OMG : Oh My Ghost! - CHAPTER 57

1.2K 37 89
                                    

Halos kalahating oras na rin simula nang maglakad kami pero hanggang ngayon, wala pa kami sa pupuntahan namin. At magpasa-hanggang ngayon, wala pa rin akong ka-ide-ideya kung saan nga ba kami pupunta at kung paano ako makakabalik sa lupa.

Tinanong ko si Lorraine pero nginitian niya lang ako. Wala siyang sinabi tungkol sa "lagusan" pabalik sa mundo --- sa lupa. Maghintay na lang daw ako at makikita ko rin 'yon.

Hindi ko lubos na maisip na pwede pa pa lang makabalik ang mga kaluluwa sa lupa. Pero kung sabagay, marami pang mga bagay ang hindi natutuklasan. Limited lang kasi ang nalalaman ng mga buhay tungkol sa mga kaluluwa at mga namatay.

"We're here."

Napahinto ako sa paglalakad at pinagmasdang maigi ang napakalaking gate sa aking harapan.

"Let's go, rito tayo." Pagyaya sa'min ni Mama.

Mula sa isang sulok ng napakalaking gate ay may isang podium, isa iyong kulay gintong lamesa at sa ibabaw noo'y may nakapatong na isang malaki at makapal na puting libro. Sa palagay ko may katandaan na ang librong 'yon. Makikita naman sa pabalat nito. Pero kahit na gano'n halatang matibay ang pagkakagawa rito.

Ilang saglit pa'y may isang matandang lalaki ang biglang lumitaw.

Parang isang magic!

Sandali akong napatulala.

Pamilyar sa'kin ang mukhang 'yon. "Sa'n ko nga ba siya nakita?" kunot noong tanong ko sa aking sarili habang pilit na inaalala kung saan ko nga ba nakita ang matandang 'yon.

May ngiti sa labi niya kaming tiningnan. Pagkatapos saka niya binuklat ang malaki at makapal na puting libro.

"John Karlo Santiago," wika ng matanda habang nakatingin sa libro.

"Po?" Mabilis na tugon ko.

Teka...

Pa'no niya ko nakilala?

May pagtataka kong tiningnan si Mama at si Lorraine. Pero iisa lang ang kanilang naging sagot, isang matamis na ngiti.

Kahit nagtataka ay lumapit ako sa matandang lalaki na may hawak ng libro. Parang pamilyar nga sa'kin ang kanyang mukha.

Sa'n ko nga ba nakita 'tong matandang 'to?

Muntik na akong mapalundag nang bigla siyang magsalita. Tila ba nababasa niya ang iniisip ko. "Sa lupa. Nagkita na tayo sa lupa."

Mabilis akong napalingon sa kanya. Kunot noo. "Sa lupa?" balik tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya saka sinabing, "May isa pa kong mukha!"

Napanganga ako sa sumunod na nangyari. Literal.

Siya nga! Kaya pala pamilyar siya sa'kin. Siya nga 'yun! 'Yung matandang ermetanyo na nagsabing may multong nakamasid sa'kin.

Pero... anong ginagawa niya rito? Sino ba talaga siya? Saka, kung multo rin siya bakit nagawa siyang makita ni Nickolai? At Lawrence? Don't tell me na bukas din 'yung nga third eye nila? Aish!

Madaming katanungan ang mga nagsulputan bigla sa aking isipan. Kailangan nitong masagot. Kailangan!

"Chillax ka lang men!" Mabilis akong napalingon sa kanya. Kunot noo.

Sino ba talaga 'tong taong tao? Katulad ba siya nila mama?

"The answer is... NO. Hindi kami magkapareho."

Muli. Napanganga ako.

Pa'no niya nagagawang mabasa ang nasa utak ko?

Psychic ba siya?

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon