CHAPTER 10
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
JOHN KARLO'S POV
May tinig akong naririnig.
Isang pamilyar na tinig.
Tinatawag niya ang aking pangalan.
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Tila yata narinig ko na ang tinig na iyon dati.
Pero bakit hindi ko matandaan kung kailan at saan.
"John Karlo..."
"John Karlo..."
Habang tumatagal lumalakas ang kanyang pag-tawag sa aking ngalan.
"John Karlo..."
Palagay ko, palapit na ito sa'kin.
Nararamdaman ko ang palapit na yabag ng kanyang mga paa.
*bag.bag.bag*
Palapit ito ng palapit.
Alam ko dahil ramdam ko rin ang kanyang presensya.
Pakiramdam ko'y nakatayo na siya sa aking likuran,
Nawala na kasi ang mga yabag na aking naririnig.
Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa.
Natatakot ako.
Kinakabahan.
Nagsisimula naring manginig ang aking buong katawan.
Simula kaninang umaga kung anu-ano na ang aking nakikita.
*dug.dug.dug.dug*
Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso.
Kasabay nito ang pagtulo ng malapot kong pawis.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...