OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 29

2.7K 76 10
                                    

CHAPTER 29

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

NICKOLAI'S POV

Kayayari lang naming magperform nang mapansin namin si Tito na kumakaway. Kaya pagkayari na pagkayari namin ay bumaba na muna kami ng stage at nagpunta kung nasaan siya.

"Nickolai may gustong kumausap sa inyo doon." Tiningnan ko lang yung tinuro ni Titong lalaki. Bakit kaya gusto nya kaming makausap?

"Bakit daw po Tito?" nagtatakang tanong ko dito.

"Hindi ko din alam. Hindi naman kasi sinabi. Pero ang pagkakaalam ko naghahanap sya ng bandang pwedeng pasikatin." Bandang papasikatin?

"Sige po Tito, puntahan na po muna namin sya."

Lumakad na kami papalapit sa lalaking gusto daw kumausap sa amin. Ano naman kayang kailangan nito sa amin? Ang sabi lang ni Tito, naghahanap daw ito ng 'bandang pasisikatin'. Kung naghahanap sya ng bandang pasisikatain bakit andito sya? Hindi kaya usto nya kaming--- Ah hindi. Mas mabuting hwag na muna akong mag-conclude ng kung anu-ano. Kakausapin nalang namin sya at ng malaman namin kung bakit at ano ba talaga ang pakay nya.

"Hello Sir, gusto nyo daw po kaming makausap? By the way ako nga po pala si Nickolai." tapos inabot ko yung kamay ko sa kanya para makipag-kamay. 

"Yeah. Kilala ko na kayo. Nickolai, Lawrence, Ed and John Karlo right? Take a seat. Maupo muna kayo."

"Ok. Bago ang lahat ako nga pala si Johny Macapagal. Marahil nagtataka kayo kung bakit gusto ko kayong makausap. Tama ba?"

*nod.nod*

Tumango tango lang kaming apat.

"Ang totoo nyan. Andito ako dahil gusto ko sana kayong alukin. Siguro nasabi na rin sa inyo ni Mr. Villareal na naghahanap ako ng bandang pasisikatin, and mukhang nakakita na nga ako." nakangiting wika nito. "Yung grupo nyo ang napili kong pasikatin. Marahil nagtataka kayo kung bakit kayo ang napili ko. Simple lang. Dahil nakita kong nasa inyo yung mga potential ng hinahanap ko." pagpapatuloy pa nito.

"So, tatanungin ko muna kayo. Gusto nyo bang SUMIKAT?" seryosong tanong niya sa amin.

Hindi na ako masyadong nagulat sa sinabi nya. Dahil simula palang ng pag-uusap namin ay may hinala na akong baka alukin nya nga kami. So tama nga ako. Hindi pa talaga sumasablay ang instinct ko.

"Gusto daw ba nating sumikat?" Narinig ko naman ang bulungan ng mga katabi ko. Mukhang masayang masaya sila sa kanilang narinig. "Oo naman sino bang ayaw sumikat?"

"Hindi naman masamang sumikat." matipid na sagot ko sa tanong nya.

"So, it's a yes, then?" nakangiting tanong niya.

"Um-oo kana Nickolai." pagsulsol sakin ni Ed. Si Lawrence at JK naman mukhang nag-iisip.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon