OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 23

2.9K 86 5
                                    

CHAPTER 23

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

Para akong naputulan ng dila. Hindi makapagsalita. Wala rin naman akong maisip na magandang isasagot sa kanya.

TEKA LANG? Bakit nga ba ko namomoroblema nang isasagot sa kanya? Hindi na mahalaga iyon!

Oo, HINDI NAMAN TALAGA MAHALAGA 'YON! *smirk*

"Wala lang. Ano ba sa tingin mo?" bigla ko nalang nasabi.

Nilingon ko siya, ngunit nakayuko ang kanyang ulo. Pilit kong sinisilip ang ekspresyon ng kanyang mukha ngunit bigo ako.

Anong problema nito? May nasabi ba akong masama? >///< Parang na-guilty ako bigla sa sagot ko.

*sigh*

"John? May sinasabi ka ba anak?" nagtatakang tanong ni Papa.

"A-ah, w-wala po Pa. He-he-hehe. ^_____^ " Muntik na ko dun ah. Muntik ko ng makalimutan na andito nga pala si Papa. Nilingon ko muli si Sheilla May sa kanyang kinatatayuan. Ngunit wala na ito.

Katagal naman yata ng pagkain nagugutom na talaga ko.

*creeeeeeek*

Narinig kong bumukas ang pinto sa gawing likuran ko. Kusina siguro iyon. Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaki na may tulak-tulak nang isang malaking lagayan ng pagkain.

Sa wakas dumating na din ang pagkain!

"Enjoy your food Sir."

"Thank you." - Papa.

"Woah..." Ibang klase, itsura palang ng pagkain busog na busog na ang mata ko. Parang nakakahinayang namang kainin dahil sa palagay ko pag-ayos lang nito inabot na ng siyam-siyam. Nakakahinayang na kainin. Mukha din namang masarap.

KAINAN NA!

"Wa. *__* Ang sarap! Mapaparami kain ko nito."

"Sige, kain ka lang ng marami. Ngayon lang naman kasi natin ulit to nagawa." sabi ni Papa.

*SILENCE* (BUSY sa pagkain. Masama daw kasi magsalita habang kumakain.)

*burp*

"Excuse me." Sobrang na-enjoy ko yung pagkain. Maganda ang pagkaka-ayos at higit sa lahat masarap ang pagkakaluto. Kaya solve na solve ang mata at tiyan.

Teka lang... kumakain din ba ang mga multo?

Eto nanaman ako kung anu-ano nanaman ang naiisip.

* * * * *

"Thank you sir. Balik po ulit kayo." Palabas na kami ng lumang bahay. Nilingon ko muli yung place. I'll make sure na babalik talaga ako dito. I love the place, the food, fresh air, everything!

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon