Makaraan ang ilang sandali ay nagising na lang ako dahil parang may naririnig akong ingay ng alon.
Dagat?
Agad akong napamulat at nagpalinga-linga sa palagid. Nasa isang kwarto ako at nakahiga sa malapad na kama. Napabangon naman ako at hinanap si Alladin pero hindi ko ito nakita sa kwarto kaya lumabas naman ako at doon at nagpalinga sa paligid pero hindi ko siya nakita kaya umakyat ako sa deck para sakaling makita ko siya doon. Pero ang nakita ko ay hindi siya kundi iyong karagatan.
Puro tubig na ang nakikita kahit saan akong deriksyon na tumingin.
Anong nangyayari? Bakit kami nandito.
"Gising ka na pala." Napalingon naman ako at nakita si Alladin na kakaakyat lang din dito sa deck.
"Bakit tayo nandito sa gitna ng dagat?" Tanong ko sa kaniya at ibinalik ang paningin sa karagatan. Naglakad naman ako papunta sa railings at kumapit doon habang sinasamantalang tingnan ang kagandahan ng purong tubig na nakikita. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Amoy ko ang sariwang hangin. Rinig na rinig ko ang mga alon.
"Kasalukuyan tayo ngayong papunta sa isang Isla. Dahil medyo malayo pa tayo kaya wala ka pang nakikitang kahit anong lupa sa paligid." Sagot niya at tumabi sa akin at humawak din sa railings na nasa harapan.
"Anong oras na? Makakauwi kaya tayo bago gumabi?" Tanong ko pero agad din naman akong napaharap sa kaniya ng marinig siyang tumawa. "What's funny?" Inosenteng tanong ko.
"Ang totoo ay tatlong araw tayong mamamalagi dito." Sagot niya dahilan para magulat naman ako at nanlaki pa ang mga mata.
"Pero..."
"Isang araw lang yung ipinagpaalam ko?" Putol niya sa sasabihin ko. Tumango naman ako. "Your Mom said that to me. Sabihin ko raw na isang araw lang tayong mamalagi dito. Siya rin ang nakaisip na huwag ko munang sabihin kung saan tayo pupunta. Sabihin ko na lang daw kapag malapit na tayo. Ang plano ko ay isang araw lang talaga pero siya itong nagpumilit na gawin ko ng tatlong araw."
Mom! Kaya pala ngiting-ngiti ito kanina. Plano niya pala ito.
Napangiwi na lang ako saka bumuntong-hininga.
"Ayos ka lang? Galit ka ba?" Tanong niya kaya agad naman akong umiling.
"Hindi 'yon. Nagulat lang talaga ako. Ang akala ko talaga ay isang araw lang tayo sa pupuntahan natin."
"Pwede naman tayong umuwi kaagad kung iyon ang gusto mo." Napatingin naman ako sa kaniya pero nasa dagat na ang paningin niya ngayon.
Sinasabi ko ba iyon na parang hindi nagustuhan dahil hindi niya sinabi na tatlong araw kaming mananatili sa pupuntahan namin...
"H-Hindi. Maganda nga na matagal tayo sa pupuntahan natin eh. Parang magbabaksiyon lang tayo. Gusto ko nga 'tong may bagong lugar na mapupuntahan eh. Hindi yung palaging nasa bahay lang ako." Saad ko kaya humarap naman siya sa akin at binigyan ako ng ngiti. Pero may kakaiba sa ngiting iyon. Parang malungkot na iyon...
"Mabuti pa kung bumaba ka na muna para maligo. Ihahanda ko lang yung kakainin natin para sa tanghalian. Baka mamaya pa tayo makarating kaya mabuti ng kumain na tayo dito para hindi ka magutom."
"Tulungan na kita." Presenta ko sa kaniya.
"Huwag na. May kasama naman akong maghahanda ng makakain natin eh. Maligo ka na lang muna tapos akyat ka na kaagad dito kapag tapos ka na. " Saad niya at tinuro ang dalawang lalaki.
"S-Sige." Nginitian niya lang ulit ako at lumapit na doon sa dalawang lalaki at inihanda na ang mesang paglalagyan ng pagkain.
Bumaba na lang ako papunta sa cabin at napabuntong-hininga na lang. "Maybe, I'm too insensitive. Sana hindi siya galit sa akin." Mahinang saad ko at tuluyan ng pumasok sa banyo para maligo.
Pinuno ko muna ng tubig ang tub at naglagay ng sabon doon at hinintay na matunaw ang sabon na inilagay bago nagbabad doon.
Pakiramdam ko ay may nagawa akong napakalaking kasalanan ngayon. Nagui-guilty ako. Sana hindi ko na lang sinabi ang mga iyon kung malalaman kung magkakagano'n si Alladin.
Babawi na lang ako mamaya sa kaniya.
Nagpatuloy lang ako sa pagbababad ng halos labing limang minuto bago tuluyang gumalaw para linisin ang sarili. Kuskos dito kuskos doon gamit ang sabon at loofah.
Pero agad naman akong natigilan ng may maalala na parang may kulang. Parang may nakalimotan ako eh. Ano nga yung nakalimotan ko. Parang may isang bagay akong hindi nadala bago pumasok eh.
Shoot!
"Wala akong tuwalyang dala!" Mahinang saad at agad na nakagat ang kuko.
Anong gagawin ko nito? Paano ako lalabas ng banyo?!
Bakit ba kasi nakalimotan ko yung isa sa pinaka-
importanteng bagay! Bakit?!Wait. Baka meron naman dito...
Oo, tama...
Tumayo naman ako at dahan-dahang naglakad at sinigurado munang sinarado ko ang pinto ng banyo. Nang makitang sarado naman iyon ay nagsimula naman akong maghanap ng tuwalya o kahit robe. Pero halos malibot ko na lahat ng sulok ng banyo ay wala akong nakita. Nabuksan ko na ang mga cabinet pero tanging mga soap, shampoo, conditioner, tissue at bimpo lang ang nakita ko.
Nagpaikot-ikot naman ako sa kinatatayuan ko at nag-iisip ng pwedeng gawin para makalabas.
"Pwede naman ako sigurong lumabas dito sa banyo at mabilis na kumuha ng tuwalya sa kwarto, hindi ba? Wala namang tao. Nasa taas deck naman sila..." Mahinang saad ko at napatingin sa pinto.
Tama. Tama. Iyon na lang ang gagawin ko.
Napatingin naman ako sa kabuuan ko at agad na lang na napapikit at napabuntong-
hininga.Katangahan kasi, Yvonne!
Huminga pa ako ng malalim at unti-unting pinihit ang doorknob. Nang bumukas ay agad naman akong sumilip at nagpalinga-linga sa paligid.
Nang makitang wala namang tao ay unti-unti naman akong lumabas.
Gagawin ko 'to ng mabilis. Dapat kasing bilis ako ni Flash.
Pero hindi ko na-imagine na gagawin ko ang bagay na 'to. Nakakahiya! Nahihiya ako sa sarili ko!
Nang makalabas na ng pintuan ay nagpalinga-linga naman ako sa paligid para maghanap ng tuwalya. Pero agad akong natigilan ng marinig ang mga boses mula sa labas. Papalapit dito ang mga boses at isa na doon ay boses ni Alladin.
Napalunok na lang ako nang makitang may pumihit na sa doorknob.
Anong gagawin ko?!
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Fiksi RemajaYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...