OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 34

2.3K 60 6
                                    

CHAPTER 34

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

7:30 na ng gabi nang maubos namin ang iniinom naming beer. Ganito pala sila pag-nakainom. Mas lalong kumukulit. Lalung-lalo na si Ed. Doblehin mo na ang pagiging childish nya. Mali. Triplehin mo na pala. Kulang nalang yata ay magpakarga kay Ella at magpa-hele na parang sanggol. Samahan mo na rin ng tsupon ng matahimik sa kasasalita. Kung mayroong Daldalita, sya naman si Daldalito. Nuknukan ng daldal. Hindi kaya sya napapagod sa ginagawa nya? At higit sa lahat, hindi sya nauubusan ng sasabihin. Wala namang nakikinig sa kanya maliban kay Ella. Next time, sisiguraduhin ko ng mayroon akong dalang tsupon upang matapalan ang kanyang bibig. *evil.grin*

Napansin ko naman na parang close na close na sa isa't isa itong sina Lawrence at Kris. Kanina pa kasi sila nag-uusap at nagtatawanang dalawa, para bang matagal na silang magkakilala. Hindi na sila ilang sa isa't isa tulad nang dati. Kung mag-usap ay puro pabulong. Ano kayang topic nilang dalawa? Napadako naman ang aking tingin sa katabing kong si Nickolai. Abalang abala naman ito sa kanyang cellphone. Naalala ko tuloy bigla ang pangyayari kanina. Nagtatampo kaya ito sa akin? Haaayy buhay ng tao. Isinandal ko ang aking likod sa haligi ng kubo at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Magpapaka-abala nalang din ako. Ayoko na kasing makinig sa walang katapusang pagbibida ni Ed. Nakakasawa.

Pag-kakuha ng cellphone sa aking bulsa ay bigla kong naalala ang mga sinabi ni Nickolai.

"Uulitin ko, mayroong tumawag sa akin kaya lang, hindi ko kilala kung sino iyon."

"Yes, you heard it right. Number mo ang gamit nya."

Maaari nga kayang si Sheilla May ang tumawag sa kanya gamit ang cellphone ko? Napatitig nalang akong mabuti sa screen nito. Tinanggal ko ang pag-kakalock nito at nagpunta sa call register. Tiningnan ko ang dialled numbers at doon ko nga natagpuan ang number at pangalan ni Nickolai.

 Kailangan kong makausap si Sheilla May. Pero sa ngayon, mag-ca-candy crush nalang ako.

 Pasend ng tickets huh?

"Guys, tara. Laro tayo." sabay-sabay kaming napa-lingon kay Ella. May hawak itong bote ng beer, pero wala naman itong laman. Nakangiti lang ito at para bang may magandang ideyang naiisip.

"Pero teka lang, naglalaro nako ng candy crush e. Pwedeng pass muna?" bulong ko sa aking isipan. Wala akong lakas ng loob sabihin yan. Alam ko kasing baback-upan siya ni Daldalito. Ayokong mapag-sabihan ng KJ. Uy! parang JK lang!

"Anong laro Ella?" Nagtatakang tanong ni Kris. Tumayo pa talaga ito para lang masilip at makita si Ella. Kung sabagay ako man ay nagtataka kung ano ba talaga yung lalaruin namin sa ganitong oras ng gabi.

"Spin the Bottle."pagkasabi na pagkasabi noo'y kinindatan nya lang si Kris. "Papaikutin ng isang player ang bote at kung kanino huminto or tumapat ang bibig nitong bote ng beer, kailangan nitong mamili kung TRUTH or DARE." saka sya ulit ngumisi. "Exciting, right? ahihi." saka sya parang kinuryenteng ewan. Para kasing nanginig ang buo nyang katawan dahil siguro sa excitement.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon