OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 45

1.6K 47 1
                                    

CHAPTER 45

OMG : Oh My GHOST! 

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

"You can fake your smile but your eyes will always tell the truth." pagkasabi noo'y ngumiti ito at naging seryoso ang mukha. "JK, wag mo na kaming lokohin. Halata namang may problema ka. Aminin mo na. Kaibigan mo naman kami diba?" Dahil sa sinabing iyon ni Nickolai ay napayuko nalang ako at hindi umiimik.

Natameme nalang ako sa mga binitiwang salita ni Nickolai. Oo, tama ang sinabi ni Nickolai. Pwedeng pwede mong peke-in ang iyong mga ngiti pero hindi kayang ikubli ng iyong mga mata ang katotohanan. Sabi nga, madaling sabihing ayos ka lang, pero mahirap panindigan. Sadyang sinungaling lang yata talaga ang bibig ng mga tao. Sasabihing okay lang, pero sa loob loob pala naghihingalo at nag-aagaw buhay na sila. 

Ganon ba talaga kahirap aminin ang totoo? Sa sitwasyon ko. Siguro, 50% 50%.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakayuko. Hindi pako handa sa isasagot ko sa kanila. Kahit kailan talaga wala kang takas sa matalas at malakas na pakiramdam ni Nickolai. Kayang kaya ka niyang basahin. Kahit anong pag-tanggi ang gawin mo sa kanya mahirap siyang paniwalain. Ganon kalakas ang pakiramdam niya. Naalala ko pa ang sabi ni Ella noon na, "magaling bumasa ng tao si Nickolai." Kaya walang duda, hindi epektibo ang mga mapanlinlang kong ngiti sa kanya. Yan si Nickolai, taong malakas makiramdam. Ang akala mo tatahi-tahimik na tao ay lihim ka na palang inoobserbahan.

Nananatili parin akong nakayuko at walang imik. Ganon din sila, marahil ay hinihintay ang sagot ko.

Ngayon na ba ang tamang panahon para i-pag tapat sa kanila ang tungkol kay Sheilla May na babaeng multo? 

Nabasag lang ang katahimikan sa aming paligid nang magsalitang muli si Nickolai. "Sya 'yan 'no?"

Napa-angat naman ang ulo ko ng marinig muling magsalita si Nickolai. 

Pinagmasdan ko lang siya, hindi ko kasi masyadong naintindihan 'yong sinabi niya. "Hah?" kuno't noong tanong ko rito.

"Sya 'yan ano? Yung babae sa burol." 

Sandali akong napa-isip sa sinabi niyang iyon. "Babae sa burol." bulong ko sa aking sarili.

Bigla ko tuloy naalala ang insidenteng iyon, nang minsang magkasama kami ni Sheilla May sa tuktok ng burol at nawalan ako ng malay tao.

Oo, tama.

Iyon marahil ang tinutukoy niya.

Teka-

Hindi kaya...

ALAM NA NIYA ANG TUNGKOL KAY SHEILLA MAY?

NA MULTO ITO?

Tinitigan ko si Nickolai na ngayon ay nakakalumbaba.

Sinusubukan kong makakuha ng sagot sa aking tanong, ngunit bigo ako. Hindi ko magawang mabasa ang iniisip niya.

Muli ay iniiwas ko ang aking tingin at nag-isip.

Malabo.

Oo. Malabong alam na niya ang tungkol kay Sheilla May. Nakausap lang niya ito sa cellphone at hindi nakita ng personal kaya malabong alam na niyang multo ito. Pero, minsan na niya akong kinompronta tungkol dito.

Hindi kaya, nadiskubre na din niya ang tungkol doon? Na isa itong BABAENG MULTO?

"BABAE?!" nagulat nalang ako nang marinig ang boses ni Ed at Lawrence na mukhang gulat na gulat sa kanilang narinig.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon