CHAPTER 7
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayaring nagaganap sa akin ngayon. Paano ko ba ipapaliwag at ipapaintindi sa aking sarili ang mga ito?
Naguguluhan ako.
Una, itong kakaibang panaginip kaninang umaga.
Ang weird.
Pangalawa, ang animo'y tao sa aking silid. Eto na nga kaya ang matandang babae na sinasabi sa bali-balita? O namalik-mata lang talaga ako?
And lastly, yaong weird na matanda na sabi'y may ligaw na espirito na nakamasid sa'akin.
Anong ibig nyang sabihin?
Naguguluhan ako.
Natatakot at kinakabahan.
Naniniwala naman ako sa mga multo, sa mga kakaibang nilalang na kasama natin na naninirahan dito sa lupa.
Wala namang mawawala kung maniniwala ka, diba?
Sabi pa nga ng mga matatanda mayroon daw mga unfinished business yaong mga multo na nagpapakita sa mga buhay.
Pero, ano naman kaya ang kaylangan nitong multong ito sa akin?
*sigh*
---
NICKOLAI'S POV
"Nasan na kaya si John Karlo? Mukhang natagalan sya ah?" tanong kay Ed na nakaupo sa tabi ni Ella.
"Ewan ko lang, baka malapit na yun. Nagtext naman na sya kanina na papunta na sya dito." sagot ni Ed sa tanong ko.
"Teka, di pa ba nakakabalik si Lawrence? Kanina pa yun lamabas ah?" this time si Ella naman ang nag-tanong.
"Oo nga no?" sabay na sagot namin ni Ed.
"Oh? nawala lang ako sandali na-missed nyo na agad ako." sabad ni Lawrence habang papalapit ito sa amin.
"Nasa labas na nga pala si John Karlo, kaya lang parang wala sa sarili. Mukang malalim ang iniisip." dugtong pa ni Lawrence.
"Ba't di mo pa inayang pumasok dito sa loob?" tanong ni Nickolai.
"Oh, ayan na pala si John2x." sabi ni Ella sabay turo sa paparating na si John Karlo.
"Pasensya kung ngayon lang ako, may weird kasing matanda dun sa labas kanina." sagot ni John Karlo.
"Alin?" nagtatakang tanong ni Lawrence dito.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Любовные романы[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...