OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 21

3.8K 90 17
                                    

 CHAPTER 21

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

Andito na kami sa taas ng Mall. Nasaan na kaya sila Ella? Lumingon lingon ako sa paligid at nag-babakasakaling makita sila doon, pero walang bakas o anino manlang nilang dalawa. Ganoon din ang ginawa ni Ed at Lawrence. Lingon dito. Lingon doon. Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. Para kaming mga teacher na naghahanap sa nawawalang mga estudyante. Psh. Nasaan naman kaya ang mga ‘yon? Hindi kaya nakikipaglaro sila ng Hide and Seek at kami ang taya?

*sigh*

(Someone Singing) 

♪♫ I love you – what do I do because I love you?

 It’s okay even if it’s a painful love

 Even if I erase the last love in my life

 You are someone that cannot be erased

 Even if it’s a sad destiny, I can’t let you go

 I love you because it’s you

 Because to me, it’s you… ♪♫

I heard someone singing, someone with angelic voice.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. *Lingon.Lingon* Nang mapansin kong may mga nag-uumpukan na mga tao sa bandang dulo ng floor na‘to. At sa aking palagay doon nanggagaling ang magandang tinig. Marahil ay kumakanta iyon sa videoke. Dahil sa busy si Ed kakatext kay Ella napagdesisyunan kong lumapit doon sa maraming tao para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng magandang boses. Napansin ko naman si Lawrence na titingin tingin lang sa paligid. Sapalagay ko’y hinahanap pa rin niya sila Ella.

*Lakad.Lakad*

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad, may napansin akong isang pamilyar na mukha. Oo, isa nga iyong pamilyar na mukha. Nakangiti ito na tila ba abot hanggang tenga at kumakaway kaway itong parang isang bata. Napahinto ako sa aking paglalakad. Kinusot-kusot ko ang aking mata sa akalang namamalikmata lang ako. Pero hindi ako namamalikmata. Totoo ang akong nakikita. Andito nga siya. *facepalm*

Ano namang ginagawa ng multong ito dito? Don’t tell me, sinusundan ako nito hanggang dito? STALKER LANG?

*sigh*

Bigla ko tuloy naalala ang mga katagang binitawan niya kahapon. “HINDI KO ALAM. Wala akong matandaan. Basta alam ko lang na ikaw ang makakatulong sa akin. Alam ko. Dahil nararamdaman ko.” Ang weird lang nang sinabi niyang iyon. Hindi nya matandaan kung sino sya, at anong ginagawa nya doon, pero... alam nya ang pangalan nya. Tanging pangalan nga lang kaya ang natatandaan nya? Hindi kaya—

Hindi ko na natapos ang aking iniisip dahil may biglang tumapik sa aking balikat.

Nilingon ko ito.

Si Lawrence pala. Alam na daw nila kung nasan sila Ella. Mabuti naman. Nilingon ko muli kung saan ko nakitang nakatayo si Sheilla May. Kagaya ng inaasahan, nawala nalang itong parang bula. Bakit ba para syang isang kabute na bigla nalang lulubog lilitaw kung kailan nya gusto. Tsss. Nagsimula na kami maglakad. Dire-diretso lang kami. Sinusundan ko si Lawrence habang nasa harapan naman niya si Ed.

T-teka? Doon kami patungo sa maraming tao. Sa pupuntahan ko dapat kanina. Don’t tell me andon lang si Ella at Kris sa mga nagsisiksikang mga taong iyon?

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon