CHAPTER 58
Sariwang simoy ng hangin ang unang sumalubong sa amin pagkapasok na pagkapasok sa kakaibang silid kung nasaan kami ngayon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita. Nananaginip na naman ba ako o 'di kaya'y namamalik-mata?
"Uh-ah. Hindi ka nananaginip." Napalingon ako sa weirdong lalaki. "Ang nakikita mo ay hindi isang ilusyon o panaginip. To-to-o ito. Totoo. Maligayang pagdating sa paraiso!" nakangisi niyang sabi.
Muli ay inilibot ko ang aking paningin, ang sahig ng silid ay nalalatagan ng mabeberdeng damo, makakakita ka rin ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid. Mayroon ding nagtataasang punong kahoy, iba't ibang uri, iba't ibang laki. At sa pinaka-sentro nitong lugar ay may isang lawa, isang lawa na sa palagay ko ay katulad nang lawa na ipinakita sa'kin ni Lorraine.
"JK," narinig kong tawag sa'kin ng weirdong lalaki, agad ko naman siyang nilingon. "Handa ka na bang bumalik sa lupa?"
Sandali akong natigilan, pagkatapos ay tumingin ako kay Mama at Lorraine. Nakangiti lang silang dalawa. Tumango lang ako at sumagot ng, "Opo."
***
Isang napakadilim na gabi, kasabay nito'y isang napakalakas na ulan at malakas na ihip ng hangin. Napakaraming mga 'di pamilyar na mukha ang aking nakikita. Nararamdaman ko ang pighati at kalungkutan ng mga tao sa paligid, tila ba nakikisama sa kanila ang panahon. Kahit malakas ang buhos ng ulan ay mababakas sa mata ng nakakarami ang lungkot na nagkukubli sa kanilang mga mata.
"Anak! Anak! Gumising ka! Anak!" Mabilis na natawag nang tinig ang aking atensyon kaya dali-dali akong lumapit sa pinanggagalingan nito.
"Makikiraan po," bahagya kong hinawi ang mga nagkukumpulang mga tao para makita kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan.
Napatakip na lang ako ng aking bibig at pilit na nilabanan ang mga luha na nagbabadyang kumawala.
"Anak. Anak! Gumising ka anak! Tulong. Tulungan nyo kami. Tumawag kayo ng ambulansya. Dalian nyo!" Hindi malaman ng ginang kung ano ang kanyang gagawin, litung-lito na siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila saka umupo sa gawing ulunan ng dalagang walang-malay. Sandali rin akong hindi naka-imik. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ano bang nangyari sa kanya? Parang automatikong tumulo ang mga luha sa aking mata. "Sheilla May, kaya mo 'yan, wag kang bibitaw. Pakiusap," bulong ko habang nakatitig sa putlang-putla niyang mukha.
Habang luhaan ay iginala ko muli ang aking paningin.
Nasaan ba ako? Bumalik ba ako sa nakaraan? Ito na ba ang sinasabi ng weirdong mama na dapat kong malaman? Pero anong kinalaman nito sa'kin? Sa sakit ko? Anong kinalaman ng aksidenteng kinasasangkutan ni Sheilla May sa nakaraan ko? Sino ba talaga siya? Ano bang naging papel niya sa buhay ko't nandito siya?
Napahawak na lang ako sa magkabilang banda ng aking ulo. Hindi ko na alam ang gagawin. Litung-lito na ako sa mga nangyayari. Mahahanap ko pa ba ang mga kasagutan sa aking mga katanungan?
"Anak? Anak? Anak, ayos ka lang ba?" Sa 'di kalayuan ay may pamilyar na boses akong narinig.
"Anak?" Biglang nagbago ang tono ng boses niya. Para bang bigla siyang napanatag. Hindi tulad kanina na, alalang-alala.
Dahan-dahan akong tumayo at hinanap ang pamilyar na boses ng lalaki. "Salamat sa diyos at ligtas ka. Ano bang nangyari?"
Papalapit na sana ako sa kanilang kinalalagyan nang marinig kong may dumating na ambulansya. Mabilis naman nilang sinakay ang nag-aagaw buhay na si Sheilla May.
Naiwan lang ako roon, nakatayo habang nakatanaw sa umaandar na sasakyan.
"JK! JK! Anak!" Nang marinig ko ang mga katagang 'yon, bigla na lang napalibutan ng puting liwanag ang buong paligid. Para bang unti-unti akong hinihila ng puting liwanag kung saan.
Napapikit na lang ako, hindi ko na makayanan ang tindi ng liwanag. Pagkamulat ng mata ko, nasa ibang lugar na ako.
Bughaw na kalangitan, malinis na batis, masasayang ibon na naglalaro sa sahig na nalalatagan ng mabeberdeng damo, 'yan ang aking nasisilayan ngayon. Ramdam na ramdam ko rin ang napakalamig na simoy ng hangin, payapa ang paligid. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang loob.
Habang nakatitig sa bughaw na kalangitan ay isang tinig ang aking narinig. Kumakanta ito. Ipinikit ko lang ang aking mga mata. Ang sarap sa tainga ng boses niya. Para bang hinehele ako sa kanyang mga bisig.
Nagsimula akong maglakad. Hinahanap kung saan nanggagaling ang tinig. Mula sa paanan ng isang mataas na punong kahoy ay may isang babaeng nakaupo. Nakatalikod sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Sheilla May?" sambit ko nang bigla itong lumingon sa akin habang nakangiti.
"Late ka na. Ang daya mo talaga," masigla niyang sabi. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya. Napatanong na lang tuloy ako sa sarili ko kung alam ba niyang darating ako ngayon. Uupo na sana ako sa tabi niya nang may boses akong narinig.
"Sorry. Ito kasing aso na 'to masyadong pasaway."
Napatingin ako sa likuran ko, pero bago ko pa man makita ang mukha ng lalaki ay bigla na lang nagliwanag ang buong paligid tulad ng kanina.
Muli, pagkamulat ko ay nasa ibang lugar na naman ako. Base sa aking obserbasyon ay nasa isang beach resort ako. Tirik na tirik ang haring araw. Ramdam na ramdam ko ang init ng araw.
Mula sa 'di kalayuan ay may natatanaw akong naglalaro ng volleyball. At sa isang puno malapit doon ay may isang babaeng naka-upo habang masaya at tahimik na nanonood.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumapit sa kanya, basta ang alam ko lang, kusang humakbang ang mga paa ko. Laking gulat ko nang unti-unti itong lumingon sa aking kinaroroonan, na siya ko namang labis na ikinabigla. "Sheilla May?" naibulong ko.
"Oh, Garfield? Nasa'n na ang amo mo?" Sa nakita kong iyon ay mas lalo akong nabigla. Anong ginagawa rito ni Garfield? At bakit kasama niya si Sheilla May?
"Hi! Sorry. Hinanap ko pa kasi si Garfield kung saan." Halos mapaluha naman ako sa sumunod kong nakita.
Anong ginagawa ko rito? Bakit kasama ko si Sheilla May?
Sa hindi malamang dahilan, nagsimulang sumakit ang ulo ko. Unti-unti ring nanlabo ang paningin ko. Ang ulo ko'y parang mahahati. Masakit!
Napaluhod na lang ako. Hanggang sa tuluyang nablangko ang isip ko.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Lãng mạn[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...