CHAPTER 11
OMG : Oh My Ghost!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Dali-dali na akong bumangon sa aking higaan, at nagtatakbo patungo sa CR para maligo.
Hindi ko na nagawang isinop at ligpitin ang aking higaan dahil sigurado akong malalate na ako kung liligpitin ko pa iyon ngayon.
"8:00 ng umaga ang class ko, first meeting pa naman namin ngayon sa subject na'to!"
Sandali lang ako naligo.
Binilisan ko talaga. Wala narin kasing masyadong oras.
Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa aking mini cabinet. 7:25 na nang umaga.
Dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos ng aking sarili.
Tapos na akong magbihis nang marinig kong tumunog ang aking cellphone.
*A new message has arrived*
Kinuha ko ito sa ibabaw ng aking kama at tiningnan kung kanino galing ang text message.
"From Lawrence."
fr : Lawrence
Good Morning Bro. Papasok kaba ngayon? Kung hindi mo pa kayang pumasok hwag mo ng pilitin ang sarili mo. Sasabihin nalang namin sa professor natin na may sakit ka pa kaya di ka makakapasok. Ang taas ng lagnat mo kahapon eh. Kaya ka siguro nawalan ng malay kahapon. Sige bro, pagaling ka.
- Lawrence"Nawalan nga talaga ko ng malay kahapon. Kakahiya tuloy. Tsss."
Habang pababa nako ng bahay, saka ko lang na-replayan si Lawrence.
To : Lawrence
Good Morning din Bro. papunta nako ng school kita kits nalang mamaya. Pasensya nga pala kahapon, nawalan pala ko ng malay. Nakakahiya tuloy sa inyo.
Nagsimula na akong maglakad papuntang University.
Malapit lang din naman sa amin ang University kaya ok lang na lakarin ko ito.
Mga 10-15 mins lang yun kung lalakarin mo.
"Excercise na din to! Para naman pagpawisan narin ako."
Habang naglalakad pilit kong inaalala ang nangyari kahapon bago ako mawalan ng malay tao.
*FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...