26

35 3 0
                                    

Pagdating ng bukas ay maaga pa akong nagising. Ewan ko pero parang excited na excited akong gumising. Nauna pa nga ata akong nagising kesa kila Mom at Dad eh.

Pagbangon na pagbangon ko ay agad akong dumeritso sa banyo at naglaan ng halos isang oras para maglinis ng katawan. Muntek ko ng maubos yung body soap ko dahil panay ang gamit ko. Nakalimang ulit ata ako ng gamit ng body soap at gano'n din sa shampoo at conditioner.

Nang makalabas ay agad akong namili sa mga dress ko. Hindi pa ako makapagdesiyon dahil magaganda naman lahat pero sa huli ay iyong puti na may tatlong maliit na bulaklak sa gitna ng dibdib.

Todo ayos pa ako ng buhok at mukha ko dahil ayaw ko namang maging pangit mamaya. Pero ang unang try ko pa lang ay napa-sobra na kaagad ang lagay ko ng mga kulurete sa mukha. At ilang clip ata ang nalagay ko sa buhok ko. Umilit na naman ako at sa pangalawang pagkakataon ay umayos naman na. Nilagyan ko ng clip sa me kanang bahagi ang buhok ko malapit sa tenga ko. Saka naglagay ng light na make-up.

"Matatabonan din naman 'to mamaya." Mahinang saad ko at bumuntong-hininga.

Atleast nag-ayos.

Bahala na.

Narinig kung may nag-door bell kaya agad naman akong tumakbo papunta sa bintana at sinilip kung sino ang dumating at nakitang si Alladin na iyon.

Agad ko namang kinuha ang wallet, cellphone at mask ko atsaka dali-dali ng bumaba.

"Goodmorning." Bati sa akin ni Alladin ng makita ako nitong pababa na ng hagdan. Nakapasok na ito sa salas at kasama niya na ngayon si Mommy na nakatayo sa baba ng hagdan.

"Goodmorning din." Nakangiting saad ko. Nakita ko namang napatitig ito sa akin habang nakangiti kaya nailang naman ako.

Baka pangit pa rin ang ayos ko? O baka nasobrahan ako sa ayos?

"Maayos lang ba ang ayos ko?" Tanong ko sa kaniya ng isang baitang na lang at magpapantay na kaming dalawa.

"Ang ganda mo." Iyon ang isinagot niya kaya nawala naman ang kabang nararamdaman ko. Tinulungan naman niya akong makababa at hindi na naghiwalay ang kamay namin ng mahawakan niya iyon.

"Alam ko pong nakapagpaalam na po ako sa inyo kagabi tungkol dito pero gusto ko po ulit na ipagpaalam si Von sa inyo." Saad ni Alladin habang nakatingin kay Mommy.

"Nakapagpaalam ka kay Mommy kagabi? Pero hindi naman kita nakitang pumunta ulit dito kagabi, ah?" Tanong ko.

"He called me kagabi para ipagpaalam na gusto ka raw niyang isama ngayong araw. Pinayagan ko naman siya since gusto ko naman kayong bigyan ng time na dalawa at gusto ko rin na makapag-enjoy ka rin." Pagpapaliwanag ni Mommy saka lumapit sa akin saka nginitian ako. "Mabuti pa at umalis na kayo para marami kayong oras na mailalaan sa isa't-isa."

"Mom!" Mahinang suway ko sa kaniya pero tinawanan niya lang naman ako.

"Alis na po kami, Tita. Pangako ko pong iingatan si Von at iuuwing ligtas ulit dito sa inyo." Saad pa ni Alladin at inaya na akong umalis. Kumaway pa ako kay Mommy. Nakangiti lang naman siya sa akin ng matamis.

Nang hindi ko na siya makita pa ay humarap naman ako sa harapan at tumingin kay Alladin na swabeng iminamaneho ang kotse.

"Saan ba talaga talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang sumulyap pa siya sa akin at ngumiti.

"Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo doon." Iyon lang ang sinagot niya kaya napanguso naman ako.

"Todo pa-suspense naman." Saad ko dahilan para mapahalakhak naman siya pero nasa daan pa rin ang tingin.

"Hintay ka lang kasi. Tsaka para surprise nga."

"Baka mamaya eh ibenta mo ako sa Mafia boss ah." Lumakas naman ang tawa niya dahil sa sinabi ko dahilan para mahawa na lang din ako.

"Ang dami mo talagang nalalaman, Von."

"Ako pa ba? Madaming laman ang utak ko, no." Natatawang sabi ko pa.

Nagpatuloy lang kami sa pagbiburuan habang nasa biyahe dahilan para hindi ko na naman namalayan ang oras at nakarating na kami sa bahay nila.

Nagtaka pa ako dahil bakit kami nandito. Balak ko na sanang magtanong sa kaniya pero mukhang nakuha niya na ang itatanong ko kaya inunahan niya lang ako. "May kukunin lang ako tapos alis na tayo." Sabi nito kaya napatango naman ako.

Hinintay ko na lang siya sa kotse at tiningnan pa ang sarili mula sa salamin. Baka hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin ay haggard na kaagad ako.

Pero maayos pa naman ang mukha ko kaya ang buhok ko na lang ang inayos ko. Sinuklay ko iyon gamit ang mga daliri ko.

Maya-maya ay bumalik naman siya at nagpatuloy na ulit kami sa biyahe. Nasa labas lang naman ang paningin ko habang nakikipag-usap sa kaniya. Nakikita kung papalabas na kami ng lugar namin.

Saan kaya kami pupunta?

Nagsisimula naman akong ma-curious dahil mukhang malayo ang pupuntahan namin.
Pero hindi na ako nagtanong kay Alladin dahil tiyak na hindi niya rin ako sasagutin.

Nawili naman ako sa pakikipag-usap sa kaniya kaya hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabagot sa biyahe. Panay lang ang tawanan naming dalawa kapag napagkukwetuhan namin yung nakaraan at yung mga kabaliwan na ginawa namin.

Masyadong marami ang napag-usapan naming dalawa dahil sa haba ng biyahe. Ewan ko kung nasaan na kaming lugar ngayon. Basta nasa Coastal road na ang tinatahak namin ngayon. Puro tubig na nakikita ko sa magkabilang gilid ko. At doon naman natuon ang atensiyon ko dahil nawili na naman ako masyado sa pagtingin-tingin sa mga nadadaanan namin.

Pero makaraan pa ang ilang sandali ay unti-unti ko ng naramdaman na parang inaantok na ako. Siguro dahil sa haba na rin ng biyahe kaya ako inaantok. Naisipan kung matulog na lang muna dahil mukhang malayo pa naman kami sa pupuntahan namin. Hindi rin naman nagtagal at lalo na akong inantok dahilan para mapahiga naman ang ulo ko sa likuran ng upuan at komportableng natulog. Binuksan ko pa ang bintana ng kotse para pumasok ang preskong hangin na nakatulong lalo para makatulog ako.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon