CHAPTER 5
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Isang napakadilim na gabi, kasabay nito ay isang napakalakas na ulan at malakas na ihip ng hangin. Napakaraming mga di pamilyar na mukha ang aking nakikita. Nararamdaman ko ang pighati at kalungkutan ng mga tao sa paligid, tila ba nakikisama sa kanila ang panahon. Kahit malakas ang buhos ng ulan mababakas sa mata ng nakakarami ang lungkot na nagkukubli sa kanilang mga mata. Kahit malakas ang ulan mababakas sa kanilang mga mata ang pag-agos ng mga luha.
"Bakit sila tumatangis?"
"Ano bang nangyayari dito?"
Nilapitan ko ang isang Ale at tinanong:
"Ale, anong meron dito bakit madaming tao? Ano po ba ang nangyari dito?'' tanong ko sa Aling nakatalikod.
Tila ba hindi ako narinig ng Ale kung kaya't inulit ko ulit ang aking tanong. Ngayon ay mas nilakasan ko ang aking boses para siguradong maririnig na nya ako this time.
"Ale, walang galang na ho, anu po bang meron? Anung nangyare? Bakit madaming tao dito?" pag-uusisa ko.
Pero kahit anong pilit ang gawin ko parang hindi nya ako naririnig.
Nang walang anu-ano'y may narinig akong tinig na tumatawag sa akin.
"John Karlo....John Karlo."
Paulit ulit nyang sinasambit ang aking pangalan.
"John Karlo.."
Parang pamilyar ang tinig nang tumatawag sa akin.
''JOHN KARLO!"
Napadilat ako bigla at napatayo sa aking pagkakahiga, dahil sa tinig na aking narinig.
"Tanghali na, hindi ka ba papasok? Aalis na ko, tanghali na din ako eh. Nakahanda na ang almusal mo sa lamesa. Ah sya nga pala hwag mo na kong antayin mamayang hapunan dahil mag overtime ulit ako ngayon. Madami kasing dapat pang tapusin sa office. Sige alis na ko. Bumangon ka na dyan ha?" sabi ni Papa. Pagkasabi noo'y lumabas na sya ng aking silid.
Noon ko lang nalaman na nananaginip pala ako.
"Whatta strange dream." sambit ko.
Bumangon na ako sa aking higaan at inayos ito. Pagkayari noon ay nagtungo na ako sa banyo para mag-hilamos at ayusin ang sarili.
"Martes nga pala ngayon, wala kaming klase this day. M-W-TH-F ang schedule ng pasok ko. Kapag Monday lang whole day ang klase ko, the rest puro half day na. Ano kayang pwedeng gawin ngayon habang walang pasok?" tanong ko sa sarili ko.
Napaisip ako sandali.
*BRAINBLAST!*
"Pupunta nalang ako sa Resto Bar para makipagkita kina Nickolai. Pero bago ang lahat kakain na muna ko dahil nagugutom na ko."
Isang buwan narin kami dito sa Apartment na tinitirhan namin ngayon. Hindi parin ako masyadong sanay dito. Nakakamissed din ang aming lumang bahay na tinirhan. Kahit hindi ganon kalaki, ok lang, dahil dalawa lang naman kami ni Papa na nakatira don. Siguro dahil dun narin ako lumaki sa bahay na 'yon.
Nagsisimula nakong kumain, nang walang anu-ano'y biglang bumukas ng unti-unti ang pintuan ng kwarto ni Papa.
*creeeeeeeek*
Narinig ko pa ang tunog nito na unti unting bumubukas.
May naririnig akong yabag ng mga paa. Mahina lang ang tunog nito at tila ba papunta sa kinaroroonan ko.
Ramdam ko ang unti-unting paglapit nito.
And finally, its already here at my back.
Alam ko dahil nararamdaman ko ang presensya nito.
Paglingon ko...
END OF CHAPTER 5
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...
![OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/3495060-64-k877232.jpg)