CHAPTER 33
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
JOHN KARLO'S POV
Andito kami ngayon sa maliit na kubo sa labas ng Resto Bar. Kasya siguro dito ang sampung katao, kung lahat sila ay slim at hindi katabaan. Hindi kasi ito kalakihan pero hindi rin naman ito ganoon kaliit. Sakto lang. Dito kami tumatambay sa tuwing matatapos kaming mag-perform. Presko kasi dito, makakalanghap ka ng sariwang hangin at higit sa lahat tahimik ang kapaligiran hindi katulad sa loob.
Ilang sandali pa'y dumating sila Ella at Kris. Palagay ko'y nanggaling pa sila sa university dahil naka-uniform pa ang mga ito.
"Oh? Anong meron at andito kayo?" bungad na tanong ni Ella habang lumalakad papunta sa tabi ni Ed. Si Kris naman ay dun nalang umupo sa gawing dulo, katabi ni Lawrence. Pagka-upo na pagka-upo ni Kris ay nagtinginan sila at nag-ngitan pa.
May naaamoy ako sa kanilang dalawa.
"Malamang sa alamang tapos na kaming mag-perform." namimilosopong sagot ni Ed sa tanong ni Ella, pagkasabi naman noo'y niyakap nya ito kahit kauupo palang nito.
"At kelan ka pa natutong sumagot ng ganyan huh, EDGARDO HIPOLITO?"
"I love you nalang." Sandaling natigilan si Ella at bahagyang namula ang mukha nito. Napahawak pa siya sa kanyang pisngi. Hindi ko alam kung kinikilig ba ito o ano. Ngumiti ito sandali at gumanti narin sya ng yakap kay Ed. Napansin ko ring parang may ibinulong ito kay Ed dahil bahagyang tumawa ito.
"PDA." Mahinang bulong ni Lawrence.
"Erhem. Erhem." Napalingon naman kaming lahat sa umuubo.
"Ah Papa! Ay, Tito pala." May pagkabiglang sabi ni Ed. Tinignan lang sya ni Tito at bahagyang tumaas ang kilay nito na para bang may gustong ipahiwatig kay Ed. Napansin ko naman na dali-daling tinanggal ni Ed ang pagkakayakap niya kay Ella. Pagkatanggal na pagkatanggal ni Ed nang mga kamay niya ay nginitian nya lang ito. Ngiting abot hanggang tenga. Pagkayari noo'y ibinaling na sa amin ni Tito ang kanyang tingin at saka muling ngumiti.
"Oh heto, mag-meryenda muna kayo." sabay lapag ng mga biscuits at kung anu-ano pa. "Ella..." sabay baling ng tingin kay Ella.
"Yes, Papa?" matulin na sagot nito.
"Anjan ka na pala. Kanina pa kayo?" tanong nito sa kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Ed. Sa aking pag-kakaalam ay pabor naman si Tito sa relasyon nilang dalawa, kaya lang may pagka-istrikto si Tito pag-dating sa lovelife ng kaisa-isahang anak.
"Opo, kararating lang po namin ni Kris."
"Ah ganon ba?"
"Opo." matipid na sagot nito. Saka nginitian nya lang si Tito.
"Nga pala Ella, pumasok ka nalang mamaya sa loob para kumuha ng maiinom nyo." Patalikod na sana si Tito, nang muli syang humarap samin. "Ah. May beer nga pala jan." sabay turo sa ilalim ng lamesa na narito sa loob ng kubo. "Pwede kayong uminom kung gugustuhin nyo, PERO wag na wag kayong magpapakalasing. Hinay-hinay lang sa pag-inom. Sabado naman bukas at wala kayong mga pasok diba?" Tumango lang kaming lahat. "Okay lang naman na mag-relax kayo minsan, saka bonding nyo narin 'to. Basta wag lang papakalasing at baka mapatay ako ng mga magulang nyo." Binaling naman ni Tito ang kanyang atensyon kay Ed. "Ah sya nga pala Ed, alam mo naman na tanggap kita bilang nobyo ng anak ko diba?" tumingin dito ng mabilis si Ed at tila ba kinakabahan. Tumango-tango lang ito. "Pero tulad nang napag-usapan natin, kailangan nyo munang magtapos ng pag-aaral. Hindi ko ibibigay sayo ang kamay ng anak ko pag hindi ka nakapag-tapos. Malinaw ba Ed?" Woah. Seryoso ang mga mukha nila. Ngayon ko lang din naman nakitang seryoso ang mukha ni Ed kadalasan kasi ay parang bata ito kung umasta.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
عاطفية[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...