CHAPTER 37
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Dali-dali kong hinabol ng tingin ang babaeng nakita ko sa kabilang kalsada. "Si Sheilla May nga ba iyon?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
Napa-isip ako sandali.
Kung si Sheilla May nga iyon, bakit hindi nya ako pinuntahan?
Bakit hindi sya nagpakita sa akin?
Bakit?
Iniiwasan na ba ako ng babaeng multo na iyon?
Pero bakit naman niya ako iiwasan gayong nagpapatulong siya sa akin?
NAGUGULUHAN NA AKO.
Hindi rin nagtagal ay napag-pasyahan kong tingnan at sundan nalang ito, upang matiyak narin kung si Sheilla May nga ba iyon o hindi.
Wala naman sigurong mawawala kung susundan ko ito.
Binuksan ko ang pinto ng bahay at sumilip doon. "Pa, may pupuntahan lang po ako sandali. Babalik din po ako agad." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Papa at isinarado ko na ang pinto at nagsimulang lumakad palabas ng aming bakuran.
"Nasaan na 'yon?" Kanina lang kasi ay naroon lang sya sa kabilang kalsada. Kung sabagay, hindi nga pala sya isang mortal, kundi isang kaluluwa nalang. Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko na alam kung saan na nagpunta ang babaeng iyon. "Garfield nasan na sya? Nakita mo ba kung saan nag-punta?" sabay tingin sa alaga kong aso.
Sana lang ay maintindihan niya ako.
*arf.arf*
Pagkayaring kumahol ay nagsimula na itong tumakbo at nang makalabas ng bakuran ay tumingin muli ito sa akin at kumahol muli.
*arf.arf*
Parang may gusto itong ipahiwatig.
*arf.arf*
Marahil ay gusto nitong sundan ko siya.
Nagsimula na muli itong tumakbo nang maramdamang palapit na ako sa kinaroroonan niya. Pagkalabas na pagkalabas ng bakuran ay hindi ko na malaman kung saan gawi tumakbo o lumiko si Garfield. "Ang tulin namang tumakbo ng aso na 'yon. Tss. Pano na ngayon yan?" Napakamot nalang ako ng aking ulo.
Muli ay lumilinga-linga ako sa paligid.
Sa di kalayuan ay may natatanaw akong isang babae, babaeng nakasuot ng kulay puting damit na katulad ng nakita ko kanina. Paliko na ito sa may kanto. "Si Sheilla May nga kaya iyon?" Nagsimula na akong tumakbo at hindi na inisip ang asong dapat kong sundan.
Kahit hingal na hingal na ako ay sinisikap ko paring maabutan ito. "Sheilla May, sandali!" sigaw ko dito kahit hindi tiyak kung si Sheilla May nga ito. Hindi ito humihinto o lumilingon manlang. "Sheilla May!" Sigaw ko muli bago tuluyang lumiko ito sa kanto. "Hah....Hah...Hah..." Nawala na itong tuluyan sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...