CHAPTER 38
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Dahan dahan akong lumapit sa nakabuwal na basurahan. Kasabay noo'y biglang umihip ang malamig na hangin kaya napahinto ako.
*wooosh*
Bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig. Niyakap ko nalang ang aking sarili para makaramdam ng konting init. Tumingala ako sandali sa kalangitan, ang maliwanag na buwan kanina lang ay natatakpan na ng makapal na ulap. Nawala narin ang mga kumikislap na bituin kanina lang.
Bubuhos pa yata ang malakas na ulan.
Isang beses pa ay umihip muli ang malakas na hangin kasabay noo'y biglang lumiwanag ang buong paligid. Isang malakas na dagundong sa kalangitan ang aking narinig. Isang nakakapangilabot na tunog ang aking narinig. Isang malakas na kulog at gumuguhit na kidlat ang lumabas sa kalangitan. Ilang sandali pa ay tuluyan ng nag-dilim ang buong paligid.
Nawalan ng ilaw ang mga street lights. Namatay din ang mga ilaw sa mga nakapaligid na tahanan malapit rito. Black out.
Labis ang aking pagkabigla ng muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Kasabay noo'y lumiwanag muli ang kapaligiran. Sa sandaling oras na iyon ay may nahagip ang aking paningin. May ilang tao na nakatago at nakasilip sa poste ng kuryente. Sa aking palagay, sila iyong sumusunod sa akin kanina pa.
"Waaaah! Ayoko na! Ayoko na! Takot ako sa kulog at kidlat. Uwi na tayo!" sigaw ng isang batang babae na nakatago sa isang sulok ng poste ng kuryente.
"Ano ka ba, wag kang mag-alala andito naman ako. Di kita pababayaan."
"Wag nga kayong magulo baka makita nya tayo." mahinang bulong ng isa pa nilang kasama. Dahan dahan akong lumapit sa kanilang kinatatayuan kahit hindi na maganda ang lagay ng panahon.
"Sino ang baka makakita sa inyo?" sinasabi ko ito habang nakatapat sa aking mukha ang cellphone ko na may flashlight.
"MULTTOOOOOOO!" sigaw ng batang babae ng makita ang mukha ko na nasisinagan ng ilaw mula sa flashlight ng aking cellphone.
"TAKBOOOO!" dali-daling nagtatakbo ang isang batang babae at batang lalaki. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanilang reaksyon o ano, ang importante sa ngayon ay umuwi na sila dahil hindi maganda ang lagay ng panahon.
Ibinaling ko ang aking atensyon sa batang lalaki na naiwan dito kasama ko. Tinanggal ko na ang nakatapat na flashlight sa aking mukha at dahan dahan itong itinapat sa kanya ng mukha.
"Teka, parang kilala kita ah?" pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Baka kasi kahawig o kamukha lang niya iyon. Bigla naman itong ngumiti, isang malapad na ngiti na ikinagulat ko. "Saan nga ba kita nakita?" nagtatakang tanong ko rito. Hindi ko kasi matandaan kung saan at kung kailan ko siya nakita.
Ilang sandali pa ay naalala ko rin kung sino ang batang lalaki na nasa harapan ko. Siya yung batang lalaki na bumulong sa akin noon. Siya iyong nakakita sa amin ni Sheilla May noon. "IKAW?" gulat na gulat na tanong ko rito pero isang malapad na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.
"Hello, Kuya." saka sya nag-wave sa akin habang nakangiti parin. HIndi kaya siya nangangawit kakangiti? May pagka-weirdo talaga ang batang ito.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...