OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 51

1.3K 46 4
                                    

CHAPTER 51

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

"JK."

"JK."

"JK." paulit-ulit na tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig. Sa una'y mahina lang ito pero habang tumatagal ay tila mo palakas ito nang palakas. 

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May nakikita akong isang malabong imahe na nakatayo sa aking harapan, tila ba ito'y isang apoy na sumasayaw sa ihip ng hangin. Habang tinititigan ko ito ay unti-unti itong lumilinaw. "JK anak, bakit dito ka natutulog?" noon ko lamang napagtanto na si Papa pala 'yong nakatayo sa aking harapan.

Dali-dali akong umayos ng pagkakaupo at mabilis na nilingon ang paligid.

"Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili habang hinahagod ng tingin ang madilim na paligid.

Napatingin nalang ako sa direksyon ni Papa nang muli itong magsalita. "Bakit dito ka natutulog sa bodega?" may batas ng pagtataka sa kanyang mukha.

"Bodega?" nagtatakang bulong ko pa sa aking sarili habang nakatitig kay Papa.

BODEGA?!

Napatayo nalang ako bigla nang maalala ang nangyari kanina. 

"Nasan na siya?!" sigaw ng aking isipan. Panaginip lang ba 'yon? Mga tanong na nabuo sa aking isipan.

"Pero... sigurado akong narito sya kanina, sigurado ako!" Sigaw sa akin ng aking isipan.

Ngayon ay mukha akong isang baliw na pabalik-balik at paikot-ikot sa iisang lugar.

"May problema ba?" naguguluhang tanong ni Papa sa akin.

Napahinto nalang ako sa aking paglalakad at ngumiti sa kanya. "W-wala po." mabilis na sagot ko.

"Sige, maya-maya sumunod kana sa loob at malapit ko ng maluto 'yong ulam. Hinanap lang kasi kita dahil wala ka sa kwarto mo, narito ka lang pala." Pagkasabi noo'y lumabas na ito ng bodega at pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan na nga akong mag-isa rito sa loob ng bodega.

Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bodega ay napakamot ako ng aking ulo, pero hindi ko pa man naidadampi ang aking mga daliri sa aking ulo ay mabilis ko itong binawi at tiningnan.

Laking gulat ko nang makita ang isang litrato sa aking kamay.

"Saan ko 'to nakuha?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang  punit na larawan sa aking palad. Wala akong ideya kung paano napunta sa kamay ko ang larawan na ito, ni hindi ko nga alam na may hawak pala akong lumang litrato.

Muli kong itinuon sa lumang litrato ang aking atensyon. Nagulat nalang ako nang may biglang may dumamping malambot na bagay sa aking paanan. 

Si Garfield. Nginitian ko lang ito at ipinagpatuloy ang pagtingin sa litratong hawak-hawak ko.

Sa aking palagay ang litratong ito ay kuha pa noong isang taon, pero hindi ako sigurado. Bukod kasi sa may kalabuan ang litrato ay may mga alikabok pa na nakadikit dito. Mapapansin din ang ilang natuyong patak nang kandila.  

Sa litrato'y makikita si Garfield at ako na naka-upo sa ilalim ng isang punong kahoy. Pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan kami, pero hindi ko na magawang matandaan kung saan ko nga ba iyon nakita. "Masyado na yata akong nagiging makakalimutin." bulong ko pa sa aking sarili habang sinusuring mabuti ang litrato.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon