladin dahilan para maibalik ko ulit ang paningin sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nanatiling nasa kaniya ang paningin.

"Secret. Malalaman mo rin bukas kapag sumama ka. So?"

Napaisip naman muna ako sandali kung may gagawin ba ako bukas at nang wala naman ay pumayag na kaagad ako. "Sige. Sama rin ako."

May sinabi pa ito pero hindi ko na narinig iyon dahil sa biglang malakas na bosina na nanggaling sa katabing kotse. Binusinahan nito ang kaharap na kotse. Nakababa ng kaunti ang bintana ng kotse kaya rinig na rinig ko ang ingay mula sa labas. Hindi na rin ako nagtanong pa kung ano ang sinabi ni Alladin dahil baka wala lang naman iyon. Napagdesiyonan ko na lang na itaas na ang bintana tutal ay tapos naman na akong manood ng paglubog ng araw.

Ipinahinga ko na lang ang likod ko sa upuan at kinalikot na lang muna ang cellphone para malibang naman ako kahit papaano. Hindi na rin nagsasalita si Alladin na nasa daan lang ang paningin pero ngiting-ngiti.

Nababaliw na ata ang isang 'to.

Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa pagtingin-tingin ng mga litrato sa cellphone ko at napangiti na lang rin.

Hindi ko na lang namalayan na nasa bahay na pala kami. Kung hindi pa ako pinagbuksan ng pinto ni Alladin ay hindi ko pa malalaman.

"Masyado ka atang abala?" Tanong niya kaya umiling naman ako at lumabas na sa kotse niya.

"May tinitingnan lang. Uuwi ka na ba o papasok ka muna?" Tanong ko sa kaniya. Siya naman ang umiling at ngumiti sa akin.

"Mauuna na ako. May kailangan pa akong gawin eh. Kita na lang tayo bukas. Susunduin na lang kita dito."

"Anong susuotin ko bukas?" Tanong ko sa kaniya. Mabuti na yung makasigurado ako kung ano ba talaga ang susuotin ko. Baka maubos na naman ang oras ko sa pagpili ng damit kagaya ng nakaraan.

"Ikaw na ang bahala. Dress or whatever you're comfortable with." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako. "So, paano? Mauuna na ako."

"Ayaw mo ba talagang pumasok muna?" Tanong ko pa ulit sa kaniya. Ngumiti lang naman siya at lumapit at walang sabi-sabing hinalikan ako sa pisngi.

"Goodnight, Von. See you tomorrow." Iyon lang ang sinabi nito at tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya at bumusina pa ito bago tuluyang pinaharurot ang kotse niya paalis.

Napakurap-kurap naman ako at napahawak sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay ramdam ko pa rin ang halik niya sa pisngi ko.

Unti-unting nag-init naman ang pisngi ko at natuon na lang sa paanan ko ang paningin ko.

Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya iyon pero ito ako at nagre-react na para bang unang beses iyon na hinalikan niya ako sa pisngi.

Agad na lang akong napailing at binilog-bilog ang pisngi ko gamit ang mga palad para mawala ang pamumula ng pisngi ko.

Nang tuluyan ng kumalma ay agad na akong pumasok sa bahay dala-dala ang mga pinimili ko na puro lahat pagkain. "Mom? I'm home." Dumeritso ako sa sofa at agad na nahiga na tila ba pagod na pagod talaga ako kahit na kain ng kain lang naman ang ginawa ko kanina.

"Kamusta ang lakad niyong dalawa?" Tanong ni Mommy.

"Maayos naman po. Sobrang nag-enjoy ako."

"Anong ginawa niyo?"

"Kumain."

"Kumain? Hindi ba kayo kumain dito kanina?"

Bumangon naman ako at niyakap ang throw pillow. "Kumain po. Pero gusto ko pa ring kumain eh."

"Ikaw talaga. Oh eh bakit mukhang pagod na pagod ka eh kumain lang naman kayo?"

Interrogator ata si Mommy. Sobrang daming tanong eh.

"Hindi ako pagod, Mommy."

"Eh ano pala?"

"Napapaisip lang kasi ako, Mom." Pagsisimula ko at bumuntong-hininga.

"Tungkol saan naman?" Curious na tanong niya at tumabi sa akin.

"May gusto sa akin si Alladin, Mommy." Nakangusong sagot ko naman. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin kaya kumunot rin ang noo ko. "What?"

"I already know, anak. Masyado kayang halata."

"Eh?" Gulat na tanong ko.

"Yes, anak. Bakit? Hindi ka ba naniniwala na may gusto talaga siya sa'yo?" Tanong ni Mommy dahilan para mapaisip naman ako.

"Naniniwala naman po ako. Pero alam niyo po 'yon. Hindi pa ako handang sagutin ang mga salitang iyon. Parang hindi pa po ako handa..." Sagot ko saka bumuntong-
hininga na naman ulit.

"Wala ka ba talagang gusto sa kaniya, anak?" Napatitig naman ako kay Mommy dahil sa tanong niya.

"Hindi naman po sa gano'n..."

"So, gusto mo nga siya?"

"Maybe..."

"Bakit ka ba nag-aalangan, anak? Bakit ka ba natatakot ka?" Tanong ni Mommy sa akin kaya tinanong ko rin ang sarili ko.

Bakit na nga ba ako nag-aalangan? Bakit nga ba ako natatakot?

"Alam mo kasi, baby, hindi mo pwedeng bigyan ng hindi siguradong sagot ang isang tao. Baka ma-misunderstood nila iyon or baka maguluhan sila kapag binigyan mo sila ng hindi siguradong sagot. Dahil ikaw mismo ay hindi sigurado, sila pa kaya? Kaya anak, huwag mong pilitin ang sarili mo na gustuhin din kaagad siya o bigyan kaagad siya ng sagot. Pero huwag mo rin sanang masyadong patagalin dahil baka magsawa rin siya kakahintay sa sagot mo. At kapag ibinigay mo na ang sagot mo sa kaniya, dapat ay sigurado ka na talaga. Naiintindihan mo ba, Von?"

"Opo." Sagot ko at yumakap na lang sa kaniya ng mahigpit.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon