CHAPTER 22
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Wala akong marinig na kahit na anong ingay sa paligid. Napakatahimik. Para bang tumigil sandali ang oras. Nakapagtataka kahit na huni ng kulisap o mga insekto ay wala akong marinig. Mapayapa rin ang hangin. Tanging hininga ko lang at tibok ng aking puso ang aking tanging naririnig. Marahil nga'y tumigil sandali ang oras. PERO PE-PWEDE BA IYON?! >.<
Nilingon ko muli ang kanyang mukha na kanina'y pilit kong iniiwasang titigan. *gulp*
Mababakas parin sa kanyang mukha ang pagpigil sa kanyang mga luha. Para bang hindi niya ito pinapayagang kumawala mula sa kanyang mga mata. Pero bakit? Anong dahilan ng pamumuo ng luha sa kanyang mata?
O.O
Ang kaninang nanlalamig kong katawan ay biglang nakaramdam ng init. Bigla ko nalang itong naramdaman. Pero paano? Naramdaman ko na lamang na may mahihigpit na bisig ang nakayapos sa aking katawan. Si Sh-Sheilla May?! P-pero bab-a-bakit? Anong ginagawa ng babaeng multong 'to? Binigyan ko sya ng *what-are-you-doing-look*. Tinitigan lang niya ako sa aking mga mata. Wala na akong magawa kundi titigan nalang din ang kanyang mga mata.
( '_ ') --------------------->.<)
Parang mayroong mga dumadaloy na kuryente sa aming mga mata at naglalaban ang mga ito. Matira matibay kung baga. Pamaya-maya pa'y unti-unti na nyang tinanggal ang pagkakayakap sa akin, sa palagay ko'y natauhan sya na inaakap nya ako. Nag-ni-ninja moves pa tong multong to. HAHAHA! (Ok seryoso na ulit ako.) Sa wakas nakahinga narin ako ng mabuti. Pwew~! Pinagpawisan ako dun ah! =_=# Pagkatanggal na pagkatanggal ng pagkakayakap niya sa akin ay dahan dahan naman niyang iniangat ang kanyang ulo palapit saking mukha. *sweat* Nagsimula nanaman akong pagpawisan. Ilang sentimetro nalang ang pagitan ng aming mga mukha. Kaunting kaunti nalang ay magdidikit na ang aming mga ilong. Pakiramdam ko'y namumula na ang aking mukha. >///< Ano ba kasing iniisip ng babaeng to? Palapit na ng palapit ang kanyang mukha sa akin. Dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Anong gagawin nya?! *gulp* Magkadikit na ang aming mga ilong at ilang saglit nalang ay magdidikit na ang aming mga labi. kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
"W-WAAAGGGGGGGGGG!!"
"Oh John bakit, anong problema? Bat sumisigaw ka? Nanaginip kaba?" tanong ni Papa habang hingal na hingal.
"Panaginip?"mahinang bulong ko. "Ah wala po Pa, nanaginip lang po ako ng masama."
"Ah sige, bumaba kana maya-maya para makakain na tayo, magsisimba pa tayo. Bumangon ka na dyan." at bumaba na muli si Papa.
Buti nalang at panaginip lang iyon. Pero, bakit parang totoo ang lahat? P-pero imposible yon. Aish. Makabangon na nga at sisimba pa kami!
Nagtungo na ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. Hindi parin nawawala sa aking isipan ang panaginip na iyon. Labi nya plus labi ko equals kyaaaaaaaaaaaaaaaah! >///< WHAT THE HECK?! *Erase.Erase* Hindi to maari. *Iling.Iling* Naghilamos ako muli ng mukha para mawala ito sa aking isipan. Oh Sheilla May, Sheilla May. Sino ka bang talaga? Bakit kasi ako pa? Sheilla May, si Sheilla May ay nanatili paring isang malaking misteryo ang katauhan hanggang sa ngayon. Paano ko kaya sya matutulungang makatawid sa kabilang buhay? *Serious-face*
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...