CHAPTER 28
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
NICKOLAI'S POV
"WAAAAAAAAH!"
Habang inaalala ko ang mga kaganapan kahapon ay may narinig akong sumigaw. Kaya naman luminga linga ako sa paligid para tingnan kung sino iyon at kung bakit. *lingon.lingon* Napansin ko namang may nakadukdok na lalaki malapit sa aking upuan. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Ed pala. Mukhang mahimbing ang tulog ni loko at naghihilik pa. Drawingan ko kaya sya sa mukha? Oras ko na to para makabawi sa kanya. *evil.grin*
Sa gawing kaliwa ko nama'y si Lawrence. Nakatulala lang ito at para bang malalim ang iniisip. Mukhang masaya din ang isang to ah. May nangyari kayang maganda? Ano bang pinag-iisip ko. Teka? Wala ba silang narinig na humiyaw o kahit na anong ingay manlang? O baka naman gawa-gawa lang 'yon ng imagination ko? (-_-)??
"Si Ed natutulog, si Lawrence nakatulala, teka parang may kulang?" *kamot.ulo*
"Teka? Nasan nga pala si JK?" Luminga linga muli ako sa paligid at napadako naman ang tingin ko sa gawing dulo ng classroom. Doon natagpuan ng aking paningin si JK. Nakatayo sa isang sulok.
"Oh JK? May problema ba?" tanong ko dito. Tinitigan ko siya, tila gulat na gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi kaya siya yung narinig kong sumigaw kani-kanina lang?
Tumingin lang sya sakin saka ngumiti.
Huh? Ang weird.
Ano kayang trip nito?
"May narinig kasi akong humiyaw kanina? Wala ka bang narinig o napansin manlang?"tanong ko dito.
"W-wala naman, b-baka guni-guni mo lang iyon. Oo guni-guni mo lang yon." nauutal na sagot nito.
"Ah sige." Baka nga sa imagination ko lang iyon. Pero...
Hay. Hwag na nga lang pansinin kung sino o ano man yung narinig ko.
"Ano nga palang ginagawa mo jan sa dulo ng classroom?" nagtataka lang kasi ako, kung anong ginagawa nya doon gayon namang andito kami sa gawing harapan.
"A-ah e, may sinilip lang ako sa bintana. Oo, may sinilip lang ako sa bintana. Sige ah. Labas muna ko." Sabay takbo sa labas ng classroom.
Ang weird yata ngayon ni JK. Ano kayang problema non?
* * * * *
JOHN KARLO'S POV
"BOOOO." bigla nalang sumulpot sa aking harapan si Sheilla May.
"WAAAAAAAAAAAH!" dahil sa sobrang pagkagulat at pagkabigla ay napasigaw ako. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa ginawa nyang iyon? Pagtalikod na pagtalikod ko sa bintana ay bigla-bigla nalang syang nagpop-up somewhere. Para talaga syang kabuting bigla nalang susulpot. Saan kaya pinaglihi ang multong 'to?
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...