"Mom, I'm going." Paalam ko pa muna at kumuha ng sandwich at Dutch mill.
"Ingat, baby." Pasigaw na saad pa nito. Masyadong busy sa pagbebake kasi maraming order ng cake ngayon ang kaibigan niya na may birthday 'yung anak.
Hindi na ako sumagot at inubos muna ang sandwich ko at Dutch mill saka uminom ng tubig at isinuot na ang mask ko at doon lang lumabas ng bahay. Late na akong nagising ngayon kaya iyon na lang ang kinain ko. Hindi kagaya kahapon ay paniguradong magkaklase na ngayon ang mga teachers. Kailangan ko pa rin namang makinig dahil kailangan ko ring makakuha ng matataas na grades.
Napabuntong-hininga na lang ako ng papasakay na naman ako jeep. Paniguradong maraming tao na naman dun. Name plate lang 'yung ginagamit ko. Hindi ako nagsusuot ng Id dahil kita ang buong mukha ko dun. Nasa bag ko pero hindi ko sinusuot hehe. Pwede namang name plate lang eh, pinayagan naman ako ng Dean.
Palaging plain na itim na mask ang suot ko. Ayaw ko sa ibang kulay. At sanay ako sa itim at sa tela ng mask. At bumabagay rin iyon sa kulay ko kaya hindi pangit tingnan.
Nakita ko na 'yung mga babaeng estudyante na tiyak ako sa Andromeda din dahil sa damit nila. Nagbubulungan na naman habang nakatingin sa akin pero ng makitang nakatingin na ako sa kanila ay tumigil rin sila. Napabuntong-hininga na lang ako saka nagbayad na ng makitang malapit na sa school ang jeep. Maya-maya pa ay nagsibabaan na ang ang mga estudyante pero pinili kung nagpahuli dahil ayaw ko ng masyadong masikip.
Dumeritso na ako sa building ko dahil doon pa rin ngayon magsisimula ang klase namin at sa second sub pa kami pupunta sa bio lab.
Nakita kung marami na nag kaklase ko sa loob ng room pero napakunot ang noo ko dahil may pinagkakaguluhan na naman ang mga babae sa harapan. Pero hinayaan ko na lang at hindi pinansin at itinutok lang ang paningin ko sa magandang kalangitan.
"Hoy Yvonne!" Biglang tawag ng kung sino sa akin kaya napatingin naman ako doon at nakita ang isang babaeng mahaba 'yung buhok at may kasama na dalawa pang babae sa magkabilang gilid niya.
"Do I know you?" Tanong ko sa kaniya. I don't know who is she. I didn't even remember if she's classmate.
Tumawa naman ito kunwari para tabunan ang pagkapahiya dahil sa sinabi ko at nakitawa naman ang dalawa niyang alalay. Para silang mga baliw.
"Huwag ka ngang umarte na parang hindi ako kilala." Biglang maarteng saad nito kaya napataas naman ang isang kilay ko pero hindi nagsalita. "Take off your mask." Utos nito kaya tumaas naman ang gilid ng labi ko.
"Why would I?" Tanong ko sa kaniya at kinuha ang isang earphones na nasa tenga ko.
"I said take off your mask." Singhal nito sa akin at hinawakan bigla ng dalawa niyang alalay ang magkabila kung kamay. "Kung ayaw mong gawin, ako ang gagawa. Alladin, look how ugli she is." Saad ng babae at may tinanaw sa may harapan pero bago pa siya makalapit at makuha ang mask ko ay sinipa ko na siya sa tiyan dahilan para mapaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan. Tiningnan ko naman ang dalawang babae na hawak ang kamay ko. Malakas ko na hinigit iyon at magkasabay ko silang sinampal gamit ang dalawa kung kamay.
"I didn't permit you to touch me." Nababagot na saad ko habang nakatingin sa kanila.
"What's happening here?" Tanong ng Miss dahilan para mapunta naman sa kaniya ang tingin ko at nakita ang isang lalaki na tumalikod na at papaalis.
"They try to take off my mask, Miss." Nababagot na sagot ko.
"Ano ba kasing tinatago mo diyan at ayaw mong ipakita sa amin, huh?!" Sigaw nung babaeng sinipa ko sa tiyan na tinulungan ng tumayo ng iba.
"My face... obviously?" Usal ko.
"Siguro tama sila, pangit ka! Kaya tinatago mo ang mukha mo dahil sobrang pangit mo!" Sigaw niya kaya napangiwi naman ako saka nagkibit-balikat.
"Maybe..." Saad ko saka tumingin sa Miss na napapailing na lang at senenyasan na nag tatlo na umalis. HUMMS din sila pero ibang section ata. Pareho kami ng uniform eh.
"Pangit!" Sigaw pa ng babae. Pahabol bago tuluyang umalis. Hindi ko naman pinansin at ganoon rin ang Miss na nagsimula ng magturo.
Inilabas ko naman ang ballpen at notebook ko at nagtake down ng mga importanteng mga bagay at nakikinig ng maayos sa mga sinasabi ng Miss. Hindi naman masyadong mahirap 'yung topic namin ngayon. Madaling masaulo ang mga importanteng mga bagay pero baka makalimotan ko na lang bigla kaya mabuti na rin 'yung may naisulat ako. "This is the..." Pagpapatuloy pa ng Miss sa pagpapaliwanag habang may isinusulat sa board.
Kagaya ng inaasahan sa Miss na nasa harapan namin ngayon...nagbigay siya ng quiz pero kunti lang naman. Twenty items lang iyon. Siya ang magtatanong at ilalagay naman sa papel ang sagot. Walang choices.
Bawat tanong ay binibigyan kami ng one minute para sumagot tapos ay tanong na naman ulit. Ganoon lang ng ganoon hanggang sa matapos kami. Hindi naman masyadong mahirap siguro dahil bago pa lang naman kasi at napag-aralan naman na namin iyon nung nakaraang taon. Kami na rin ang nagcheck ng mga papel. Nag-exchange lang tapos sinasabi ni Mom ang mga tamang sagot. Maya-maya pa ay natapos na kami at ipinasa na sa harapan ang mga papel saka tinawag ang mga score namin. Perfect ang nakuha ko...marami kaming nakaperfect. Iyong iba ay isa hanggang tatlo lang rin ang mali.
Tumayo na kami dahil pupunta pa kami sa bio lab ngayon. Doon na ang susunod na klase namin. Nasa building three iyon pero nasa baba lang kaya hindi na kami aakyat pa sa nga hagdan-hagdan dun.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Sinadya kung magpahuli kasi ramdam ko ang mga titig ng iba kapag nauna ako. Pero bigla akong nagulat ng bigla na lang may humigit sa akin papunta sa kung saan. Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari.
May kumuha ng mask ko...
Nakatingin ako sa kumuha nun at nakita ang isang lalaki na...HUMMS din pero hindi ko kaklase.
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa mukha ko. Parang hindi naniniwala sa nakikita ngayon. Hindi ako nakagalaw agad at hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nakita ko pa itong napalunok habang nakatingin sa akin. Napakurap-kurap pa ito na parang inaalam kung totoo ba ang nakikita. "You are..." Agad kung tinabonan ang bibig nito at sinamaan ng tingin.
"Say a word or I will break your throat." Pabulong na saad ko sa kaniya habang nakataas ang kamao.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Fiksi RemajaYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...