15

47 5 0
                                    

"G-Gusto mo ako?" Utal-utal na tanong ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.

"Ako ba gusto mo?" Tanong niya rin kaya napalunok naman ako ng hard saka napabaing-baling sa kung saan para maghanap ng lakas ng loob.

Anong isasagot ko? Anong gagawin ko? Wala akong lakas ng loob para magsalita. Sinubukan kung ibuka ang bibig pero walang lumalabas na salita.

Nakatitig lang ako sa kaniya at tumigil na kami sa pagsasayaw kaya sa akin na lang nakatutok ang atensiyon niya.

Kaya niya ba ako hinalikan... Kasi gusto niya ako?

Kailangan mong sagotin siya, Von!

Huminga naman ako ng malalim at balak na sanang sumagot ng bigla na lang nagring ang cellphone niya kaya napatigil naman ako habang siya ay nahihiyang ngumiti sa akin. "Sorry. Excuse me." Saad nito at sinagot ang tawag.

Shit! Save by the call ako dun ah.

"Ano?! Sige, pupunta ako diyan."

Napatingin naman ako sa kaniya at namatay na ang tawag. "Anong nangyari?" Tanong ko.

"Si Dad naaksidente. Pasensiya na, Von. Kailangan ko munang umalis para puntahan sila sa ospital." Hingi nito ng paumanhin pero umiling lang ako.

"Ayos lang. Sige na, puntahan mo na siya at baka malala ang lagay niya. Alam mo naman ang dapat gawin kaya magiging ayos ang performance natin." Saad ko.

"Salamat sa pag-iintindi." Bigla na lang ako nitong niyakap dahilan para matigilan naman ako at maestatwa sa kinaruruunan ko. Bago ako makalingon ay wala na ito.

Niyakap niya ako...

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko at nakagat na lang ang sarili kung labi.

Agad ko naman munang inayos ang mga ginamit namin bago bumaba. Nakita ko naman agad ang nanunuksong mga tingin ni Mommy kaya ngumuso naman ako.

"Ano 'yung nakita ko, huh?" Tanong nito at tinusok ang gilid ko.

"W-Wala po 'yun. Parte lang po 'yun ng sayaw." Sagot ko habang hindi deritsong nakatingin sa kaniya.

"Bakit nauutal ka? Yieee, ang baby namin nagdadalaga na." Panunukso niya pa kaya namula naman ako.

"Shhh! Baka marinig ka ni Daddy." Pagpapatahimik ko sa kaniya pero humagikhik lang ito.

Napabuntong-hininga na lang ako saka kumain ang niluto niyang cookies. Dahil wala naman na akong gagawin ay napag-isipan ko na lang na sa living room na lang mamalagi at manood ng movie. Dala-dala ko ang plato na may lamang cookies at isang baso ng juice.

Tyempong lumitaw ang beauty and the beast sa screen kaya nakagat ko na lang ang labi ko at napagdesiyonan na iyon na lang ang panoorin.

Kompleto na lahat ng gamit namin para sa sayaw. Ang bigat ng gown ko pero kaya naman kahit papaano.

"Gusto niya ako..." Mahinang sambit ko habang nakatingin lang sa harapan. Naisubo ko naman ng buong ang isang cookies at nginuya iyon.

Ang sabi ko hindi ako magkakagusto sa kaniya...

Pero bakit? Bakit?! Waaaaah.

Sumubo ako ulit ng isa pang cookies at nginuya agad iyon habang nagpapakalutang sa pag-iisip. Tumatagos na lang sa Tv ang paningin ko. Parang nagiging blur ang nakikita ko at lumilipad ako sa ulap.

Nababaliw na ata ako...

Napakurap-kurap ako at agad na kinuha ang juice at ininom at nilaghok iyon hanggang sa wala ng matira. "Sana totoo ang sinasabi mo." Saad ko at tumayo at dumeritso sa fridge at kumuha ng juice at nagsalin ulit sa baso.

Iniwaksi ko na muna si Alladin sa isipan ko at nagfocus sa sayaw. Mabuti na lang at pwedeng may mask. Safe ako. Sana hindi matanggal habang sumasayaw para walang maging problema. Ayaw kung makilala ako ng ibang tao. Siguradong hindi na naman matatahimik ang buhay ko kapag nagkataon.

Gusto ko maging tahimik at normal lang ang pang-araw-araw na buhay ko. Ayaw ko 'yung may sumusunod at madaming lumalapit sa akin. Para akong hindi ako makahinga kapag ganoon.

Napabuntong-hininga naman ako saka bumalik na ulit sa living room at doon tumambay. Pero hindi ko namalayan na makakatulugan ko na pala ang panonood ng palabas.

Nagising na lang ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko at nakita ko naman si Mommy. "Let's eat." Saad niya kaya tumango naman ako at tumayo habang kinukusot ang mata.

Inaantok ako...

Pero nagugutom na naman ako..

Dumeritso kami sa hapagkainan at kumain kami ng sabay na tatlo. Inaantok pa rin ako pero pinilit ko talagang labanan para makakain ng maayos.

Pagkatapos kumain ay agad na akong dumeritso sa taas at naglakad-lakad muna sandali habang nakapikit na ang mga mata. Nagmumukha na akong zombie dahil sa ginagawa pero wala akong pakialam.

Maya-maya ay naisipan ko namang maligo na muna kaya kumuha naman ako ng tuwalya at hinubad lahat ng suot. Nilagay ko pa muna iyon sa labahin bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo at naligo. Kahit na dumadaloy na ang malamig na tubig sa katawan ko ay hindi pa rin nakukuha ang antok ko.

Nagbabad lang ako doon ng mahigit kalahating oras bago tuluyang lumabas habang nakarobe at tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Matapos tuyuin ang buhok ay agad pa akong nagbihis sandali ng pantulog saka bumalik sa higaan ko at nahiga na habang yakap-yakap ang mahaba kung unan.

Pero agad ring tumaas ang ulo ko nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon habang nakapikit pa rin ang mata at nang tuluyan ng makuha ay agad ko itong itinapat sa mukha ko at nakita ang message ni Alladin kaya napamulat naman ang dalawa kung mata.

"Dad is still in emergency room rightnow. Baka hindi ako makapunta bukas and I'm sorry for leaving you kanina." Basa ko sa message nito.

Agad naman akong nagtype para e-reply sa kaniya. "It's okay. Don't worry about me. I hope na gumaling na 'yung daddy mo."

Matapos nun ay inilagay ko na sa table ang cellphone ko at nahiga na ulit sa kama dahil inaantok na talaga ako. Ramdam na ramdam ko na ang antok ko pero biglang tumunog na naman ang cellphone ko kaya dali-dali ko namang kinuha iyon at binasa ang message nito. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin at nakalimotan ko na ang antok ko at hindi nakatulog!

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon