Andito na kami ngayon sa mall. Kakarating lang namin dahil natagalan pa kami sa Pizza House. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad-lakad at nililibot ang mall. Hawak-hawak ko ngayon ang isang cup ng meduim size na milk tea. Nauhaw kasi ako kaya binilhan ako ni Alladin.
"Palagi ka bang nakakapunta ng mall, Alladin?" Tanong ko sa kasama ko.
"Actually, no. Mas gusto kung nasa bahay lang ako. Kapag inaya ng pamilya or ng kakilala at wala naman akong ginagawa ay sumasama naman akong mag-mall. Pero kadalasan ay nasa bahay lang talaga ako."
Napatango-tango naman ako at hindi na ulit nagsalita dahil natuon na ang atensiyon ko sa hawak-hawak kung inomin. Hinigop ko ng hinigop ang natitirang laman ng cup ko at isa-isang hinigop ang mga sago na natitira sa ilalim banda ng cup. Narinig ko pang natawa si Alladin na nasa gilid ko pero hinayaan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. At nang tuluyan ng maubos ang mga sago ay kinuha ko na ang takip at pina-slide ang mga ice papunta sa loob ng bunganga ko.
Wala na akong suot na mask pero nakasuot pa rin ako ng sombrero. At panay rin naman ang tabon ko sa mukha ng kamay o nung mismong cup.
Nginuya ko pa yung ice na nasa bibig hanggang sa tuluyang maubos. Ibinalik ko na ang suot kung mask at tumingin sa gawi ni Alladin na natatawa pa rin.
"Kasiyahan mo talaga ako, no?" Tanong ko sa kaniya at ibinalik na ang paningin sa daan.
"Oo naman." Narinig kung saad pa niya pero hindi ko na siya nilingon pa. "Busog ka pa ba?" Pag-iiba niya sa usapan.
"May nakita ka pang pagkain?" Agad na tanong ko at nagpalinga-linga pa sa paligid.
"Pft. Ang cute mo. Gusto mo ba ulit na kumain?" Tanong niya kaya umiling naman ako.
"Mamaya na. Busog pa ako ng slight." Hinamas-himas ko pa ang tiyan ko.
"Saan mo gusto pumunta ngayon, Von?" Nag-isip naman ako ng magandang puntahan pero sa huli ay wala ring pumasok sa isip ko.
"Dito lang. Gusto ko lang maglakad-lakad para matunaw yung kinain ko. Mamaya ay kakain ulit tayo."
"Pagkain talaga yung habol mo, no?" Natatawang tanong niya pa.
"Syempre naman. Masarap kayang kumain. Iyon ang isa sa mga kasiyahan ko."
"Halata nga eh--- may umiiyak na bata, Von." Napatingin naman ako sa batang bigla niya na lang tinuro at nakitang umiiyak ang isang mataba na batang lalaki.
Agad naman naming nilapitan ang bata. "Hey, ayos ka lang? Nasaan ang kasama mo?" Tanong ko rito at hinanap ang posibleng maging magulang ng bata dahil baka nasa tabi-tabi lang ito.
"I-I got lost po. I ran and ran because some big monster is chasing me po. Tapos hindi ko na po alam kung saan na po ako." Sumisinok pa ito habang nagkukwento.
"Pero kasama mo naman ang mga magulang mo kanina na pumunta dito, right?" Tanong ni Alladin sa kaniya.
"Opo." Tatango-tangong sagot naman ng bata.
"Then we will find them together, is that okay?" Nakangiting tanong pa ulit ni Alladin sa batang kaharap.
"Okay po. But can you buy me a jelly first? I'm hungry na po kasi eh." Saad ng bata matapos nitong punasan ang mga luha gamit ang sariling braso.
"Okay. I'll go buy some jellies for you. Si Ate mo na muna ang bahala sa'yo." Tumingin pa sa akin si Alladin pero tinguan ko lang siya. Tuluyan na siyang umalis kaya naiwan kami ng bata.
"Is that your husband, Ate?" Tanong ng bata sa akin dahilan para magulat naman ako.
Husband?!
"H-Hindi. We're just friends." Sagot ko naman at dinala na muna siya sa isang bench at pinaupo.
"But he's looking at you like my Daddy looking at my Papa." Inosenteng saad pa ng bata. Sa una ay naguluhan pa ako sa sinasabi nito pero hindi rin nagtagal ay naintindihan ko na rin iyon ng tuluyan.
"Is that so? But he's really not my husband yet." Nakangiting sabi ko naman.
"But he will be your husband soon, Ate?" Tanong pa ng batang kausap ko.
"Maybe?" Sagot ko naman dahilan para mapapalakpak naman ang bata.
"That would be great, Ate. I'm sure you will be happy just like my Papa. He is really happy because he had Daddy and us, their kids. You will be masaya rin po kapag nagka-husband na rin po kayo." Masayang sabi pa ng bata.
"But I'm still young, baby. Hindi pa pwedeng magkaroon ng husband si Ate." Natatawang sabi ko naman at ginulo ang buhok niya.
"Dapat po ba mga adults lang ang pwedeng magkaroon ng husband, Ate?" Tanong nito.
"Necessarily, yes. Because adults know how to handle relationship in more mature way."
"Oh... So, hindi pa po ako pwedeng maging married sa taong love ko po?"
"Hindi pa pwede, baby. Ang bata-bata mo pa. Pero kapag big ka na, sigurado, pwede mo na siyang pakasalan." Sagot ko. Natahimik naman ito at tumagilid ang ulo ng ilang pang sandali habang nakatitig sa akin.
"How big po ba dapat para pwede na pong maging married? Like my Papa and Daddy po?"
"Yes. Dapat big enough ka na bago ka magpakasal. Dapat love mo talaga yung tao bago mo siya pakasalan, baby. Dapat sure ka na sa kaniya."
Nakita ko namang napatango-
tango pa ang bata dahil sa sinabi ko. Tila ba naiintindihan talaga nito ang pinag-uusapan naming dalawa. Sinasabi ko lang naman talaga ang mga bagay-bagay na ito para hindi mabagot at para na rin may mapagkwentuhan tungkol sa mga iniisip ko."Twin!"
Napalingon naman ako sa sigaw na tiyak akong nanggaling din sa isang bata. Nang tuluyang makita ito ay agad kung napansin na magkahawig sila ng mukha ng batang kasama ko ngayon. Kambal niya ata iyon? Napatingin naman ako sa dalawang tao na kasama ng batang sumigaw at napahanga pa ako dahil parehong magagandang lalaki ang mga iyon.
"Kuya!" Agad na tumayo ang kasama kung bata at tumakbo papunta sa isa pang bata na tumatakbo na rin. Nang magkaharap na sila ay agad naman silang nagyakap na dalawa. Agad naman akong tumayo at lumapit.
"Kayo po ba ang parents ng batang 'to?" Tanong ko sa isang lalaki na siyang mas maliit kesa sa isang lalaking kasama niya.
"Ah, yes. Kanina pa namin hinahanap ang anak naming 'to. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya. Alalang-alala kami." Halata sa mukha nito na naginhawaan dahil nakitang ligtas ang anak.
"Nakita lang rin namin siya kanina ng kasama ko na umiiyak kaya nilapitan namin siya. Sinabi niya na nawala raw siya dahil may mga big monsters daw na humahabol sa kaniya. I'm sure kung ano ang ibig niyang sabihin pero iyon ang sinabi niya kanina ng makita namin siya. Balak sana namin siyang tulungan na hanapin kayo pero nanghingi pa siya sa amin ng jellies dahil nagugutom daw siya kaya umalis pa ang kasama ko para bilhan siya kaya andito pa rin kami at naghihintay. " Pagkukwento ko.
"I see... Salamat sa ginawa niyong pagtulong sa anak ko. At pasensiya na rin sa abala."
"Walang ano po 'yon. Masaya ako na nahanap na rin ng batang ito ang magulang at kapatid niya." Saad ko.
Nag-usap pa kami ng ilang sandali bago sila tuluyang nagpaalam sa akin. Binigyan pa ako ng bata ng jellies. Pagpapasalamat daw niya iyon dahil sa pagtulong ko sa kaniya.
Kinain ko naman ang iba habang naghihintay kay Alladin.
Maya-maya nga ay dumating na siya at nagpalinga-linga pa sa paligid. "Nasaan na ang bata, Von?"
"Nagkita na sila ng pamilya niya. Umalis na." Ang gandang pamilya nila.
"Oh..."
"Here. Pagpapasalamat ng bata dahil sa pagtulong natin. Nakain ko na yung parte ko. Sa'yo na itong natitira." Bigay ko sa kaniya ng ibang jellies.
"Eh paano 'to?" Itinaas niya ang biniling mga jellies.
"Edi kainin din natin." Sagot ko dahilan para matawa naman siya at tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Fiksi RemajaYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...