13

50 4 0
                                    

"Good morning." Bati ni Alladin sa akin ng sunduin ko ito sa gate.

"Good morning din." Nakangiting saad ko at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko. "Pasok ka." Aya ko sa kaniya dahil nanatiling nasa akin ang paningin nito.

"Ang... ganda mo." Usal nito kaya pinamulahan naman ako at napayuko saka nakagat ang pang-ibabang labi para pigilang mapangiti.

Sa dami ng pinagpilaan kung damit sa huli ay mas pinili ko ang kulay yellow na dress na may mga sunflower na design. Simple lang iyon. Normal na dress lang at may tatlong butones sa may gita ng dibdib na kulay brown. Nakalugay lang ang buhok ko at may clip na yellow sa me gilid ng tenga ko banda. Naglagay lang rin ako ng kaunting liptint sa labi ko para pumula iyon ng kaunti.

"I-I mean...ngayon lang kasi kita nakita na nakadress. You really look good." Pagpapaliwanag pa nito kaya ngumiti naman ako.

Hindi ko mapigilan.

"Salamat hehe. Ano... g-gwapo ka din sa suot mo. Y-Yellow din..." Saad ko dahil parang wala na akong masabi bigla.

Puting t-shirt sa loob at saka yellow na polo saka itim na pants. Ang cool niyang tingnan... dumagdag pa 'yung gintong watch na nasa wrist niya at iyong buhok niya na nakasuklay papuntang likod.

Nagkailangan naman kami matapos magtama ang paningin namin sa isa't-isa.

"P-Pasok ba tayo sa loob?" Utal-utal na tanong ko at tumango lang naman siya kaya agad naman na kaming pumunta papasok sa bahay.

"Alladin! My baby, halika dito. Tikman mo 'tong niluto kung cupcakes." Saad ni Mommy at niyakap si Alladin na halatang nagulat rin sa ginawa ni Mommy. Dinala ito ni Mommy papunta sa mesa kung nasaan ang cupcakes na bagong luto. "Kain ka ng marami. Marami akong niluto." Saad pa ni Mommy.

"May practice kami, Mom. Baka sumakit ang tiyan niya." Saad ko.

"Ay! Oo nga pala. Sige, tikim ka na lang muna Alladin hehe." Saad ni Mom kaya wala namang nagawa si Alladin kung hindi tumikim.

Hinalikan--ayy!

Natikman kasi!

Natikman ko na ang mga cupcakes ni Mommy kanina kaya ngayon ay si Alladin naman ang pinagdidiskitahan niya para maging tester.

"Akyat na po kami, Tita." Paalam ni Alladin ng napagdesiyonan na naming pumunta na sa taas para makapagpractice na ng sayaw.

"Okey dokey! Dadalhan ko kayo ng meryenda mamaya." Saad pa ni Mommy.

"Miss texted na sa Gymnasium raw natin ipeperform ang sayaw dahil may surprise visit raw ang ibang mga Dean ng Andromeda at dahil tayo ang magpeperform ng sayaw sa monday kaya tayo na lang ang napili ni Miss para sumayaw rin sa Gym." Biglang saad niya dahilan para manlaki naman ang mata ko.

"Bakit hindi ako inform?" Tanong ko.

"Kanina ko lang nareceive ang text mula sa Miss. Sabi niya ay lahat tayo ay sinabihan niya." Saad nito kaya agad ko namang kinuha ang cellphone ko at binuksan iyon at nakita nga ang message. Binasa ko iyon at totoo nga ang sinabi ni Alladin.

"Pero paano? Bawal akong makita---"

"Magsusuot tayo ng maskara. Napag-isipan ko kasi na iyon ang magiging problema natin dahil bawal kang makita ng iba. Kaya naisapan ko na magsuot tayo ng maskara and I asked Miss kung pwede at pumayag siya. Props daw natin 'yun." Nakangiting saad nito. Napahinga naman ako ng maluwag.

"Mabuti na lang talaga nandiyan ka. Hayyy. Pero dapat gumawa tayo?" Tanong ko. Handmade props lang ang may grades. Iyong binili ay hindi counted.

"Don't worry. Nakagawa na ako. Dadalhin ko na lang bukas kasama ng costume para masanay tayo pagdating ng performance." Saad nito kaya napatango-tango naman ako.

"Anong kulay ba ang susuotin mo? Dapat ay bagay sa isa't-isa para hindi pangit tingnan." Sambit ko naman at nag-isip ng pwedeng suotin.

"You watch fairy tales, right? Mabuti kung sundin na lang natin ang sinusuot nila kapag may sayawan. What do you think?" Tanong niya.

Napatango-tango naman ako saka ngumiti. "Hm. Good idea. You're the Prince and I'm the Princess." Excited na saad ko. "Prince Alladin... Hala, bagay!" Pumapalakpak na saad ko.

"Princess Yvonne... It's suits you. Para ka talagang prinsesa." Saad nito habang nakangiti.

"What if sundin natin 'yung suot nila Belle at nung beast sa Beauty and the Beast? Madali lang tayong makakahanap ng mga kulay nun eh. Yellow na gown sa'kin at meron ako nun. Tapos 'yung sayo eh asul na may parang ginto o yellow? Tsaka 'yung mga white at pants na itim." Saad ko habang inaalala ang suot ng Beast.

Kagwapong beast naman ang kapares ko.

"No problem. I already buy kagabi sa mall. Alam kung iyon ang isusuhestiyon mo eh." Saad nito kaya namilog naman ang bibig ko.

"Pareho talaga tayo ng iniisip lagi." Natatawang saad ko habang napaailing saka tuluyan ng binuksan ang pintuan ng room.

Pumasok na kami sa loob at inayos ko naman sandali ang music. Saulo na namin ang sayaw pero ngayon ay kailangan na naming tumyempo sa music. At dapat with...emotion.

Emotion...

Waaaahh!

Napatingin naman ako ng palihim sa gawi nito at nakatingin ito sa salamin. Bumuntong-hininga lang naman ako saka lumapit na sa kaniya ng mastart na ang music. Halos may sampung segundo pa bago magsimulang tumugtog ang music kaya may panahon pa magprepare. Pero kapag mismong performance na ay kailangang nakapuwesto na pagkasimula ng music.

Humawak na ako sa balikat niya at humawak naman ito sa bewang ko saka pinagsiklop ang kanan naming mga kamay pero nagulat naman ako ng mahigpit nitong hawakan ang kamay ko kaya napatingin na ako sa kaniya. Balak ko sanang magtanong pero bigla ng tumunog ang music kaya nagsimula naman kaming sumayaw at sinasabayan ang music.

"W-We need emotions... It's part of the dance." Saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko...

"Emotions... No problem with me, my Belle." Nakangiting saad nito at hinawakan ako sa bewang at maingat at unti-unting inihiga sa ere saka agad ring hinigit ang kamay ko dahilan lara mapayakap ako ng mahigpit sa kaniya habang ang mga mata ay nasa isa't-isa at magkaharap ang mga mukha.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon